23

277 6 0
                                    

Chapter 23

"Kamusta naman ang 3 days bakasyon, Meredith? Buti kapa nakapagpahinga" tanong saakin ni Stacy at umakto pang nalulungkot.

Lihim naman akong napairap dahil hindi pahinga ang naramdaman ko nung nasa batangas kami.

Nakakainis kasi si Jake nung nalaman nyang naka two-piece ako ay hindi na nya ako pinaligo at naglibot nalang kami.

"Okay naman" maikling sagot ko at sumubo ng pasta. Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch time.

"Bakit dalawa na yang singsing na nasa necklace mo?" Tanong ni Zara na ikinatigil ko.

"Binigay lang" sabi ko ulit at ningitian sila.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Zara at tila hindi naniniwala kaya agad akong nagisip ng pwede kong idadahilan.

"Bigay ng tita ko" tumango-tango naman si Zara kaya nakahinga nako ng maluwag.

Next week ay magp-present na kami ng mga own recipes namin kaya kinakabahan talaga kaming tatlo.

"Pagkatapos natin sa presentation mag bar tayo!" Excited na sabi ni Stacy at tinaas-baba pa nya ang kilay nya.

Nagulat naman ako dahil marunong na palang magbar si Stacy.

"At saan mo naman nalaman yan Stacy?" Nakataas kilay na tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya at tinignan kaming dalawa ni Zara na tila nagpapaawa pa.

"Sige na, please....." sabi nito ulit at ngumuso pa.

Natawa naman si Zara at tumango.

Hindi naman ako sumagot dahil baka hindi ako payagan.

"Papayagan kaba ng Mommy mo Stacy?" Tanong ni Zara.

"Hmmmm.....hindi kaya sa condo ko nalang tayo matulog" napakunoot-noo naman ako dahil wala naman siyang condo.

Magsasalita na sana ako ng unahan nako ni Stacy.

"Kakabili ko lang ng isang araw! Regalo ng parents ko, usapan kasi talaga namin yun noh" nakangiti ito kaya alam kong totoo ang sinasabi nya.

"Do you already live there?" Tanong ni Zara na agad ikinatango ni Stacy.

"Alam nyo naman ang parents ko masyadong busy. Pero once a week pupunta si Manang para maglinis sa condo ko." Napatango-tango naman kaming dalawa ni Zara at nagkatinginan.

Napabuntong hininga nalang ako at pumayag. Tuwang-tuwa naman si Stacy kaya napatawa nalang kami.

Nakasakay nako sa sasakyan namin at pauwi na ako sa bagong bahay ko, kasama si Jake. Hindi na din kasi ako nakapalag dahil pagkauwing-pagkauwi namin galing ng batangas ay dito kami dumiretso kaya nagtaka ako noon na ikinagulat ko din sa huli dahil ayun na pala ang magiging bahay namin ni Jake.

Tumutol ako nung una pero naisip ko din na mag-asawa na nga kami. Pero magkaiba kami ng kwarto kaya pumayag na din ako. Hangga't maari ay ayaw ko siyang makatabi o makasama man lang kahit nasa iisang bahay lang naman kami.

Sakto lang naman kasi ang bahay na binili na Jake para saamin. May tatlong kwarto at bawat kwarto ay may sarili-sarili ng banyo. May maganda na kusina na ikinatuwa ko dahil mahilig nga akong magluto. Magkatabi ang kwarto namin ni Jake dahil hindi ko pala alam ay nung nasa batangas kami nailipat na pala ang mga gamit namin.

Talagang pinagplanuhan talaga nila ito.....o ni Jake lang.

Ngumiti nalang ako kay Manong Artin at nagpasalamat. Bumaba na ako ng kotse at lumabas. May nagbukas naman ng gate saakin at si Kuya Jeff iyon, ang guard na kinuha ni Jake para daw magbantay dito.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now