08

374 15 0
                                    

Chapter 8

A-anong sabi ni Daddy?

Napatingin ako kay Liam na seryosong nakatingin sakin. Napaiwas naman ako ng tingin at namula.

"No, it's fine Tito" sabi ni Liam na ikinagulat ko. Napayuko naman ako at nanghinayang. Ang arte arte mo kase!

Napailing naman ako at tumingin kay Liam. "No, okay lang Liam samahan kita sa food" napangiti ako nang hindi ako nautal. I saw amusement in his eyes when I said that kaya napaiwas ako ng tingin.

Natawa naman sila Daddy at tumango saamin. "Go Liam, come with Meredith" sabi ng Mommy ni Liam kaya napangiti ako.

Tumingin ulit ako kay Liam at nakitang nakangisi na ito at lumapit saakin. Tumibok naman ang puso ko at naramdaman kong nagwawala ang mga paru-paro sa tyan ko.

"Meredith, let's go" naglahad siya ng kamay saakin na pinag-isipan ko pang kunin, kung hindi pa ako siniko ni Mommy ay hindi ko pa ito kukunin. Ningitian ko siya at hinila siya papunta sa mga pagkain.

Hila-hila ko siya papunta sa buffet, nakita ko naman na andun ang mga favorites nya kaya hinarap ko siya. Pagtingin ko sakanya ay nakatingin siya sa mga kamay namin na magkahawak, kaya napatingin din ako doon at natauhan. Aalisin ko sana ng humigpit ang hawak nya, nag-angat siya ng tingin saakin at umiling.

"It's fine, don't let me go" sabi nito na ikinatigil ko.

Tumango nalang ako at hinayaan siya na kumuha ng pagkain. Alam ko ang mga favorites nya dahil narinig ko silang nagusap-usap ng mga kaibigan nya noon.

"Sige na, kumuha kalang Liam" sabi ko at tinignan siya, natawa naman siya kaya nagulat ako dahil minsan lang siyang tumawa. Dahil madalas siyang seryoso at walang emosyon.

Kumuha siya ng dessert na tiramisu kaya napangiti ako. Gagawa ako next week niyan para maibigay ko sakanya, favorite nya din kasi ito kaya ibibigay ko sakanya.

Tumigil naman siya sa pagkuha ng pagkain at tumingin saakin. "You...you don't want to eat?" Tanong nito. Napaayos naman ako ng tayo at nahihiyang ngumiti sakanya at kinuha ang kamay ko na hawak nya. Hindi kasi ako makakagalaw kung hawak nya ang kamay ko, namula naman ako dahil naalala ko kung gaano kalambot ang kamay nya.

Napailing naman si Liam ng makita na kinuha ko ang kamay nya kaya natawa ako. "Kukuha lang ako ng desserts" paalam ko at tumalikod sakanya.

Pagkarating ko sa cupcake bites ay aabutin ko na sana yung redvelvet na cupcake ng may pumigil ng kamay ko.

Tumingin ako sa gilid ko at nagulat nang makita na si Jake yun. Inalis ko ang pagkagulat sa mukha ko at malamig siyang tinignan, oo nga pala at imbitado sila dito.

"Why?" Nakataas na kilay na tanong ko sakanya, hindi pa siya sumasagot ay iniwas ko na ang tingin ko sakanya at kumuha na ng redvelvet na cupcake. Apat na ang kinuha ko dahil favorite din ni Liam iyon.

"So, you're having fun?" Napatingin naman ako kay Jake dahil parang batang nagtatampo ang tono ng pagkakatanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay at sinamangutan. Napanguso naman siya na ikinangiwi ko.

"You're smiling with him, but....but with me you're like that" malungkot na sabi nito at tinignan ako sa mga mata, nagulat naman ako at umiwas ng tingin.

"Sabi ko naman sayo Jake-"

"Say it again" napakunot noo naman ako at hindi siya naintindihan.

"Ano?" Nagtataka kong sabi.

Napabuntong hininga siya at nagsusumamo na tumingin saakin. "Say it again, I want to hear you saying my name" napatango naman ako.

"Jake" nagulat naman ako ng nag-iwas ito ng tingin, napakagat labi habang hindi makatingin saakin.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now