42

164 2 0
                                    

Chapter 42

Buong araw akong nasa bahay nila Mommy at nakipagbonding sa kanila. Hindi ko alam pero may pakiramdam akong nalulungkot kahit masaya naman kaming tatlo kanina.

Siguro ay sobra lang akong nangulila sakanila.

Nasa bahay na ako ngayon, bahay namin ni Jake pero ang pinagtataka ko ay 7pm na pero wala pa din siya.

Gusto ko pa sana magstay sa bahay nila Mommy pero ayaw na nila ako magstay doon at baka hanapin daw ako ng asawa ko. Pero, ako naman itong naghahanap sa asawa ko.

Pinuntahan ko si Manang sa kusina at naabutan ko itong nagluluto ng dinner namin.

"Manang, umuwi na po ba si Jake?" Tanong ko dito. Bahagya pa nga itong napatalon sa gulat.

Humarap ito saakin kaya natawa ako dahil nagulat ko nga siya.

"Ano ka ba naman hija! Wag mo naman akong gulatin." Sabi nito at bahagyang natawa.

"Pasensya na Manang" sabi ko at nagmano sakaniya. Ganun ang ginagawa ko pagkadating ko galing sa school or umaalis ako.

Speaking of school, finals na namin at gagawin ko na pala yung project namin.

Siguro ay bukas ko na gagawin, madami pa namang time ang binigay saamin ng prof namin.

Sobrang bilis ng panahon dahil g-graduate na pala ako.

Well, may isa pa namang sem kaya ayaw ko munang kabahan at ienjoy nalang ang 2nd year ko.

"Si Jake? Ay buti natanong mo yan hija, nako 'yang batang yan hindi pa umuuwi simula kahapon. Nag-aalala na nga ako." Napasimangot naman ako dahil bakit hindi pa siya umuuwi.

Wala naman na siyang text saakin mula kaninang umaga na binati lang ako.

Napabuntong hininga nalang ako at nagpasalamat kay Manang.

"Oh siya sige, tatawagin nalang kita pagkakain na." Tumango nalang ako at umakyat na sa kwarto namin.

Hindi ko alam pero nalulungkot ako dahil akala ko nga ay siya pa mismo ang susundo saakin sa bahay nila Mommy.

Pagkaakyat ko ay naglinis na ako ng katawan dahil nanlalagkit na ako at ginawa ang night routine ko.

8pm na pero wala pa din si Jake. Matutulog nanaman ba akong hindi ko siya katabi? Inaamin ko kasing nasanay na ako na katabi ko siya lagi matulog, nakayakap saakin at parang bata kung makadikit.

Hindi ko na napigilan ang sarili at tinawagan na siya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tatlong ring lang ay sumagot din siya.

"Hello, Jake?" Tanong ko.

Akala ko ay si Jake ang sasagot pero boses ng babae ang sumagot sa tawag ko.

[Hello, who's this?]

Napakunot noo naman ako dahil sa sumagot sa tawag. Hindi si Jake ito! Chineck ko ulit kung tama ba yung number na tinawagan ko pero tama naman ah.

[If you're looking for my Jake, he's in the shower.] Sabi nito na ikinatigil ko.

Doon na ako napatigil at bigla ko nalang napatay ang tawag.

Sino yon? Bakit parang familliar?

M-my Jake? Babae niya ba yun?

Hindi ko alam kung babaero ba si Jake o hindi dahil sasaglit lang naman kami nagkakilala pero kung magloloko man siya saakin ay wag na wag niyang gagawin yun.

Buong gabi kong inisip kung sino ang sumagot ng tawag, wala manlang akong natanggap na tawag kay Jake.

Kaya ngayong paggising ko ay sobrang tinatamad akong bumangon, monday pa naman ngayon at balak ko pang gawin mamaya ang cookbook ko.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now