03

565 14 0
                                    

Chapter 3

Pagkauwi ko sa bahay ay binigay ko kaagad kay yaya yung mga box ng donuts. Naibigay ko na rin naman na ang kay Manong Artin, dumiretso ako sa kusina kasabay si yaya at doon namin nilapag ang mga donuts.

"Yaya, pakitawag na po sila Mommy" seryoso kong sabi kaya tumango kaagad sya at umalis na sa kusina.

Napabuntong-hininga naman ako at napahilot sa sentido ko, sino ba yung lalaki na iyon? At grabe kong makatanong!

Napailing nalang ako at sinusubukan na iwaksi ang mga nasa isip ko ng may biglang kinalabit ako.

"Manang!" Gulat kong sabi kay Manang ng makita sya na nasa gilid ko, nakakunot noo sya at tila hindi maintindihan ang mga inaakto ko.

"Ano bang nangyayari sayo Edith? Bakit parang problemadong-problemado ka?" Nag-aalalang sabi nito at hinawakan ang balikat ko.

Napailing naman ako at ngumiti ng tipid.

"Okay lang po ako Manang!" Sabi ko dito at ningitian sya, kailangan kong paniwalain si Manang na okay lang talaga ako dahil kilalang-kilala na niya ako. Siya kasi ang nag-alaga saakin simula nung baby palang ako at katulong din siya noon ni Mommy nung pinagbubuntis ako nito.

Napatango nalang sya at tumingin sa mga donuts na nasa harapan nya.

"Aba! At ang dami nito ah!" Nakangiti nyang sabi at binuksan na isa-isa iyon.

Sakto namang dumating na sila Mommy kaya nagsimula na kaming kumain.

Bali snack nalang namin ito dahil gabi naman na.

"Hija, how's your school?" Nakangiting tanong ni Daddy, napatingin naman ako sakanya habang umiinom ng frappe.

"It's fine dad" maikling sabi ko at kumagat sa donut ko.

"Let her be Rodolfo, she's not a baby anymore" nakangiting sabi ni Mommy kaya naman napangiti din ako, ngunit nawala iyon sa sinunod nyang sinabi.

"But, she's will always be our baby" nakangiting sabi nito saakin at tumingin kay daddy ulit.

I sighed.

"Mommy, I thought I'm not a baby anymore?" Nakangiwi kong saad.

Napatawa nalang sila Mommy at Daddy pati si Manang.

"Nako! Ikaw talagang bata ka!" Natatawang sabi ni Manang.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat kaagad ako sa kwarto ko para makapag-shower na at matulog.

Nakahiga na ko sa kama ko at hawak ang phone ko, nagpapaantok. Late na pero gising pa din ako, it's 10 pm and maaga pa ang pasok namin bukas nila Zara.

Nagulat naman ako ng pagopen ko ng Messenger ay nakaopen pa silang dalawa, or hindi lang napatay ang wifi nila?

Hindi ko nalang sila chinat dahil magkikita naman kami bukas at natulog na.



Kinaumagahan ay nakaready nakong baba para sa school at kakain nalang ng breakfast kasabay sila Mommy.

Busy kasi sila sa Sanmonte Estate, andami na din kasi naming hinahandle na mga houses. Saamin din itong village na kung saan kami nakatira.

Sanmonte Village

Pagkababa ko ay dumiretso kaagad ako sa dining at nakitang nandoon na pala sila Mommy at Daddy na masayang kumakain.

"Hi, mom/dad" sabi ko at lumapit sakanila para humalik sa pisnge nila.

Kumain na kami ng breakfast.

Pagkatapos kumain, as usual sabay-sabay kami ni aalis ng bahay pero magkaibang sasakyan.

Malayo kasi ang company namin sa mismong village namin at school kaya magkaiba talaga kami ng sasakyan.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now