CHAPTER 3: LOVE IS AN OPEN DOOR

21 2 1
                                    

Karen's POV

Nasa canteen ako ngayon kasama si Tintin lunch break kase namin ngayon.
Habang kumakain kame ay may mga girls na nagtitilian sa likod namin.

'Omg!!! Ang gwapo talaga nila'

'Hala... ang cutieee naman ni Paolo!'

'Vince be mine oppa'

Napatigil ako sa pag subo ng kinakain ko at napalingon sa likudan namin. Andyan pala yung mga heartthrob/Varsity players ng university namin. Galing sila sa iba't ibang department.

Si Paolo ay galing sa Engineering department

Si Vince ay galing sa Chemistry department

Si Lucas naman ay galing sa Aeronautical department

Si Carl naman ay galing biology department

At syempre si Gabriel galing siya sa Journalism department, mag kaklase din pala kame.

Malaki ang pagkagusto ko kay Gabriel pero di ko pinapahalata kase sino ba naman ako para mag ka gusto sakin si Gabriel noh. Isa lang naman akong simpleng estudyante at hindi ako ganon ka-popular katulad nila

"Hala sis karen.. oh my nandyan ang bebe Vince ko. Grabe ang gwapo talaga niya. Nakuu teka asan cellphone ko. Kukuhanan ko siya ng stolen shots" sabi ni Tintin habang kinukuha ang cellphone niya sa bag

Oo nga pala di ko pa nasasabi kay tintin na crush ko Gabriel baka kase asarin ako nun eh. Alam mo naman ang bestfriend kong yun.

Di ko na pinansin ang mga heartthrob at bumalik na lang sa pag kain. Habang kumakain ako ay parang may something akong naririnig parang nag riring ang tenga ko. Limang Segundo lang ito nagtagal at pagkatapos nun ay parang lumakas ang pandinig ko.

Naririnig ko na ang bulungan ng mga estudyante.

Maski si ateng tindera na nagsasalok ng pagkain naririnig ko na ang pagsalok niya ng mga pagkain sa plato.

Rinig ko na din ang pag click ng cellphone ni tintin habang kinukuhanan si Vince ng stolen shots.

Rinig na rinig ko na ang yabag ng mga estudyanteng naglalakad

Pero isa ang pinaka nangingibabaw, isang boses ng isang babae na umiiyak at mga taong sumisigaw.

'Miss wag kang tatalon'

'Ayy may babaeng tatalon ng building'

'Nako saklolohan niyo yan'

Ang lakas ng mga sigawan na yun. Kaya tinanong ko si sis tin kung naririnig din ba niya ito.

"Sis Tin, naririnig mo din ba yun?" Sabi ko sa kanya

"Ang Alin?" Sagot niya na nakanuot noo

"Ayun ohh. Mga taong sumisigaw." Sabi ko rito

"Huh? Wala akong naririnig. Kung ano ano naririnig mo sis karen baka guni-guni mo lang yun" sabi nito sabay balik sa pag kuha ng stolen shots.

Hindi ako pwede mag sawalang bahala dahil napakalas ng mga sigawan na iyon.

Malakas ang pakiramdam ko na nasa malapit lang ang ingay na yun.

Habang busy ang lahat, ay luminga linga ako paligid at nakita na abala ang lahat sa kanya kanya nitong gawain. Wala naman sigurong makakapansin kung magtatranform ako bilang Esmeralda.

Habang busyng busy si tintin kumuha ng mga stolen shots at kinikilig pa rin kay Vince ay sinamantala ko iyon para makatyempong umalis sa lamesa namin at lumabas ng canteen.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon