CHAPTER 11: WEDDING DAY

19 1 1
                                    

KAREN'S POV

Weekend today at nasabi ni mommy last week na may pupuntahan kameng isang wedding kaya naman ay namili kame kahapon ng susuotin namin. Pinaalam ko kay mommy na baka pwede kong isama si Gabriel.

Nag aalangan pa nga ako mag paalam pero triny ko pa rin at buti naman ay pumayag si mommy. Wedding ito ng family friend namin na si ate connie.

Nakakatuwa nga kase ikakasal na siya sa long time boyfriend niya. Hayy nakakatuwa naman.

Kami kaya ni Gabriel kelan? Hoyy karen aga aga nag iilusyon ka diyan ah. Lagyan mo na muna kaya ng label yang sa inyo ni Gabriel bago ang kasal kasal.

Today nga pala ang kasal ni ate connie. Suot ang isang simple long dress na color purple ay nag make up na ako ng very light. Meztiza kase ako kaya mas bagay sakin ang light na make up. Mas nakikita kase ang ganda ko kapag di punong puno ng make up ang mukha ko.

Saktong pagtapos ko mag ayos ay tinawag na ako ni mommy

"Karen andito na si Gabriel" Sigaw nito galing sa labas ng kwarto ko.

Automatic naman na lumabas ang ngiti ko. Kotang kota na ako sa kilig ngayong taon.Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko si mommy na nag aayos ng mga gamit na dadalhin namin.

"Andyan na yung boyfriend mo sa veranda, pinagpark ko na ng motor niya" asar sakin ni mommy.

"Mommy di ko nga po boyfriend si Gabriel." Depensa ko rito. Hindi ko alam kung kikiligin ako o hindi. Ayoko din kase na umasa sila mommy na magiging kame ni Gabriel pero in the end ay hindi pala. Mas okay ng ako na lang ang umasa wag na sila.

Nilabas ko na si Gabriel sa may veranda at nakita ko na pinark niya ang motor niya sa loob. Mag vavan kase kame papunta sa church kung saan gaganapin ang wedding ni ate connie. Kaya iniwan muna ni Gabriel ang motor niya dito. Si mommy kase ang mag dadrive ng Van. Si tita naman ay nag paiwan na sa bahay.

Sumakay na kame ni Gabriel sa van pati na rin si mommy. Sa loob kame umupo kaya walang katabi si mommy sa driver seat. Pero okay lang yun dahil may tiwala naman si mommy samin ni Gabriel.

Habang nasa byahe ay nag kukilitan lang kame ni Gabriel at si mommy naman ay iniinterview siya.

"So Gabriel, anong work ng parents mo" tanong ni mommy kay Gabriel

"They are managing our business po in US. Madalang po silang umuwi dito sa philippines" sagot naman ni Gabriel

"I see. So sinong kasama mo ngayon dito sa pilipinas?" Tanong ulit ni mommy.

"My uncle po. Siya naman po ang nag papatakbo ng business niya dito sa pilipinas" sagot ni Gabriel.

Di na ako mag tataka kung bakit isa si Gabriel sa pinaka mayaman sa University. From his parents hanggang sa relatives ay may business na minamanage. Jusme kahit ata hanggang next life eh mayaman sila. Tuloy tuloy lang ang pag iinterview ni mommy kay Gabriel hanggang sa makarating kame sa venue ng wedding ni ate connie

Si mommy kase ang isa sa mga ninang nila ate connie kaya iba ang seats niya. Kame naman ni Gabriel ay umupo sa upuan ng mga bisita. Pinili namin ang gilid na spots di naman masyadong gilid sapat lang para makita si ate connie na nag lalakad sa aisle.

Ang ganda ganda niya na bride at ang ganda din ng wedding gown. Simple pero eleganteng tignan. After 1 hour ng ceremony ay mag bibigayan na ng wedding vows at mag I do na si ate connie at ang husband nito.

Nang tinanong ng pari ang groom ni ate connie ay biglang hinawakan ni Gabriel ang kamay ko. Dahilan para magulat ako ng kaunti. Tiningnan ko siya ng may buong pagtataka. At sinabayan niya ang groom na may I do.

"I do" sabi ni Gabriel habang seryosong nakatingin sa mga mata ko at parang nagpapahiwatig na sabayan ko rin si ate connie sa pag sasabi ng I do.

"Connie do you take Joven as your lawfully wedded husband. In sickness and in health. In richer and poorer" sabi ng pari kay ate connie.

Tiningnan ko ang si Gabriel sa mga mata at sinabayan si ate connie sa pag bigkas ng I do

"I do" sabi ko kay Gabriel habang hawak pa rin ang mga kamay nito.

"I am now pronounced you as husband and wife. You may now kiss the bride" sabi ng pari.

Kiss the bride? Hahalikan din kaya ako ni Gabriel? Di pa rin naaalis ang titig namin sa isat isa at unti unti ng lumalapit ang mukha ni Gabriel sakin. OMG.. ito na ata yun.. Pinikit ko na ang mga mata ko at handa ng tanggapin ang halik nito. Hinintay ko na lumapat ang labi nito sa labi ko pero limang segundo na ata akong nag iintay pero wala pa rin akong nararamdaman sa labi ko.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Gabriel na ang lapad ng ngiti animoy nang aasar pa. Dun ko lang narealize na its a prank... hindi pala talaga niya ako hahalikan at gusto niya lang makita ang reaction.

Aba...napahiya ako dun ah.. medyo nainis ako sa ginawa niya.. oyyy hindi sa hindi niya ako hinalikan ah. Kundi sa pakiramdam ko ay pinagtitripan ako ni Gabriel. Feel na feel ko pa naman ang moment na toh. Tawa pa ng tawa. Hay nako bahala ka diyan. Hindi kita papansinin noh! Ng matapos na ang wedding ceremony at tumuloy na kame sa reception cold pa rin ako kay Gabriel.

Habang nasa reception nagsisimula na ang party hindi ko parin pinapansin si gabriel kaya naman itong si gabriel ay hindi na nakatiis nilapitan niya ako at may inabot saakin na dessert.

"Karen dessert oh diba favorite mo ito?" inilapag niya ang maliit na plate na may lamang isamg slice ng chocolate cake na favorite ko sa table na kinauupuan ko.

Nagulat naman ako sa ginawa ni gabriel na para siyang nanunuyo kaya tila'y nakaramdam ako ng unting kilig. Karen pigilan mo wag mong ipapahalata na kinikilig ka kalma self, nagtatampo ka ngayon.

Nang matapos na ang wedding celebration ni ate connie at kanyang asawa na si kuya joven, at nagpaalam na kami para makauwi na dahil maghahating gabi na rin.

Gabriel's POV

Pagbaba ng van ay hinatid kona sina karen at ang mommy niya sa loob at nagpaalam narin ako sa kanila, mukhang nagtatampo parin si karen sakin dahil sa ginagawa kong pang-aasar sakanya kanina.

"Tita and Tita ella mauna na po" sabi ko habang palabas na ng pinto

"Sige grabriel mag-ingat ka sa pagmomotor mo" sabi ni tita eloisa sakin habang kausap si tita ella

Bago pa ako makalabas ng pinto narinig ko usapan nila Tita eloisa at Tita ella about kay esmeralda, tuwang tuwa sila kay esmeralda dahil napaka buti nito at ang dami ng natulungan na nangangailangan.

Peor tila'y nagkaroon ng kirot at konsensya sa puso ko dahil isa ako sa mga magpapabagsak kay esmeralda at ang hindi nila alam sa esmeralda ay si karen. Pero hanggang ngayon ay nagdadalawang isip parin ako sa gusto ni tito ngaunit kung hindi ko susundin ang gusto niya siya mismo ang gagawa nun, at ayaw kong may mangyari masama kay karen at tito.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon