CHAPTER 5: SWEET MOMENTS

21 2 1
                                    

Karen's POV

Nag aayos na ako ng gamit ko ng makita ko ang chat ni tintin sa cellphone ko.

Tintin: Sis Karen, samahan mo ko manuod ng laro nila bebe Vince ko sa gym. May laban kase ngayon ang varsity players.

Hmmmm. Nag aalangan ako manuod ng laro ng varsity players kase diba kakaamin ko lang kay sis tin na may gusto ako kay Gabriel.

Kaya naman nag reply ako at agad naman sumagot si sis tin

Karen: Sis ayaw mo bang sa library na lang tayo tumambay, trip ko kase magbasa ngayon at mag aral na din kase may exam ako next week.

Tintin: Ihhhh sige na sis karen, pwede naman tayo pumunta sa library pagkatapos ng game nila ihhh.

Nako paano kaya toh. Mukhang hindi ako makakahindi kay sis tintin ah. Hays Dibble na nga basta I will just act normal pag nakikita ko si Gabriel.

Karen: osha sige na sis. Papanuorin na natin sila.

Tintin: Sinabi ko na nga bang di ako matatanggihan ng bestfriend ko eh. Yieehh thank youu sis karen. Daan muna tayo sa canteen ah bago tayo dumiretso ng gym. See you sis.

At wala na nga akong nagawa kundi ang samahan ang bestfriend ko. At least kahit paano ay sasaya si sis tin pag nakita na naman niya ang ultimate crush niyang si Vince.

Lumabas na ako ng kwarto dahil naririnig ko ng bumubusina ang shuttle.

"Tita alis na po ako" sabi ko kay tita na nanunuod ng TV sa Sala.

"Osige, mag iingat ka karen ah. Umuwi ka agad pagtapos ng klase mo" sagot ni tita na tutuk pa rin sa pinapanuod nito sa TV

"Yes tita" pahabol kong sagot bago ko tuluyang lisanin ang bahay namin.

Pag kapasok ko sa University ay nakita ko na si Sis tin na nag aabang sa may waiting shed.

"Sis tin!" Sigaw ko rito habang papalapit ako sa kanya.

"Sis tara na. Nako excited na ako makita si Bebe Vince." Sagot nito na abot hanggang tenga na naman ang ngiti.

Lumakad na kame papunta sa cafeteria at bumili kame ng kaunting chichirya na kakainin namin habang nanuod.

"Ate isa pong pillows at loaded tsaka po ayun at ito din po tsaka isa pong C2" ani ni sis tintin sa tindera. Napukaw naman ang atensyon ko sa isang babae na nakaupo sa may gilid. Nakatungo ito habang kumakain at halos ata lahat ng estyudante ay mukhang iwas dito.

Tinitingnan ko lang siya at inoobserbahan baka kase meron siyang kaibigan na inaantay.

"Sis karen ano na sayo, tapos na akong bumili ng akin" nabaling ang atensyon ko kay sis tin na di ma mag Kanda ugaga sa dala dala nitong mga pag kain.

"Sis tin grabe naman kaya mo bang ubusin lahat yan?" Tanong ko rito dahil halos lahat ata ng paninda ng tindera ay meron siya.

"Ano ka ba sis ayoko na kaseng lumabas pa para bumili ulit ng pagkain alam mo namang laban nila Vince di ko aalisan ng tingin yun noh?" Ani nito at mukhang kilig na kilig pa sa sinabi nito.

"Naks ah feeling jowa? Haha" sabi ko na may halong pang aasar.

"Medj hahaha" sabi ni tintin. Bumili na din ako ng mga kakainin kong chichirya di ko masyado dinamihan dahil di naman ako gutumin.

"Sis karen tara na dali 9am na pala, baka nag start na sila Vince." Sambit nito habanh nakatingin sa relo.

Nag mamadali na kameng naghanap ng bench. Aba'y pinili talaga ni tintin ang bench na kitang kita sila Vince. Hindi ganun kalayuan at nasa may harapan.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon