Chapter 19: REGRETS OF MEETING YOU

8 1 1
                                    

Karen's POV

Sa muling pag dilat ng aking mga mata ay nasa kakahuyan na ako. Hindi ko alam kung saan bandang kakahuyan ako naroon. Basta lugar na maraming puno. Hindi ko na din alam kung anong oras na.

Nagising ako sa isang liwanag na nag mumula sa di kalayuan. Sa una ay hindi ko ito masyado maaninag ngunit palaki ng palaki ang liwanag na ito.

Dahan dahan akong tumayo, naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko. Sa pag tayo ko ay nakita ko si Melita, ang anghel na nagbigay sa akin ng misyon. Siya pala ang liwanag na nakikita ko. Papalapit siya sakin.

"Karen, bakit hinayaan mong makuha ng iba ang kapangyarihan mo? Mahigpit kong pinagbibilin na ingatan mo ito" dismayadong tanong sakin ng anghel.

Unti unti na namang pumatak ang mga luha ko kasabay ang pagbalik ng alala ko tungkol sa nangyaring pagkuha ni Don Facundo sa kapangyarihan ko at ang panlolokong ginawa sakin ni Gabriel.

"Sorry di ko sinasadya na makuha ito sakin. Hindi ko alam huhuhu sorry talaga. Tulungan mo po ako, paano ko mababawi ang kapangyarihan ko?" Desparada kong tanong sa anghel. Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong ganito.

"Kailangan mo munang magpalakas para mabawi ang kapangyarihan mo. Hindi mo basta basta matatalo ang kalaban mo sa ganyang kondisyon. Ang kapangyarihan mo ay nasa berdeng brilyante kailangan mo itong basagin para maibalik sayo ang kapangyarihan mo." Sagot ng angel.

"Pasensya na po kayo kung naiwala ko ang kapangyarihan ko. Masyado po akong nagtiwala kay Gabriel, minahal ko siya pero hindi pala totoo ang nararamdaman niya sakin" anya ko rito.

"Hindi kita sinusumbatan sa nangyari ngunit papayuhan kita na huwag mong hayaan na matalo ng damdamin mo ang isip mo. Maging responsable ka sa kapangyarihan na binigay sayo." Sabi ng anghel

Nahihiya tuloy ako lalo dahil hindi ito nagalit sakin kaya kailangan kong mabawi ang kapangyarihan ko para mapatunayan na karapat dapat ako sa misyon na ito.

"Kapag nabawi mo na ang kapangyarihan mo, ingatan mo na ito at wag basta basta magtiwala. Hindi mo dapat pinagsasabay ang misyon at pag ibig Naiintindihan ko ang nararamdaman mo dahil minsan na rin akong nagmahal mg mortal at kagaya mo ay nagawa din akong lokohin" saad ni Melita

Naranasan na din pala ni Melita ito, buti ay nabawi niya ang kapangyarihan niya.

"Ano pong nangyari bakit po kayo naloko ng minamahal niyo?" Tanong ko rito.

Ngumiti ng mapait ang anghel na para bang naalala ang masakit na nakaraan.

"Simpleng lalake lang si Earl nuon, hindi siya katulad ng ibang lalake na hambog at mataas ang tingin sa sarili. Kaya nahulog ang loob ko sa kanya. Isa na akong anghel bago pa ako nanatili dito sa lupa at magpanggap na mortal para iligtas ang mundo." Saad nito.

"Pinagtapat ko din sa kanya ang buong pagkatao ko, sa una ay naging maayos ang pagsasama namin, ngunit isang gabi nagising na lang ako na wala na si Earl sa tabi ko. Pag labas ko ng tinutuluyan namin ay may kausap ito na mga kakalakihan. Tumanggap ito ng pera at saka ako dinampot ng mga lalake. Duon ko nalaman na binenta pala niya ako para sa aking kapangyarihan"

(Flashback)
Melita's POV
"Earl...Nasaan ka?" Tawag ko sa kanya. Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Hindi naman kasi ito naggising sa madaling araw kaya naman ay nagtaka ako dahil wala ito sa tabi ko.

Lumabas ako ng bahay at pagsilip ko sa may pintuan ay nadatnan ko na nasa labas ito at may kausap na 4 na lalaki.

Napakunot ako ng noo at agad na nagtago sa gilid ng pintuan. Tiningnan ko ang mga mukha ng mga lalaking ito. Hindi sila mga taga baryo at mukhang mga taga Maynila ito.

May inabot sila na isang bugkos na pera kay Earl at narinig ko ang usapan nila.

"Nandyan na ba ang anghel?" Tanong ng isang lalake

"Oo nandyan natutulog" Sagot ni Earl

"Ayos... sobra sobra yang binigay namin sayo." Sabi ng kausap nito.

Tumango si Earl at papalapit naman ang mga lalake sa kinaroonan ko.

Nakita nila ako at agad na hinablot ang aking mga braso.

"Earl, anong ibig sabihin nito. Sino sila? Anong gagawin nila sakin?" Naluluha kong tanong sa binata. Tumingin ito sakin na walang expression ang mukha. Malayo sa Earl na kilala ko.

"Pasensya ka na Melita, pero ito lang ang paraan para mabili ko ang lahat ng gusto ko at mabilis kong maiahon sa hirap ang mga magulang ko" sagot ni Earl sakin.

Pumatak ang luha ko. Paanong.. bakit niya nagawa sakin ito.

"Pero Earl, diba mahal mo ko? Nag sumpaan tayo na hindi mo sasabihin ang pagkatao ko sa iba. Mahal kita bakit nagawa mo sakin ito?" Umiiyak kong tanong kay Earl.

"Kung iiniisip mo ang sumpaan natin, kalimutan mo na yun, lahat ng pinakita ko sayo ay pagpapanggap lang. Hindi ka nga tao, dahil masyado kang mabait at mapagtiwala. Wala kang mapagkakatiwalaan dito sa mundo dahil lahat ay pwede kang traydurin kahit yung taong mahal na mahal mo pa" sagot nito sakin ng nakangisi.

Pinilit kong magpumiglas sa kamay ng mga lalaking dumampot sakin. Ngunit may itinurok sila sakin dahilan para manghina ako. Kasabay ng paglakad ni Earl papalayo ay pag guho ng mga pangarap ko kasama ng lalakeng mahal ko.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon