CHAPTER 24: THE REUNION

4 1 1
                                    

KAREN'S POV

"Christopher?" Gulat na sabi mo
"Karen?" Sabi nito.

Parang tumigil ang mundo namin pareho ng mga ilang segundo.

"Karen? Karen Flores?" Kumpirma ng lalake sa harap ko.

"Oo ako nga. Ikaw si Christoper Gacier diba?" Tanong ko naman rito.

"Oo ako nga yun. Long time no see. It's been years since the last time na magkita tayo." Saad nito.

I can't believe na mag ka same lang kame ng university ni christopher ang childhood bestfriend namin ni tintin nung nasa camela pa kase kame, kameng tatlo mag kakalaro. We are inseparable, lagi kameng magkakasama.

Kaya lang nung mag 9 years old kame ay kailangan ni Christopher na mag migrate sa states with his parents kaya kame lang ni tintin ang naiwan. Akala ko nga ay magkakahiwalay din kame ni tintin since lumipat kame dito sa Avida. Good thing ay magkasame naman kame ng university na pinasukan.

"Ilang taon ka ng nag aaral dito? OMG small world." Sabi ko kay christopher bakas sa boses ko ang tuwa.

"Kakatransfer ko lang last year. BS Marketing kase ang kinukuha kong course. Dito din ba ang building mo?" Tanong nito sakin.

"Oo, same building lang pala tayo. BS Journalism naman ang tinatake ko" Sagot ko.

"Wow. That's nice. Eh si tintin, do you still have communication with her?" Tanong ulit nito.

Wala na akong pake kung malate ako. Di naman masyadong strict yung prof namin sa subject namin now.

"Ahh oo, pwede ka ba namin imeet after class?" Tanong ko kay christopher

"Oo naman, add mo ko sa facebook para machat mo ko sa messenger" sabi nito sabay pakita ng profile pic niya sa facebook. Inadd ko siya at we also exchange numbers

Pag pasok ko sa room at pag kaupo ko sa upuan ay agad ko ng tinext si tintin tungkol sa pag kikita namin ni Christopher at wala pang 5 minutes ay nakarecieve ako ng reply mula kay tintin.

Tintin: OMG SIS!!! TOTOO BA?? SI CHRISTOPHER GACIER???? OMG.. SIGE SIS IMEET NATIN SYA AFTER CLASS NAKO MARAMING CHIKA YUNG BFF NATIN NA YUN FOR SURE. MISS KO NA DIN YUN, ALAM MO NAMANG MGA BATA PA LANG TAYO CRUSH KO NA TALAGA SI CHRISTOPHER

hindi ko na siya nireplyan at mag focus na lang muna ako sa class. Since mga bata pa kame ramdam ko na malaki na talaga ang pag ka crush ni tintin kay christopher. Aaminin ko na talagang may itsura ito mula noon at ng makita ko siya kanina ay mas lalo itong gumwapo dahil narin sa nag matured na ang mukha nito.

"Alam niyo class, ang mga superheroes ay isa sa mga patunay na, na walang imposible dito sa mundo. Tulad na lang ng sumisikat ngayon na si Esmeralda" banggit ni Mr. J

Napatingin ako sa kanya ng banggitin niya si Esmeralda. Iba ang kutob ko dito sa professor na ito. Mahilig siyang magbanggit tungkol sa mga superheroes at tuwing subject niya ay mga ability ng mga superheroes ang madalas niyang example sa mga topic namin.

"Alam niyo guys, I am always fascinated by superheroes. I wonder if an ordinary person ay pwede ring magkaroon ng superpowers. What will happen if all the people in the world have superpowers, amazing noh?" Sabi nito sabay naman ang pag tunog ng bell hudyat na tapos na ang class.

"Okay class, that's all for today. See you next week. Have a nice weekend." Sabi nito at agad na niligpit ang gamit niya at halatang nag mamadali ito. Patagal ng patagal ay iba ang kutob ko kay Mr. J. ayoko naman siya ijudge dahil bago lang siya na professor but I feel something odd about him.

Dali dali ko ding binitbit ang bag ko at ilang libro, sinundan ko ito ng palihim dahan dahan lang akong sumunod sa kanya dahil ayoko naman na makahalata ito.

Umakyat ito sa may 4th floor ng building at dumiretso sa dulo ng hallway kung saan nandoon ang laboratory room. Namataan ko itong papasok sa lab. Hindi ko ito nasundan ng tingin dahil naharangan ako ng mga nakasabay kong ilang estudyanteng pababa ng hadgan kaya nawala ito sa paningin ko.

Lumakad ako sa laboratory room at medyo nakabukas ang pintuan nito. Dahan dahan akong pumasok ng biglang may humigit sa braso ko. Halos tumalon ang puso ko sa kaba.

"Sis karen , anong gagawin mo diyan? Akala ko ba imemeet natin si Christopher?" Sabi nito na halatang excited. Kinabahan ako dun si sis tintin lang pala.

"Ah ehh ano.. wala may sinilip lang. Di ka naman halatang excited noh? At pinuntahan mo pa talaga ako sa building ko." Asar ko rito. Eto talagang sisteret ko basta kay Christopher ay sobrang bilis pa sa alas kwarto kung kumilos.

"Aba syempre si Christopher yun noh.." saad naman nito.

"Osya tara na" aya ko rito at bumaba na nga kame ng building nag chat naman ako kay christipher na sa waiting shed na lang kame antayin.

Ng makarating na kame ay sinalubong kame ng isang matamis na ng ngiti ng binata.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon