CHAPTER 9: FOUNDATION DAY

17 1 1
                                    

Karen's POV

Today ang start ng University foundation. Im sure lahat ng coordinator sa school ay busyng busy na.

Ngayon nga pala ang duet singing contest. Kaya naman ahmy medyo excited na kinakabahan ako. Excited kase si Gabriel ang makakaduet ko. Kinakabahan dahil ngayon lang ako mag peperform sa harap ng madaming tao.

Nag prisinta nga pala si Gabriel na sunduin ako. Sinabi niya na maaga kame mamakapag practice kung sabay kameng papasok dalawa.

Hindi ko alam kung anong meron samin ngayon ni Gabriel pero basta ang alam ko ay unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Oo pakiramdam ko ay lumalalim na ang pag kakacrush ko kay Gabriel. Hindi na siguro ito simpleng paghanga lang.

"Karen! Andyan na si Gabriel" sigaw ni tita mula sa labas ng kwarto ko.

"Palabas na po tita" tugon ko rito.

Last spray ng pabango at tingin ng aking final look ay kinuha ko na ang mga gamit ko. Hindi ako masyado nag make up dahil si tintin ang mag aayos sa akin. Yes! Magaling kase mag make up ang best friend ko na yun.

Malamang ay inaantay na ako nun. Pinauna ko na kase siya dahil susunduin nga ako ni Gabriel.

Lumabas na ako sa gate at nakita ko agad ang motor nito. Inilagay nito ang extra nitong helmet at siya na rin ang nag lock nito. Hindi ko alam kung magugulat ako or kikiligin sa ginagawa niya. Para siyang boyfriend ko kung umasta pero hindi naman niya inaamin sakin kung gusto niya ako.

Sumakay na ako sa motor at humawak kay Gabriel

"Kapit ka mabuti ah" sabi nito sakin kahit pa nakahelmet ito at di ko makita ang expression nito sa mukha ay ramdam ko ang lambing sa boses nito.

"Oo" sagot ko rito. Pinaandar na niya ang motor. Sa bhaye ay tahimik lang kame pareho pero malamang ay nararamdaman ni Gabriel ang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi naman ganun kabilis ang byhae at di rin naman ganun katagal sakto lang or baka di ko lang napapansin ang takbo namin dahil mas finefeel ko ang moment namin ni Gabriel.

Hindi ko kase akalain na nararanasan ko to ngayon.

Ng makarating na kame sa gate ng university ay natanaw ko na si tintin. Ramdam ko ang tinginan ng ibang mga estudyante at mga bulungan nito.

Pero hindi ko na yun pinansin dahil wala naman akong pake sa sinasabi ng ibang tao sakin. Hanggat wala akong tinatapakang tao ay ayos lang yun.

"Sis. Tara na. Para maayusan na kita. Nadala mo ba yung susuotin mo?" Salubong sakin ni tintin. Mukhang mas excited pa ata ito kaysa sakin

"Oo nadala ko, sis wag muna sobrang make up gawin mo ah. Kase may last practice pa kame ni Gabriel" sagot ko rito.

"Sige sis go lang" sabi nito.

Umakyat na kame sa room namin ni Gabriel. Dun niya kase ako aayusan.
Habang paakyat sa hagdanan ay narinig ko ang bulungan ng ibang estudyante

'Ayan ata yung pinopormahan ni Gabriel'

'Sino diyan?'

'Yang mestiza, karen daw yung pangalan'

'Hmpp parang ordinary student lang. Kala ko ba si Zafra ang trip ni Gabriel'

'Loka si Zafra ang may gusto kay Gabriel'

"Kalat na kalat na sa University na pinopormahan ka ni Gabriel" sabi sakin ni tintin.

Hindi na ako mag tataka sa ganun dahil sino ba namang di pag uusapan kung ganun ang trato sayo ng isang heartrob/varsity malamang madaming maiintriga at maiingit sa ganun.

Pagdating namin sa room ay nilabas ko ang gown na susuotin ko. Simple gown lang naman ito at medyo mahaba na hanggang paa.

Sa tingin ko kase babagay ito sa contest.
Sinabit ko muna ang susuotin ko sa room at babalika ko ito dahil mag rerehearse muna kame ni Gabriel.

"Karen let's go. May 1 hour pa tayo para mag last practice" aya sakin ni Gabriel.

Sumunod naman ako sa kanya at dumiretso kame sa music room.

Nag polish kame ng tono at prinactice namin ang pag blend ng mga boses namin.

Hindi ganun kahirap sabayan ang tono ng boses ni Gabriel dahil hjndj naman ito ganun kataas at di rin naman ito ganun kababa. Sakto lang at napaka angelic ng boses nito.

Nung unang beses nga naming mag practice ay parang ayaw ko na siya sabayan at mas gusto kong makinig na lang sa boses niya.

Zafra POV
Dumating kame sa room at walang katao tao duon.

"Girls I think yung iba nating kaklase ay di na papasok since wala naman tayong klase" Sabi ni Francine.

Well, what do you expect.

"Tara mag mall na lang tayo. I wanna go shopping" sabi ni Stephanie na parang bata na nag tatalon

"Omg that is the best idea, ayokong manuod ng contest noh. Mahahaggard lang ako dun" sabi ni francine kay Stephanie.

Nilibot ng mga mata ko ang buong room at isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko. Isang pupler long gown na nakasabit.

I know that this gown belongs to karen eh siya lang naman ang sasali sa contest samin noh. Na dapat sakin, ako dapat ang kapartner ni Gabriel.

Hmmmmmpppp. I have an idea.

"Steph do you have a scissors?" Tanong ko kay stepahine.

"Yes why?" Sagot nito sa akin. Ngumisi ako rito.

"Akin na" utos ko rito. Binigay naman niya ang gunting at nilapitan ko ang long gown ni karen.

Finally, this is my time para makaganti. You deserve this. Ewan ko lang kung makalabas ka pa ng stage

Ginupit gupit ko ang gown sa ibat ibang direksyon. Sinugurado ko na papangit ang itsura nito.

"Gosh girl, what have you done at tsaka kaninong gown yan at bigla bigla ka na lang naninira ng gown" sabi ni Francine.

Halatang nagulat ang dalawa sa ginawa ko. "Edi kanino pa ba, malamang kay Karen" sabi ko rito.

"Oh really, awww deserve" sabi ni Stephanie.


"Poor girl, wala na siyang gown" sabi ni francine na ngiting ngiti sa ginawa ko.

"Let's go girls, iwanan na natin ang basurang gown na yan. Gumanda na tuloy ang mood ko. Let's go shopping"


sabi ko sa dalawa at dire diretso ng lumabas nf room.

"Let's go" sabi ng dalawa na nakasunid sakin.

Karen's POV

"That's it karen we still have 10 mins to prepare. I'll see you sa backstage. Good luck satin" sabi ni Gabriel sakin habang nakangiti

"Yeah. Goodluck satin" sagot ko rin rito at ningitian siya.

Inayusan naman na ako ni tintin kanina kaya bumalik na lang ako sa room para kunin yung susuotin ko. Pag balik ko sa room ay nakita ko na sira ang Gown ko. Hala sino naman kaya ang may gawa nito. Nako naman. 10 mins na lang at magsisimula na ang contest. Kailangan ko ng mag isip ng paraan. Ahh alam ko na. Kumuha ako ng gunting sa bag at pinantay ang gupit ng gown ko. Nilagyan ko ito ng style at ginawang. Short dress.

Mga 5 mins lang ata akong naggupit. Tiningnang ko ang dress at namangha ako dahil mas lalo itong gumanda. Sinuot ko na at nakita ko na mas lalong nakita ang hubog ng katawan ko rito. Hindi ito boring tignan. Lumabas ang shape ng balakang ko , medyo sexy na conservative ang datingan ko.

Tumingin ako sa pocket mirror ko for final look at ng makita ko na maayos na ang itsura ko ay pumunta na ako sa backstage kung san nag iintay si Gabriel at tintin.

"Wow sis grabe nagawa mo pang improvise ang gown mo. Iba ka talaga sis karen ah" sabi ni tintin na mangha mangha sa ginawa ko sa gown ko.

"Your dress is very beautiful karen" sabi ni Gabriel sakin na di maalis ang tingin nito.

Pang apat kame sa kakanta at nasa pangalawa na ang kumakanta.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon