CHAPTER 18: THE THIEF

4 1 1
                                    

CHAPTER 18

KAREN'S POV

Nagising ako sa isang cylindrical glass. Maliit lang ito at limitado lang ang galaw ko. Luminga linga ako sa paligid para hanapin si Gabriel.

Agad kong naalala ang nangyari bago ako mahimatay. Pinag uusapan namin ni Don Facundo ang tungkol kay Esmeralda at alam na niyang ako si Esmeralda.

Nako baka kung ano na ang ginawa niya kay Gabriel. Tumingin ako sa bandang kanan ko at nakita ko na busyng nag uusap si Gabriel at Don Facundo.

Bakit sila magkasama? Kumatok ako sa salamin at sinigaw ang pangalan ni Gabriel.

"GABRIEL!!!" sigaw ko rito dahilan para makuha ang atensyon ng dalawa

"Mabuti naman at gising ka na Esmeralda" sabi ni Don Facundo ng nakangisi.

"Asan ako? Pakawalan mo ko. Gabriel tulungan mo ko" sambit ko sa dalawa. Nakatitig lamang si Gabriel sakin na walang emosyon ang mukha. Blanko lang ang itsura nito at parang ibang Gabriel sa nakilala ko.

"Matagal ko ng alam na ikaw si Esmeralda, kaya ng malaman ko na kaklase ka ng pamangkin ko ay hindi na ako nahirapan sayo para makuha ko ang kapangyarihan mo. Simple lang naman ang kailangan ko sayo. Akin na ang kapangyarihan mo at makakaalis ka dito ng hindi masasaktan, diba Gabriel?" Saad ni Don facundo sabay tingin kay Gabriel. Tumango lamang ang binata bilang pag sang ayon sa masamang plano ng kanyang tito Facundo.

"Gabriel tulungan mo ko makaalis dito" pag mamakaawa ko dito. Ni hindi ako makapag transform bilang si Esmeralda dahil masyadong maliit ang kinalalagyan ko at hindi ko maitaas ang aking kamay.

"Oh no, hindi ka na matutulungan ni Gabriel. Tapos na ang pag papanggap ng mahal kong pamangkin sayo. Kaya ka niya pinaibig dahil sa kagustuhan ko na makuha ko ang kapangyarihan mo. At dahil nasa mga kamay na kita tapos na ang misyon niya sayo. Hindi ka talaga gusto ng pamangkin ko, ginagawa lang niya na mahulog ang loob mo sa kanya dahil inutos ko" sabi ni Don Facundo.

Mas lalo akong nanghina sa mga salitang binitawan ni Don Facundo. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi yun totoo. Nararamdaman kong mahal ako ni Gabriel. Ramdam ko yun sa kung paano niya ako tratuhin.

"Gabriel diba hindi naman totoo yun? Totoo yung nararamdaman mo sakin diba? Sabihin mo sakin na totoo yung nararamdaman mo sakin" mangiyak ngiyak kong sinabi kay Gabriel. Parang unti unting dinudurog ang puso ko sa mga oras na ito.

"Pasensya ka na Karen, hindi ko sinasadya na mahulog ang loob mo sakin pero tama si Don Facundo hindi totoo ang nararamdaman ko sayo. Lahat ng ito ay pag papanggap lang. Pinaglaruan ko lang ang nararamdaman mo." Sagot ni Gabriel sakin. Sumikip ang dibdib ko at umagos ang mga maiinit na luha na kanina ko pa gustong pakawalan.

"Paano mo nagawa sakin to' Gabriel. Minahal kita ng buong puso ko. Pinagkatiwalaan kita, at lahat ng pinakita ko sayo totoo pero all this time pala lahat ng yun sayo pag papanggap lang!!!" Sigaw ko rito ngunit wala pa ring emosyon sa mga mukha niya ni hindi nga ata siya naapektuhan sa mga sinabi ko

"Tama ng drama, di na ako makapag intay sa kapangyarihan ni Esmeralda. Bwaahaha.. mag paalam ka na kay Esmeralda karen" anya ni Don Facundo.

May pinaandar siyang makina na nag labas ng usok sa loob ng bilog na salamin na kinalalagyan ko. Unti unti akong nanghina at pakiramdam ko na nauubos ang lakas ko dahil dahan dahan hinihigop ng makinang yun ang kapangyarihan ko. Wala akong nagawa dahil masyadong mahina ang katawan ko para makapag transform bilang si esmeralda.

Kada segundong lumilipas ay pahina ako ng pahina at sa sandaling iyon ay bumibigat na ang nga talukap ng aking mata dahilan para mawalan ulit ako ng malay.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon