CHAPTER 37: THE CONFRONTATION

4 1 1
                                    

Nag chat ako kay tintin na gusto kong makipag usap sa kanya. Chinat ko siya na kung pwedeng ayusin namin yung away namin or kung ayaw na niya talaga ako maging kaibigan ay at least bigyan man lang niya ako ng closure.

Pero I'm still hoping na sana makipag ayus siya sakin. Sana di talaga niya totohanin ang friendship over na gusto niya. Makakapag hintay ako hanggang sa mapatawad niya ako.

I also asked Christopher kung gusto niyang sumama na kausapin si tintin since nag reply si tintin at pumayag na makipag usap. Sobrang saya ko ng mag reply siya. Ibig sabihin kaya ng pagpayag niyang makipag usap ay pakikipag bati niya.

Ayaw naman sumama ni Christopher ang sabi naman nito ay mas maigi daw na kameng dalawa lang ang mag uusap para magkalinawan kame both sides. Mukhang tama din si Christopher dahil kung sumama siya ay baka magkaroon lang ng tensyon sa pagitan namin at maging awkward lang.

Nandito ako ngayon sa park sa loob ng university. Nag iintay ako kay tintin. Wala pa atang 5 minutes akong nakaupo ay natanaw ko na siyang papalapit sakin.

"Sis tintin. Buti pumayag kang makipag usap. Please sis ayusin natin yung di natin pag kakaunawaan." Kalmado kong sabi.

"You started it karen, di ako ang nagsimula. From the very beginning alam mong gusto ko siya but still hinayaan mo pa rin siyang mahulog sayo. Dun pa lang sinira mo na ang frienship natin" sabi nito, mahahalata pa rin sa boses nito ang galit at pag kadismaya.

I know kasalanan ko lahat eh. Pero anong magagawa ko nahulog na din ako kay Christopher.

"Pero sis tin, ako ang gusto ni Christopher. At sinabi ko sa kanya na gusto mo rin siya pero kapatid lang ang turing niya sayo. Hindi ko sinabi dahil ayokong masaktan ka. Ayokong lalo kang magalit sakin" paliwanag ko.

"Kung talagang ayaw mo kong masaktan sana nirespeto mo ang nararamdaman ko. Hinayaan mo kong gumawa ng paraan para magustuhan ako ni Christopher. Kung bestfriend talaga kita susuportahan mo ko at di mo ko aagawan ng eksena" mariin na sabi nito.

Parang mga kutsilyong tumama sa dibdib ko ang mga sinabi ni sis tintin at tama siya kasalanan ko di ko nirespeto ang pag kakaibigan namin.

"Sis tin sana mapatawad mo ko. Di ko sinasadyang sirain ang tiwala mo" sabi ko at humawak ako sa kamay niya pero marahas niya itong binawi.

"Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita dahil ngayon karen sa tuwing makikita kita galit at inis ang nararamdaman ko wala ng iba. Ikaw ang unang nagtapon sa frienship natin at wala na akong balak irecycle yun" pagkasabi nito ay tumingin ito sa ibang direksyon nanlaki ang mata nito at agad itong napatayo sa kinauupuan niya.

Parang natataranta ito at nag mamadaling kuhanin ang mga gamit niya.

"Sis tin saan ka pupunta? Please ayusin natin" sabi ko ng may pag makakaawa.

"Huli na karen dahil kaaway na ang tingin ko sayo at hindi ko alam kung mababago pa yun" sabi nito at binigyan ako ng matalim na titig.

Bitbit ang mga dala nito ay nag mamadali itong tinalikuran ako at umalis na para bang may humahabol sa kanya.

Tiningnan ko ang direksyon na tiningnan niya kanina at nahagip ng mata ko ang superhero na tumulong sakin laban sa mga villain nuong nakaraang araw sa palengke.

Teka anong ginagawa niya rito. Sinusundan ba niya ako? Oh my, alam niya kaya na ako si Esmeralda kaya siya andito. Pero bakit naman magmamadali si tintin ng ganun. Ano ang connection nila sa isat isa?

Ang daming tanong na naiwan sakin. Anong ginagawa ng superhero na ito dito sa university? Ako kaya ang pakay niya? Bakit nagmamadali si tintin?

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon