CHAPTER 2: THE MAGIC UNFOLDS

32 2 2
                                    

Karen's POV

Papasok ako ngayon sa school, nag plano kase kame ni Tintin na magsabay sa pag pasok.

Kaya mag aantayan kame sa labas ng Avida para sabay na kameng pumasok sa school.

Pagbaba ko ng shuttle ay natanaw ko agad si tintin sa may waiting shed.
Winagayway ko ang kamay ko para makuha ko ang atensyon niya na busyng-busy na hawak ang cellphone niya.

"Sis Tin" sigaw ko rito.

Agad ko namang nakuha ang atensyon niya at ngumiti ito sa akin. Lumapit ito sa akin.

"Sis sakto pagdating mo kakadating ko lang din" sabi sa akin ni Tintin.

"Ano tara na para di tayo malate" sagot ko rito.

Naglakad na kame papunta sa University na pinapasukan namin.
Sa pag lalakad namin ay nakakita kame ng mga taong nag kumkumpulan

'Angat niyo!!'

'Di na kaya, kailangan pa ng tulong'

'Baka mapano na yung lalake sa ilalim'

'Ayy yung lalake kawawa naman'

Ilan yan sa mga naririnig namin na sigaw ng mga tao. Kaya naman kaming dalawa ni sis Tin ay naintriga at agad na nilapitan ang mga taong nag kukumpulan.

"Ano pong nangyari?" Usisa ni sis Tin sa isang babae na katabi namin. Nakikitigin din ito.

"Nasagaan kase yung lalake, pumailalim siya sa jeep pero di pa naman patay, naipit siya sa ilalim"
Sabi ng babae habang nakatigin sa lalalakeng naaksidente.

Nako kailangan ko iligtas yun. Buti na lang at busyng-busy si sis tin makichismis may opportunity ako para makapag transform bilang si Esmeralda.

Dali dali akong tumakbo sa may likod ng isang nakaparadang truck. Hinubad ko ang sukbit-sukbit kong bag.

Teka paano nga ulit yung sinabi ni Melita.. Ahhh tama isisigaw lang ang stars at itataas ang kamay ko. Teka anong kamay ba? Hayyy nako Di bale na.

"STARS!!!!!!" Sigaw ko habang nakataas ang kaliwa kong kamay. Nagliwanag ako na parang ginto at unti unti ng nagbago ang anyo ko.

Naging kulay ginto ang kasuotan ko at nag karoon ako napakagandang kapa.
Napuno din ng mga bituin ang kasuotan ko.

Tamang tama lang ang suot ko hindi ito ganun kalaki o kasikip para bang ginawa ito na para sakin talaga.

Iba talaga ang costume ko na ito. Nang matapos ako mag transform ay dali dali akong pumunta sa lugar kung saan nangyayari ang aksidente. Nagulat ang marami ng makita nila ako.

'Hala sino yan'

'Nako baka nag papansin lang yan'

Rinig kong mga bulungan sa likudan ko. Pero di ako nagpatinag dito.

Nakatingin sa akin ang mga lalaking nagbubuhat ng jeep.

"Itabi niyo ako na" sabi ko sa mga lalake. At tinabi naman nila ito. Lumapit ako sa jeep at sinimulan na iangat ito.

Lahat ng tao na naroon at maski ako ay namangha sa ginagawa ko.

Unti unti kong naangat ang jeep gamit ng isang kamay. Ang jeep na hindi kayang buhatin ng limang lalaki ay nabubuhat lang ng isang kamay ko.

Sa pag angat ko, agad namang sinaloklolohan ng mga rescuers ang lalakeng naipit at naibaba ko din naman ang jeep kaagad. Ni wala akong pagod o sakit na nararadamam sa pagbubuhat ko.

Grabe, ito pala ang lakas ni Esmeralda.

Nagpalakpakan ang mga tao at lahat sila ay nakatigin sakin. Kita ko na naman ang naglalakihang mata ng bestfriend kong si Tintin.

Paalis na sana ako ng tanungin ako ni tintin

"Anong pangalan mo?" Tanong sakin nito.

"T-tawagin niyo na lang akong Esmeralda" sagot ko rito. Sa bawat pagbanggit ko ng aking pangalan ay nagliliwanag ako ng sobra. Angas talaga ng powers ko grabe.

Napansin kong parang papalapit na sakin ang mga tao kaya umalis agad ako dahil ayokong makilala ako lalo na ni Tintin dahil pinag uutos ng Anghel na si Melita ay wala dapat makaalam ng powers ko.

Agad akong nagtago sa isang gilid kung saan ko iniwan ang bag ko. Wala pang ilang minuto ay bumalik ako sa dating anyo ko. Kinakapa ko ang sarili ko.

"AY SI KAREN NA ULIT AKO" sabi ko sa aking isipan. Sinukbit ko ang bag ko, luminga linga muna ako sa paligid para siguraduhin na walang ibang nakakita sakin at saka na ako nagmamadaling lumabas.

Nakita ko naman si tintin na busyng nakikipag pasahan ng video ng aksidente kanina, kinalabit ko ito at nanlaki ang mata nito.

"Hoyy sis, anyare sayo, kanina ka pa kita hinahanap. Ayyyyyy grabeeee sayang di mo nakita may superhero sis na sumaklolo dito. Di mo nakita sayang. " sabi ni Tintin na parang kinikilig.

"HUH? Superhero? Eh diba sa mga palabas lang yun nakikita" maang maangan kong tanong dito.

"Ano ka ba sis, meron nga akong video dito ohh.. grabe ang galing nabuhat niya yung jeep ng isang kamay lang" may halo pa ring kilig ang pagkakasabi niya.

"Eh ano daw pangalan ng superhero na yan?" Tanong ko dito habang sa isip ko ay palihim na nakangiti.

"Sis, Esmeralda... diba parang yung favorite hero mo sa ML." Sagot nito sa akin.

"Hay nako sis, Tara na at malalate pa tayo nito." Aya ko dito, hindi na ako nag usisa pa dahil baka madulas ako kay Tintin.

Alam ko naman sa kapangyarihan ko na ito ay may kaakibat na responsabilidad.

Naglakad na kame ni tintin papasok at wala pa rin tigil ito sa pag sasabi tungkol kay Esmeralda. Talagang amaze na amaze ito, nako Tintin kung alam mo lang kung sino ang Esmeralda na iyon pero hindi ko pwedeng sabihin ito sayo, sana maintindihan mo.

Nakarating na kame sa University. Naghiwalay na kame ng daan ni tintin dahil iba ang room niya sa room ko dahil nga magkaiba kame ng course.

Third person POV

Tahimik kong sinusubaybayan ang isang superhero na nagngangalang Esmeralda. Magagamit ko ang lakas niya. Pagkatapos niyang iligtas ang lalaking naipit sa ilalim ng jeep ay agad itong umalis at nagtago sa may likod ng isang nakaparadang truck.

Sa wakas ay malalaman ko ang katauhan sa likod ng hero na ito. Sa Ganung paraan ay madali na lang na makuha ko ang kapangyarihan niya.

Ilang sandali lang ay lumabas ang isang estudyante.

Teka pamilyar itong babae na ito ah. Minsan na ko na itong nakasalubong na kasama ang pamangkin.  Kaklase niya ang pamangkin. What a coincidence!

HMMMMMM.. Mas pinadali mo ang trabaho ko.

Luminga linga ito ng sandali bago lumapit sa kaibigan nito. Nag usap lang ito sandali bago ay naglakad na ito papasok ng eskwelahan.

HA HA HA..... MAKUKUHA KO DIN ANG KAPANGYARIHAN MO ESMERALDA. MAPAPASAKIN DIN ITO.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon