CHAPTER 16: THE STRUGGLE

5 1 1
                                    

KAREN'S POV

Pagkapasok ko sa dean's office ay nakita ko na nandun si Zafra at nakangisi ito sa akin. Nandun din ang ibang professor.

"Good afternoon Ms. Flores, take a seat" anya ng Dean.

Lumapit ako at umupo sa upuan na katabi ng mesa ng Dean. Nakaramdam ako ng Kaba at pag alala dahil sa katahimikan ng kwarto. Iba ang Ambiance sa loob parang may mali akong nararamdaman.

"Ahm Dean, is there any problem po ba?" Tanong ko sa Dean na may nilalabas na mga papel sa isang envelope.

Tumitig ito sa akin at saka may mga pinakita na litrato sa harapan ko. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko sa litrato na hinalikan ako ni sir Josh.

"Ms. Flores, care to share this picture. We know that you are candidate for Suma Cum Laude kaya mataas ang expectations namin sayo. But to see these photos it is very disappointing. I hope na aware ka sa ating rules and regulations dito sa campus. Mahigpit na pinagbabawal ang student and teacher relationship" mariin na sabi ni Dean.

Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam paano ko explain na hindi ko gusto ang nangyaring pag halik sakin ni sir Josh. Paano ko iexplain na misundertanding lang ang lahat ng ito.

Inisip ko agad si mommy paano kung matanggal ako sa pagiging candidate as suma cumlaude. Umaasa pa naman si mommy na gagraduate ako next year with flying colors.

Isa pa sa kinakatakot ko paano pag nalaman ni Gabriel. Natatakot ako na baka mag bago ang tingin niya sakin.

Bumalik ang titig ko sa Dean. Hindi na mapigilan ng sarili ko ang mapaluha.

"I am sorry to say Ms. Flores but I have to suspend you for 1 week habang iniimbistigahan namin ang case mo." Sabi ng Dean.

1 week suspension?? Naku naman paano ko toh explain kila tita at mommy. Huhhhu di ko na alam ang gagawin ko.

"WHAT???!!! 1 week suspension lang?? Diba dapat iexpelled na siya." Singit ni Zafra na bakas sa mukha ang pag kainis dahil sa sinabi ni Dean.

May hinala ako na si Zafra ang kumuha ng mga litratong yon. Pero ayoko naman mambintang.

"Zafra, under investigation pa naman ang case ni Karen. Kaya 1 week suspension pa lang ang mabibigay ko sa kanya." saad ng dean.

Natapos ang usapan at pinauwi na ako ng Dean. Hindi na rin ako nakapag paalam na kay Gabriel dahil di ko naman alam ang sasabihin ko rito.

Umuwi na ako sa amin dahil on going na rin naman ang suspension ko habang iniimbestigahan ang nangyari. Naku talaga hindi ko alam kung paano ko toh iexplain kila mommy.

Nag aayos ako ng gamit ko sa kwarto at kakatapos ko lang mag shower ng mag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ang tumatawag, si tintin pala at naka 5 missed call na ito sakin.

Sinagot ko ang tawag at halos mabingi naman ako sa sigaw ni tintin.

"Sis karen!!!!" Sigaw nito sa kabilang linya.

"Ano yun? Grabe ka naman makasigaw." Sagot ko rito.

"Asan ka?? Nakita mo na ba itong pictures mo dito?" Tanong ni sis tintin.

"Nasa bahay na ako, pictures ng ano?" Tanong ko dito. Ano naman kayang pictures yun.

"Picture mo na may kahalikan na professor. Nakadikit sa mga pader ng campus, lalo na sa mga cr ng girls and boys ang daming naka post." Sagot ni tintin sakin.

"Huh?!!! Bakit...paanong..sinong may gawa niyan?" Gulat na gulat kong tanong rito.

Halos manghina ako sa sinabi ni tintin. Ano ba yan karen, ano ba tong gulong pinasok mo..

"Buti na lang sis at nasa bahay ka na dahil pinag pepyestahan na ng mga estudyante itong picture mo. Osha sis sige na may class pa ako. See youuuu" sabi ni tintin sabay baba ng tawag.

Unti unti namang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam na sa simpleng bagay na ginawa ko ay grabe ang consequences na makukuha ko.

Habang umiiyak ako ay nag ring na naman ang cellphone ko. Akala ko si Tintin ulit ang tumawag pero si Gabriel pala. Teka umuwi din si Gabriel? May class pa kame ng mga ganitong oras ah.

"H-hello Gabriel?" Mangiyak ngiyak kong sagot ng cellphone.

"Labas ka nasa may gate niyo ako" sagot nito sabay baba ng tawag.

Tumayo ako sa kama at sinilip siya sa bintana. Andun nga siya sa may gate nag iintay.

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Ayoko din na makita akong ganito ni Gabriel.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin nag suklay muna ako at nag lagay lang ng face powder bago lumabas ng bahay.

Pinagbuksan ko ng gate si Gabriel. Hindi ko na mapigilan ang luha ko at napayakap na lang ako sa kanya. Niyakap din ako nito pabalik at hinalikan sa ulo.

Hindi ko alam kung saan ako mas maiiyak. Sa nangyari sa akin o sa trato ni Gabriel sakin kahit nakita niya yung kumalat na pictures ko sa campus.

"Shhh. Tahan na, alam ko na may explaination ka sa nangyari. Alam kong di mo ko magagawang lokohin" anya nito.

"Gabriel, please maniwala ka sanang di ko alam na hahalikan ako ni sir Josh. Sinabi niya na mag uusap kame sa private na lugar at may aaminin siya. Umamin nga siya na gusto niya ako pero hindi ko naman alam na may plano pala siyang halikan ako. Sobra akong nagulat sa ginawa niya kaya di ako nakapag react agad huhuhuhu" paliwanag ko rito.

Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sakin.
"Shhhh tahan na tahan na. I'm here. I will make sure na ipapa tanggal ko ang mga pictures mo sa campus" sabi nito sa akin.

I feel relief sa sinabi niya. Para akong nabunutan ng tinik. Thank you for protecting me Gabriel. Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kung wala ka.

"You know what? Why don't you come to my house. Be my guest para naman makalimutan mo kahit sandali yung nangyari" suggest nito sakin.

Okay na rin ang suggestion ni Gabriel. At least pag busy ako, di ko maiisip yung nangyari.

"Sige" sagot ko sa kanya.

Sumakay na kame sa motor niya at nag drive na siya papunta sa phase 2. Medyo binagalan niya nga ang pag drive kaya mas feel na feel ko ang pag yakap ko sa likod nya.

Huminto kame sa tapat ng isang malaking bahay. I can say na ang bahay nila Gabriel ay isa sa mga pinaka malaki at maganda sa mga bahay dito sa Avida. Pang sosyal talaga, pintuan pa lang. Pumasok kame sa gate at bumaba na ako sa motor niya. Pinagbuksan kame ng isang kasambahay.

Pag pasok namin ay bumungad samin ang isang malaking chandelier at malawak na sala.

"Welcome to our house Karen. Feel free ka dito. Wag kang mahihiya" Sabi ni Gabriel sakin.

"Ang laki ng bahay niyo. Ang ganda pa." Sagot ko rito ng nakangiti.

Ilang sandali ay may mga yabag akong narinig. Pababa ito ng hagdanan. Ito na siguro yung uncle ni Gabriel.

"Finally, e-karen. Na meet na rin kita"

Tumingin ako sa kinaroonan ng boses, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino nag salita.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon