CHAPTER 22: LETTING YOU GO

9 1 1
                                    

Karen's POV

Lumalakad ako ngayon sa kahabaan ng hallway ng hospital kung saan nag papahinga si Gabriel.

Oo, buhay siya at naagapan ng mga doctor. Pumunta ako sa nurses station para itanong kung saan ang kwarto ni Gabriel.

"Nurse, excuse me po saan po ang Kwarto ni Gabriel Harrison?" Tanong ko sa isang nurse na busyng nag susulat sa patient's chart

"Room 109 po" sagot nito ng nakangiti.

"Thank you po" sabi ko naman at saka nagtungo na sa kwarto ni Gabriel.

Sa may bandang kanan at dulong kwarto ang room 109.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Gabriel. Ngumiti ito sakin.

"Kamusta ka Gabriel? Binilhan kita nito" Tanong ko rito habang nilalapag ang nga prutas na binili ko.

"Ayos na ako karen, nako nag abala ka pa" anya nito.

"Para naman to' sayo eh, para naman gumaling ka agad at makabalik ka na sa school" sabi ko naman rito. Umupo ako sa kama nito at nakaharap sa kanya. May benda pa ito sa ulo sanhi ng pagkabagsak nito.

"Gabriel, gusto ko lang malamang kung totoo ba yung sinabi mo sakin na hindi mo ko mahal?" Tanong ko rito. Gusto ko lang malaman talaga kung nag papanggap lang siya sa simula pa lang. Matatanggap ko naman yun kung magsasabi lang siya ng totoo.

Hinawakan ako nito sa pisngi at ngumiti ng pilit.

"Hindi karen, mahal kita ng higit pa sa inaakala mo. Kaya ako pumayag sa plano ni Don Facundo dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mas grabe ang mangyayari sayo sa kamay ng tito ko." Sagot nito na tila basag na ang boses at pinipigilan ang pagluha.

At ako naman ay di ko na mapigilang lumuha sa mga naririnig ko sa kanya hindi ko akalain na all this time ay pinoprotektahan niya ako sa kung anong pwedeng mangyari sakin, tapos ngayon ay halos isakripisyo na niya ang buhay niya para sakin. Nag kamali ako ng pag kakakilala kay Gabriel. Hindi ko dapat siya sinabihan ng mga masasakit na salita. Halos balutin na ako ng konsensya ko sa mga oras na ito.

"Gabriel patawarin mo ko. Hindi ko alam na sobra sobra pala ang pag protekta mo sakin. Huhuhuhu. Patawarin mo ko sa lahat ng nasabi ko, sorry talaga sor-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hinawakan ni Gabriel ang mga labi ko.

"Shhhhh tahan na. Patawarin mo din ako dahil hindi na dapat umabot sa ganito. Hindi dapat ako sumali sa plano ng tito ko. Sorry rin karen. At sorry rin dahil kailangan ko ng bumalik ng US nalaman ni Mommy and daddy yung nangyari samin ni tito dito sa philippines at pinapauwi ako agad ni mommy sa US. Duon ko na din ipagapapatuloy ang studies ko" anya nito.

Nagulat ako dahil sa sinabi niyang aalis siya. Parang may kumurot sa puso ko dahil mag kakahiwalay na pala talaga kame ng tuluyan ni Gabriel.

"Gabriel pwede bang humingi ng pabor sayo?" Tanong ko rito.

"Ano yun?" Sagot nito.

"Sana isekreto mo lang ang tungkol kay Esmeralda" pakiusap ko sa binata.

"Oo naman asahan mo ko diyan, matagal ko namang alam na ikaw si Esmeralda. Iingatan ko ang sikreto mo at sana patuloy mong iligtas ang mga tao. Kailangan ka nila." Saad nito.

Tumango ako bilang sagot. Niyakap ako ni Gabriel at sa huling pag kakataon ay binigyan ako nito ng isang matamis na halik sa labi.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon