CHAPTER 49: DEATH IS INEVITABLE

3 1 1
                                    

Madilim na ang paligid at wala na ni anumang sensyales na may estudyante pa ng ganitong oras.

Ngayon ang gabi ng pagsugod namin sa basement ng university. Para kuhanin ang puso ni fihuma. Dalawang gabi na lang at mangyayari na ang eclipse kailangan naming magtagumpay sa pag kuha ng puso ni fihuma.

Si Nathan ang kasama ko at may back up din kame na mga ibang superheroes ng Yves. Dahil alam namin na malakas din ang pwersa nila Mr. J. Gawa sa laboratory ang mga powers ng mga kasama naming superheroes pero alam kong naenhance at praktisado sila sa pakikipaglaban kaya kampante ako na matatalo namin sila Mr. J at mga alipores nito.

Sinakto namin na gabi susugudin si Mr. J para wala ding estudyante sa university at wala si Mr. J sa laboratory nito.

Ako ang nangunguna sa grupo namin dahil ako ang nakakaalam ng basement ng university. Dahan dahan lang ang pag lapit namin dahil iniiwasan namin na makatunog sila. Ng makarating kame sa lugar ay napakatahimik at tunog lamang ng mga kuliglig ang maririnig mo.

Pumwesto ang mga kasama naming superheroes sa gilid ng pinto, pinihit ko ang door knob ng nasabing laboratory ngunit nakalock ito. Kaya naman ay wala na akong nagawa kundi sipain ito para mag bukas.

Akala ko ay di namin maabutan duon si Mr. J at makukuha namin ng mabilis ang puso ni Fihuma ngunit nag kamali kame. Taliwas ito sa inaasahan namin dahil nasa loob ng basement si Mr. J at gumagawa ng formula. Para bang alam nito na pupuntahan namin siya.

"Jackson Anderson inaaresto ka namin sa salang pag gawa ng mga illegal na formula at pag bebenta nito sa merkado." Sabi ng isang superhero ng Yves Hospital.

Humarap ito sa amin ng nakangiti at parang di man lang siya naapektuhan sa sinabi sa kanya ng isang superhero.

"Kanina ko pa kayo iniintay. Kaya nga napaovertime ako dito sa lab eh. Malakas talaga ang loob mo na sugudin ako sa teritoryo ko, naalala mo ba yung huli nating pag haharap dito? Walang makakalabas ng buhay sa inyo dito sa teritoryo ko. Nilagyan ko ng gps camera si tintin kaya naman nalalaman ko ang plano niyo." Sabi nito at confident itong ngumiti samin.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya ngunit mabilis din tumigas ang expression ng mukha ko. Tuso talaga si Mr. J kahit kelan hindi siya nakipaglaro ng patas.

"Wala ka ng magagawa Esmeralda tanggapin mo nalang na hindi mo na maililigtas ang kaibigan mo at tuluyan na siyang magiging si Fihuma" mayabang na pagpapatuloy nito.

Sa inis ko ay hinayaan ko ng kontrolin ako ng emosyon ko.

"Hindi yan mangyayari Arrghhhh!!!" Sabi ko at tinalunan ko bilang pag atake.

Mabilis namang itong naka react sa atake ko at nahatak ako ng mga halamang ugat nito. Tumilapon ako sa mga apparatus at medyo masama ang pag kakabagsak ko.

Ilang sigundo pa bago ako bumangon.

"Esmeralda!!!" Rinig kong sigaw ni Nathan.

Nakita ko na umatake si Nathan at inatake siya ng mga halamang ugat ni Mr. J mabilis na naiilagan ni Nathan ang bawat atake ng mga ugat.

Nag sugudan na din ang mga kasama naming superheroes at naglabasan ang mga villains na alipores ni Mr. J mas madami ito kesa sa inaasahan namin. Napaka bilis talagang makagawa ni Mr. J ng mga bagong alagad. Doble ang dami nito sa amin.

Hindi ko goal ang matalo sila at mapatay si Mr. J ang goal ko lang ay makuha ko ang puso ni Fihuma na siyang magliligtas sa Best friend ko.

Kada isang superhero ay dalawang villain ang katapat nito. Tinulungan ko si Nathan na kalabanin ang ugat ni Mr. J masyadong madami itong ugat at malalaki ang katawan nito.

Habang nakikipag laban ako sa mga ugat ay may isang villain na humigit sakin patalikod at natamaan ako nito. Napaatras ako at siya muna ang inuna ko. Ng matalo ko ito ay bumalik ako para tulungan si Nathan.

"Esmeralda kailangan na natin hanapin ang puso ni Fihuma. Hanapin mo, ako na ang bahala dito" sabi sakin ni Nathan.

Tumango ako dito bilang sagot at sinubukan ko na hanapin ang puso ni Fihuma. Kada hanap ko ay nakikipag laban din ako sa mga villain. Sipa at suntok ang natatamo nito sakin. Parang hindi sila namamatay dahil bumabangon din sila ulit at sumusugod.

Mahihirapan ata kami na matalo sila at mahanap ang puso ni Fihuma. Tumutulong na din si Nathan sa pag hahanap at binaback upan kame ng mga kasama namin na superheroes.

Kada hanap ni Nathan ay nakikipag laban din ito sa mga umatake na villains.

Hindi na nakakatayo ang mga kalaban namin at medyo napuruhan na din nag mga kasama namin. Mukhang mananalo na kame sa laban pero hindi pa rin namin nahahanap ang puso ni Fihuma.

Si Nathan ay busy pa rin sa paghahanap nito.

Habang sinasapak ko ang kalaban ay binalibag ko gamit ang kapangyarihan ng hangin ay sumigaw si Nathan.

"Esmeralda nakuha ko na!!!" Sigaw nito sa akin. Medyo malayo ito sa akin at napangiti ako ng itaas niya ang suitcase na nag lalaman ng puso ni fihuma.

Pinatumba ko ang kalaban na nasa harap ko at patungo na ako sa direksyon ni nathan at ganun din ito sa akin.

Ng papalapit na ito ay biglang tumagos dito ang patalim na nasa dulo ng ugat ni Mr. J parang nag slow mo ang lahat sa paningin ko.

Ilang sigundo pa ang tinagal nito sa tyan ni Nathan at napasinghap din si Nathan sa pagkakasaksak sa kanya.

Tumulo ang dugo na nanggaling sa tyan ni Nathan at umagos na din ang dugo sa kanya bibig sanhi ng internal bleeding nito. Nanlaki ang mga mata ko sa pangyayari at inisip na sana hindi totoo ang nasasaksihan ko ngayon.

Marahas na hinugot ni Mr. J ang ugat sa katawan ni Nathan at hindi pa ito nakuntento, hiniwaan pa nito ang likod niya. Bumagsak si Nathan na duguan.

Sa galit ko ay tinalunan ko si Mr. J at inundayan ko ito ng sipa at suntok. Ginamit ko din ang kapangyarihan ng hangin at buong lakas ko dito. Wala akong pake kung mapatay ko siya kulang pa ang buhay niya para sa kabayaran sa lahat ng buhay na sinira niya at mga inosenteng taong dinamay niya.

Bumagsak si Mr. J at halos wala ng itong buhay. Agad kong pinuntahan si Nathan at ipinatong ko ang ulo nito sa kandungan ko.

Nagsituluan ng parang ulan ang mga luha ko.

"Nathan dadalhin kita sa Yves kapit lang" sabi ko sa pagitan ng mga luha ko.

"W-Wag ka na mag abala Esmeralda, dalhin mo ang puso ni Fihuma p-para mailigtas mo ang best friend mo. Bilis w-wag ka na mag aksaya ng o-oras" sabi nito habang umuubo ng dugo.

Hinahaplos ko ang mukha nito at sinesenyasan na wag ng magsalita pa at baka maubusan siya lalo ng dugo.

"H-hindi Nathan, wag kang mawawala" iyak kong sabi rito.

Hinugot pa nito ang natitira nitong lakas upang hawakan ang pisngi ko kahit papikit pikit na ito.

"Mag ingat ka palagi Esmeralda, Mahal-" hindi na nito natuloy ang sinasabi niya dahil nawalan na ito ng malay. Tiningnan ko kung may pulso pa ito pero wala na itong sensyales ng paghinga. Wala na nga itong buhay.

"NATHAN!!!!!!" Sigaw ko habang yakap yakap ko ito.

Nathan didn't make it and he sacrifice his life para sa akin.

Humawak sa balikat ko ang isang kasamahan namin.

"Esmeralda kailangan na nating umalis at ibalik na ang puso ni fihuma" sabi nito sa akin na may malungkot na boses.

Tumawag na sila ng backup at ambulance ng Yves para kuhanin ang katawan ni Nathan. Ako na ang bumuhat sa katawan ni Nathan para ilagay sa Stretcher. Nahuli rin mga villain na nakalaban namin. Ilalagay sila sa Cell of Villains at ibabalik sa mga mortal nitong katauhan katulad ng gagawin kay Tintin.

Pagkalagay ko kay Nathan sa Stretcher ay muli kong hinawakan ang pisngi nito at niyakap ng mahigpit. Umagos ang luha ng pait sa aking mga mata kasabay ng pagkadurog ng puso ko sa pagkawala ni Nathan.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon