CHAPTER 42: I FOUND HER HEART

7 1 1
                                    

It's 7am and wala pang masyadong student dito sa University. Hinatid ako ni Christopher dito sa room at umakyat na rin siya sa room niya.

Since wala pa namang professor I do my usual routine pag wala pang mga tao which is mag review. Ito talaga ang reason kaya nag sabi ako kay Christopher na maaga ako papasok ay gusto ko mag review.

I open my bag to get my notes and some my reviewer sa upcoming exam ko ng biglang lumabas sa bag ko ang tatlong bituin na binigay sakin ni Melita. Nagulat ako dahil nandito pala sila sa bag ko. Ang cute nilang tignan dahil parang mga nag sasayaw sila sa hangin kahit na maliwanag ngayon ay kita kita ko ang liwanag na nanggaling sa kanila.

Lumalapit at lumalayo sila sa akin para bang nag papahiwatig na sundan ko sila. Nung una ay hindi ko pa nakukuha ang gusto nilang sabihin. Kalaunan ay intindihan ko din ang nais nilang ipahiwatig.

Pero bakit? Bakit dito? Di bale na, tumayo ako at sinundan ko sila. Mabuti na lang wala pa talagang tao dahil baka pag kamalan akong baliw na sumusunod sa mga alitaptap.

Nagtungo ang mga bituin na ito sa itaas na palapag. Sa fourth floor, medyo nahihiwagaan na ako sa kung saan nila ako nais dalhin pero kailangan kong magtiwala sa kanila dahil sila ang gabay ko at alam ko naman na di ako ipapahamak ni Melita. Dumiretso ito sa pinaka dulo ng hallway, bakit nila ako dito dinadala? Nandito ba ang ba puso ni fihuma?

Huminto ang mga ito sa tapat ng laboratory ng University. Dito? Dito talaga? Okay sige trust the process. Luminga linga muna ako sa paligid para masigurado ko na walang tao baka isipin pa ng ibang student may pakay ako sa loob.

Pumasok na ako sa loob, wala namang ibang kakaiba dito. Typical na University laboratory.

May mga laboratory equipment, mga apparatus. Test tubes, beaker, microscope. Wala namang kahit anong kakaiba, di kaya nahilo lang tong mga bituin na to sa bag ko kaya namali sila ng lugar?

Pero hindi pa tumitigil ang mga bituin, patuloy ko pa itong sinundan ng huminto ito sa pinaka dulo at duon nakita ko pa ang isang pintuan. Di kaya bathroom toh? Whatever. Binuksan ko ito. Buti di naka lock.

At duon tumambad sakin ang isang kagimbal gimbal na lugar. Isang lugar na parang di ka makakapaniwala na nasa loob ng University.

Nakita ko ang isa pang laboratory pero hindi katulad ng nauna ibang iba ang itsura. Dahil narito sa loob ang iba't ibang estatwa ng mga villain at superhero. Nandito ang statue ni Fihuma. Sobrang dami ding mga kemikal na hindi kaaya aya ang amoy.

Hinanap ng mga mata ko ang mga bituin at nasa ibabaw sila ng isang itim na suitcase. Medyo napakunot pa ako ng noo, hindi kaya. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang puso ni fihuma. Kulay berde ito at napalibutan ng mga ugat ng mga halaman.

Paanong nagkaroon ng ganitong klaseng laboratory dito sa University at sino ang nag mamay ari nito. Kasabwat kaya ang management ng university dito?

Ang dami na tuloy haka haka sa isip ko at di ko namalayan na may dumating. Nabalik ako sa realidad ng may nagsalita at binalot ng kaba ang buong katawan ko.

"Ang lakas ng loob mong pumasok dito"

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon