EPILOUGE

7 1 1
                                    

Karen's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Sa una ay medyo malabo pa at ilang segundo bago mag focus ang panangin ko. Puting pader ang bumungad sakin. Napasinghap ako, nasaan ako?? Anong lugar toh??

Chineck ko ang katawan ko nakasuot ako ng isang puting hospital gown. Teka . Bakit ako nandito? Naaksidente ba ako?

Nakita ko si Christopher na agad tumayo sa pag kakaupo ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Agad itong lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Thanked God you're awake. Kamusta ang pakiramdam mo?" Nag alalang tanong nito.

Wala namang masakit sakin or what. I just can't remember bakit ako nandito. Parang gusto kong isipin na nasa prank show ako but I really can't remember what happened to me. Kung natulog ba ako bago ako mapunta dito. Naaksidente ba ako? Wala akong maalala.

That's why nakatitig lang ako kay Christopher with a confused face. Tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ko si mommy and tita ella nag uusap. Napansin na nilang nakatingin ako sa kanila kaya agad silang lumapit sakin

"Anak, baby girl, kamusta ka?? May masakit ba sayo?" Nag alalang tanong ni mommy sa akin.

Umiiling iling ako, at that moment I really don't know what's happening. Malala ba yung nangyari sakin at napauwi si mommy all the way from Batangas.

"Mommy, bakit po ako nandito? Naaksidente po ba ako?" Di ko na napigilan ang magtanong dahil wala talaga akong kaideya ideya kung bakit ako nandito. Blanko talaga ang utak ko.

"Karen ano ang naalala mo bago ka mawalan ng malay?" Si tita ella na ang nagtanong. Tumingin ako sa direksyon nito at umiling iling.

"Wala po. Hindi ko maalala. Kanina ko pa inaalala pero wala talaga. Kung naaksidente man ako bakit wala akong mga galos or sugat. Wala akong sakit na nararamdaman" sabi ko sa kanila. Napahaplos ng buhok ko si Christopher.

"It's okay baby girl, don't pressure yourself" sabi naman ni mommy.

"Ano po bang nangyari sakin?" Tanong ko sa kanila. Nag katitigan muna silang tatlo. Christopher sighed at siya na ang sumagot.

"Some locals found you outside the city, sa may damuhan specifically. Nakita ka nila na sa may damuhan, akala nila na isa ka sa mga sinsalvage at tinatapon sa damuhan na iyon pero nakita nila na may pulso ka. Kaya ka nila dinala dito sa hospital." Pag papaliwanag ni Christopher.

What?? For real??

"Tinawagan ako nila Tita ella and tita eloi and I'm really worried about you. Akala ko napano ka na." Pagpapatuloy ni Christopher

"Anak ano ba talagang nangyari, akala ko ba sabi mo may training ka na kailangan niyo para sa course mo? Nag alala ako ng sobra. I thought I'd lost you " Sabi naman ni mommy

"Hay nako. Nag hysterical na ang mommy mo kanina, paano naman kase itong pulis eh pabitin bitin sa pagsasabi. Ang sinabi lang eh natagpuan ka sa damuhan na nakahandusay" sabi naman ni tita ella.

"Anak just don't do it again ah. Pinag alala mo ako ng sobra." Sabi ni mommy in a worried tone.

"I'm sorry mommy." Ngumiti ako ng pilit.

Narinig namin na nag bukas ang pintuan iniluwa nun ang isang doctor na lalake at isang babaeng nurse.

"Good morning ms. Flores. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng doctor sa akin.

"I'm okay naman po" sagot ko rito.

"So far base on your laboratories ay okay naman and you're normal however we need to conduct further diagnostic test to see any possible brain injuries"

"Doc bakit po wala siyang maalala sa nangyari" tanong ni mommy

"It's probably na nagkaroon siya ng posttraumatic amnesia. Where in na altered ang Brain function natin that's why the patient appeared to be confused and hindi malala ang nangyari. Kaya nga sabi ko we will conduct tests to confirm if there are brain injuries due to a possible head trauma." Sabi ng doctor.

"What do you mean doc, na nabagok ang ulo niya?" Tanong naman ni tita.

"Yes, possible na nag karoon siya ng Head injury dahilan kaya siya nawalan ng malay and hindi niya maalala ang nangyari. After ng mga tests if nakita natin na walang damage sa brain, I will discharge her. So far you need to stay here for a couple of days." sagot ng doctor.

"Thank you po Doc" sagot namin sa kanya.

Lumabas na ang doctor at ginuide sila ni mommy palabas.

Pagkalabas ko ng Hospital, nag pahinga lang ako saglit and buti na lang ay pinayagan ako ni mommy na lumabas at mag out of town. Since kase na mapunta ako sa hospital, what a weird phase of my life na hindi ko man lang natatandaan how I get there. Mommy became so overprotective pero buti na lang to the rescue si tita and she said na makakatulong sakin na mag bakasyon to get some fresh air. Pero still si mommy hindi niya ako pinapayagan unless kasama ko si Christopher.

That's why we're here sa Batangas well a few miles away sa Lipa kung saan nag wowork si mommy para daw in case na may mangyayari emergency eh agad daw niya kameng mapupuntahan. Oh diba overprotective at its finest.

Dinala ako ni Christopher sa isang rest house nila dito sa batanggas well it's not really private dahil may resort sila dito na open sa mga tao though may pinag stayan kame na house na exclusive lang sa family nila Christopher

It's has a nice view of sea shore at asul na dagat. Padilim na at mag susunset na kaya nag decide kame ni Christopher na maglalakad lakad na muna dito sa dalampasigan. Ng mapagod na kame ay umupo na lang kame dito sa buhanginan at nakatitig sa papalubog na araw. Sobrang sarap ng malamig na hangin na dumadampi sa balat ko.

"Karen, wala ka ba talagang naaalala sa nangyari"

Umiling ako ng hindi ko siya tinitignan at naka focus lang ang mga mata ko  sa dagat.

"Wala ehh" sagot ko.

"Ahm karen, di naman sa nag mamadali ako pero matagal na akong nanliligaw. Gusto kong itanong kung pwede na ba kita maging girlfriend?" Tanong nito sa akin

Natigilan ako sa tanong niya at matagal bago ito na process ng utak ko. Tumingin ako sa kanya. Siguro deserve naman ng sarili ko ang sumaya. At napatunayan naman na ni Christopher ang pagmamahal nito sa akin. Ngumiti ako rito.

"Ang ibig sabihin ba ng ngiti na yan ay oo?" Tanong nito sa akin.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko at dahan dahan akong tumango.

"Yesssss!!!! Whoooooo!!!! I have the best girlfriend ever!!" Sigaw ni Christopher na di na mapigilang tumayo at nag sisigaw na akala mo ay nanalo sa lotto. Hindi ko naman mapigilang titigan siya at mapangiti. Ng humupa na ang emosyon nito ay bumalik ito sa tabi ko at yumakap.

Dahan dahan nitong inilapit ang labi niya sa akin at pinagsaluhan namin ang isang matagal at matamis na halik.

THIRD PERSON'S POV

Pinagmamasdan ko si Esmeralda na kasama ang isang lalake na nag tatalon sa tuwa at nag sisisgaw.

Nakakapagtaka na wala itong naalala sa nangyari. Wag ka mag alala Esmeralda ako ang mag papaalala sayo ng lahat, babalikan ito at mapapasakin ka din.

TO BE CONTINUE...

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon