CHAPTER 44: YVES HOSPITAL

6 1 1
                                    

"NATHAN!!!" sigaw ko, sinubukan ko siyang habulin ngunit nag sara na ang pinto.

Sinakripisyo niya ang sarili niya para mailigtas ako. Wala na akong nagawa para iligtas siya. Pakiramdam ko nag fail ako bilang superhero.

Isa isa ng pumatak ang mga luha ko sa mata. Kailangan kong gumawa ng paraan, kailangan kong mailigtas si Nathan.

"Stars!" Sigaw ko. Muli akong nagtransform bilang si Esmeralda.

Ginamit ko na ang buong lakas ko para mabuksan ko ang pinto.

Hang in there Nathan, ililigtas kita. Nagtagumpay ako sa pagbukas ng pinto. At nalungkot ako sa nakita ko. Wala na si Mr. J pati ang mga alipores nito pero nakita ko si Nathan na nakadapa at sugatan sa lapag

Agad ko siyang tinakbo at pinulsuhan. Sana buhay pa siya. Sumilay ang pag asa sa akin ng maramdaman ko na may pulso pa siya ngunit grabe ang tinamo nitong sugat.

Pinaharap ko siya sa akin at tinapik tapik sa mukha.

"Nathan, nathan gising. Gising please" sabi ko rito na puno ng pag alala sa boses ko.

Naubo ito ng magkamalay, thanked God at buhay siya. Pero masyado itong mahina para tumayo.

"Dalhin mo ko sa Yves, magagamot nila ako dun" sabi nito sakin.

"Yves?" Tanong ko.

Hindi pamilyar sakin ang lugar at wala akong kaideya ideya kung anong klaseng lugar iyon.

Itinuro sa akin ni Nathan ang Yves at napag alaman ko na isa itong hospital slash laboratory ng mga superheroes na katulad namin.

Pag pasok namin ni nathan sa Building ay na amaze ako sa ganda ng lugar parang nasa future ka at halos lahat ng makakasalubong namin ay may natatanging powers.

May mga facility din ito kung saan may mga newbie superhero na nag sasanay ng mga skills nila.

Isang babaeng naka pencil skirt , naka pink polo with matching white lab gown na naka messy bun ang sumalubong samin.

"OH my God Nathan anong nangyari?" Sabi nito na nagulat sa pagdating namin. Sumenyas ito sa mga kasama niyang mga naka PPE at kinuha si nathan para ilagay sa Stretcher.

"Hi Iam Doctor Vishaukamar, you must be Esmeralda?" Pakilala nito sakin at inilahad ang kamay nito para makipag shake hands

Tinanggap ko ang kamay niya. Paano niya ako nakilala?

"Ano po ang lugar na ito?" Tanong ko sa kanya.

"Eto ang lugar kung saan ginagamot, pinag aaralan ang mga superheroes na katulad niyo pero don't get me wrong. We are on the good side. Pinag aaralan namin ang mga superheroes para malaman ano pang mga powers ang maaari nilang ienhance. Halika itotour kita" sabi nito.

"This way" turo niya sa akin. Sumunod ako sa kanya.

"Meron kameng mga hospital facility exclusive sa mga superheroes dahil hindi sila pangkaraniwang tao kaya may mga gamit kame na specialized lang sa mga katulad niyo" sabi nito.

Nag lalakad kame ngayon sa mahabang hallway at madami akong nakikita na mga superheroes na naka admit sa kanila.

"At dito sa facility na ito, dito nagsasanay ang mga bagong superheroes" turo niya.

Ito yung facility na nakita ko kanina.

"Pero ang kapangyarihan mo Esmeralda ay kakaiba, natural ito at hindi ginawa sa laboratory kaya matagal ka na naming Gustong makilala lalo na siya" huminto kame sa isang kwarto at nakita ko ang isang middle aged man na tumitingin ng mga documents.

Sandali itong natigilan at tumingin sa amin. Ilang sigundo bago niya narealize agad itong tumayo sa kinakaupuan niya.

"Esmeralda? Hindi ko akalain na.. paano?" Tanong nito sa akin

Tumingin ito sa doctor na kasama ko.

"Yep dala siya ni Nathan pero nasa malubhang kalagayan ngayon si Nathan kaya kailangan pa siyang gamutin" sabi ni Dr. Vishaukamar

"Ako si Dr. Brown at matagal ka naming pinasusubaybayan kay Nathan. And yet here you are" energetic na sabi.

Anong pinapasok ko??? Isa na naman ba itong bitag? Ano ka ba talaga nathan? Kakampi or isa na namang kaaway na kailangan kong tapusin?

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon