CHAPTER 43: THE CULPRIT BEHIND EVERY VILLAIN

5 1 1
                                    

"Ang lakas naman ng loob mo na pumasok dito" isang boses ang narinig ko mula sa aking likuran.

I get all the courage para humarap sa taong iyon, dahil binabalot na ng kaba ang buong katawan ko.

Ng humarap ako nakita ko si Mr. J kasama si fihuma. Mr. J?? All this time tama ang instinct ko sa kanya na meron siyang hidden agenda.

Yung pagpunta niya dito sa laboratory at lagi niyang pagbanggit sa mga superheroes tuwing may class kame. Now it all makes sense.

"Mr. J? Bakit mo toh ginagawa? Madami kang masasaktan na inosenteng tao kung ipagpapatuloy mo ito" tanong ko rito.

"HA HA HA.. WALA AKONG PAKE ALAM SA MGA INOSENTENG TAO. Ang gusto ko lang ay yumaman. Kaya gumagawa ako ng mga artificial powers para ibenta" sagot nito sa akin ng nakangisi.

"Napaka sama mo!" Sigaw ko rito.

Hindi man lang niya naisip ang maiidudulot ng ginagawa niya sa mundo.

"Well well well!! Wala ng mababait na yumayaman ngayon. Ako ang may gawa sa mga villain na nakakalaban mo. At ito ang Best friend mo" Sagot nito sabay tingin kay fihuma.

"Look at her, she's strong and fierce. Hinding hindi na siya maaapi" patuloy nito sabay tingin sa akin.

Tumingin ulit ito kay fihuma at sumenyas. Nakuha agad ni fihuma ang ibig sabihin niya at tinalunan ako para umatake.

Pinikit ko ang mga mata ko at isinalag ang mga braso ko para maprotehtahan ko ang sarili ko sa paparating na si fihuma.

Ngunit parang ang tagal naman ata nitong umatake. Dumilat ako at nakita ko si Nathan ang sumalo ng atake ni fihuma. Nasipa ni Nathan si fihuma napaatras ito at nagngitngit ang mga pangil sa galit habang nilalabas nito ang mala ahas nitong dila.

Mabuti na lang at nandito si Nathan akala ko ay katapusan ko na. Habang si Nathan ang nakikipag laban kay fihuma ay nag karoon ako ng pagkakataon na maging si Esmeralda

"STARS!" sigaw ko habang nakataas ang kanang kamay ko.

Mabilis akong naging si Esmeralda kaya naman ay tinulungan ko si Nathan kay fihuma. Ngunit napapansin ko na nagsisigalawan ang ibang estatwa. Nagkakaroon sila ng buhay.

Nagsilapitan ito sa amin ni nathan at inatake kame. Pinag susuntok ko sila at pinagsisipa. May iba't iba din itong kapangyarihan at kahit gamitin ko ang kapangyarihan ng hangin ay natatalo kame sa dami nila.

"Sige mga alagad ko, tapusin niyo ang dalawang yan HA HA HA" tuwang tuwang sabi ni Mr. J

Inis ko itong tiningnan ngunit ngisi lang ibinalik nito sa akin. Na para bang sinasabi niya na "Talo ka na, tanggapin mo na"

Umiling iling ako at pinagpatuloy ko lang ang pakikipaglaban ko. Lagpas lima sila at dalawa lang kame ni Nathan.

"Esmeralda di natin kakayanin ang bilang nila. Kailangan na nating umalis" sabi ni nathan habang busy sa pakikipaglaban

Tumango ako at pinatumba ko ang isa sa mga villain bago lumapit sa pinto. Habang si nathan na pasunod na sa akin ay nililito ang mga kalaban.

Natunton ko ang pintuan at pinihit ang door knob ngunit bago ko pa maihakbang ang paa ko palabas ay napuluputan ako sa paa ng mga malalaking ugat at hinila ako papasok kung saan ako tumilapon sa lapag.

Napa aray ako sa sakit dahil sa pag bagsak ko at pakiramdam ko ay di ko magalaw ang mga binti ko nahihirapan ako tumayo dahil nakapulupot pa ang mga ugat sa paa ko na parang mga baging sa laki.

Agad na sumaklolo si Nathan at pinutol ang mga ugat. Binuhat niya ako pa bridal style at tinakbo ang pintuan palabas.

Nasa labas na kame ng pintuan ng puluputan si nathan ng mga ugat dahilan para mahila siya sa loob. Kaya naman wala na itong nagawa kundi ang ihagis ako palabas upang hindi ako puluputan ng mga ugat.

Tumilapon na naman ako sa sahig. Direk ah kotang kota na ako sa bagsak ah. Anyway balik tayo, saktong paghila kay nathan, pinilit kong tumayo para hatakin ito ngunit nagsara na ang mga pinto

"NATHAN!!"

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon