CHAPTER 15: THE STOLEN KISS

19 1 1
                                    

KAREN'S POV

"Okay class dismissed, see you next week" anya ni sir josh.

Nag silabasan na ang mga estudyante, medyo nag pahuli pa ako ng konti dahil nag aayos pa ako ng gamit ko, nauna na rin lumabas si Gabriel dahil may training daw sila ng basketball, malapit na kase silang lumaban sa ibang school.

"Karen, after lunch pwede ba kitang makausap sa medyo private na lugar?" Tanong ni sir josh sakin. Medyo nagulat nga ako sa pag approach niya dahil galing siya sa likuran ko.

"Ahmm.. sige sir mukhang napaka importante naman ng sasabihin mo sakin at kailangan pa sa private na lugar tayo mag usap" sabi ko rito.

"Oo kase may aaminin ako sayo." Sagot nito sa akin na seryosong nakatitig. Nakakapanibago ang kilos niya ngayon dahil napakaseryoso nito.

"Ganun ba, sige saan ba tayo mag kikita?" Tanong ko rito.

"Sa likod ng lumang building dito sa campus. Iisa lang naman ang lumang building dito kaya di ka maliligaw kung saan tayo mag kikita" sagot nito sakin.

Di na niya ako pinatapos pa mag salita dahil umalis na ito agad. Kunot noo ko siyang tinignan na paalis ng room.

Tinapos ko agad ang pag kain ko sa lunch time dahil sobra akong nacucurious sa aaminin niya. Hindi kaya aaminin niya sakin na alam niyang ako si Esmeralda.

Sobrang dami na tuloy ang tumatakbo sa isip ko kaya naman ay pumunta na ako agad sa likod ng lumang building.

Agad ko siyang nakita. Nako mukhang natagalan ata ako baka kanina pa siya nag aantay sakin.

"Sir Josh, kanina pa po ba kayo nag aantay?" Tanong ko rito.

"Ah hindi naman halos kakarating ko lang dito" sagot nito sakin.

Parang di siya mapakali sa itsura niya na parang bang mas nais sabihin

"Ano pala yung aaminin mo sakin?" Inunahan ko na siyang tanungin dahil maski ako ay di na rin mapalagay sa gusto niyang aminin.

"Karen matagal ko ng nararamdaman to' sayo. Alam ko na di pwede pero matagal na kitang gusto. 1st year ka pa lang nun gusto na kita. Kaya lagi akong kumukuha ng subject under ng section niyo para lagi kitang nakikita. Alam kong mali pero hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko sayo." Amin ni sir Josh sakin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagulat ako sa pag amin na ginawa niya. Oo ang dami kong naiisip kanina na mga bagay na pwede niyang aminin sakin pero hindi sumagi sa isip ko ang magustuhan niya ako.

"Karen pag ba nakagraduate ka na ng college baka pwede kita ligawan?" Alok sakin ni sir Josh.

Mas lalo naman akong nabigla sa alok ni sir Josh. Ako liligawan niya seryoso ba siya? Hindi ba siya aware na may something kame ni Gabriel?

All this time pala nasasaktan siya pag nakikita niya kameng magkasama ni Gabriel. Alam ko sa sarili ko na si Gabriel lang ang gusto ko. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay sir Josh na wala akong gusto sa kanya. Hindi ako makapag salita sa totoo lang.

Nakatitig lang ako kay sir josh, hindi ko akalain na mag kakagusto siya sakin. Mas lalo akong nagulat ng lumapit ito sakin at bigla akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at para akong estatwa na di makagalaw sa kinakatayuan ko.

Hindi ko alam kung itutulak ko si sir Josh o hahayaan ko lang na matapos ang halik na binibigay niya sakin.

Third person POV

Habang pabalik ng room ay napadaan ako sa lumang building. Napakunot ako ng noo dahil malayo pa lang ay natanaw ko si sir Josh na pumunta sa likod nito.

At habang papalapit ako ay mas lalong kumunot ang noo ko ng pumunta din si Karen sa likod ng lumang building.

Teka, anong gagawin dun ng dalawa. Mukhang may iba akong nararamdaman sa dalawang yun.

Pasimple lang akong naglakad sa kinaroroonan ng dalawa at nag tago ako sa gilid ng isang haligi ng building.

Naabutan ko na nag uusap ang dalawa.
Naririnig ko na umaamin si sir Josh kay Karen. Ano??? May gusto si sir Josh kay Karen??? Kaya pala sa classroom tuwing class niya ay madalas niyang tawagin si Karen sa recitation madalas din niya itong kausapin after class at sabayan kumain ng lunch.

Napagtanto ko na, na lahat ng kinikilos ni sir josh kay karen ay dahil may gusto siya rito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko na hinalikan ni sir Josh si Karen. Teka bawal yan ahhh.. mahigpit na pinagbabawal sa campus ang student and teacher relationship.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng picture. Ilang shots lang ang kinuha ko at agad na akong umalis dahil baka makita ako ng dalawa.

Karen's POV

"Sorry karen, di ko sinasadya. Sobrang nadadala lang ako ng damdamin ko ngayon." Sabi nito sa akin na bakas sa mata niya ang hiya sa ginawa nito.

Kaya pala 1st year pa lang ay may subject na kame sa kanya. Sinasadya niya palang magturo samin dahil sakin.

Hindi ko naman yun binibigyan ng malisya dahil akala ko nagkakataon lang yun. At professor lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Bumalik na ako sa classroom. Late lang ako ng ilang minuto mabuti ay di pa rin pala nakakarating ang sunod namin na professor.

Naabutan ko naman si Gabriel na nasa classroom na. Umupo ako sa tabi niya.

"Saan ka nanggaling? First time mo atang malate ngayon?" Tanong nito sa akin.

"Ahh ehh may dinaanan pa kase ako sa canteen may nakalimutan akong bilhin" sagot ko rito.

Tumango lang ito at saka bumalik na sa ginagawa niya.

Maya maya pa ay may dumating na isang professor. Akala ko ay ang professor na namin sa next subject pero isa itong staff sa dean's office at professor sa ibang department.

"May I excuse Ms. Karen Flores. Pinapatawag ka sa Dean's office. Please come with me." Sabi nito sa class.

Lahat ng mata ng mga kaklase ko ay natuon sakin. Simula ng pumasok ako sa campus ay never pa akong napatawag sa Dean's office. Once kase na napatawag ka sa Dean's office ay may nagawa kang violation sa school.

Tumayo naman ako at sumama sa staff na tumawag sa akin. Tiningnan ko muna si Gabriel, nakita ko sa mga mata niya ang halong pagtataka at pag aalala.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon