CHAPTER 26: MY DEEPEST SECRET

8 1 1
                                    

KAREN'S POV

At the moment ay nasa waiting shed kame ngayon ni Christopher, magkatabi kameng nakaupo sa upuan at halos magkadikit na ang mga kamay namin.

May halong ilang at kilig ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nililigawan na ako ni Christopher

"Bakit ako yung gusto mong ligawan? Bakit hindi si tintin eh malaki ang pag kakagusto sayo nun." Sabi ko sa kanya na seryosong nakatitig sa mga mata niya. Gusto ko kase malaman ang rason ng panliligaw niya. Nadala ako kay Gabriel kaya this time gusto kong makasigurado at isa pa friendship namin ni tintin ang masisira pag nalaman niya ang panliligaw ni Christopher.

Medyo nabigla pa ang binata sa biglaan kong pagtatanong sa kanya ngunit sinagot din naman niya ako.

"Alam mo naman karen na mga bata pa lang tayo ay may lihim na akong nararamdaman sayo. Kapatid lang talaga ang turing ko kay tintin. Kaya nga pag nag babahay bahayan tayo dati pag nag lalaro mas gusto kong ikaw ang nanay at ako ang tatay at si tintin ang anak." Seryosong sabi nito.

Medyo natawa ako sa sinabi niyang iyon. Naalala ko tuloy ng mga bata pa kame at madalas kameng mag laro ng bahay bahayan sa camela. Gagawa kame ng maliit na bahay at duon kame mag lalaro, si tintin ang madalas na anak namin at kame ang nanay at tatay ni Christopher.

"Christopher ayokong masaktan si tintin dahil may gusto siya sayo at alam ko na pag nalaman niya na nililigawan mo ko ay baka sumama ang loob niya. Kaya ipapakiusap ko sana sayo na kung pwede na wag tayong masyadong magdikit or maging sweet pag andyan siya. Pwede naman nating gawin yun kung wala siya. Basta hahanap lang ako ng tyempo kung kelan ko maaaminin sa kanya ang namamagitan satin" paliwanag ko rito.

Hindi ko maiwasan na di mag alala sa mararamdaman ni tintin kaya itatago ko muna ito hanggang sa masabi ko na kay tintin ang totoo.

"Oo naman asahan mo ko diyan" sabi nito at sabay akbay naman sakin. Aba itong lalakeng ito dumadamoves na ah.

Sabay ng pag akbay niya ay dating naman ni tintin kaya mabilis niyang inalis ang kamay niya sa balikat ko.

Pareho kameng nagulat ni christopher sa pagdating ni tintin. Eto kaseng babaeng toh parang kabute na biglang nasulpot.

"Oh bakit parang nakakita kayo ng multo?" Sabi nito na takang taka sa mga reaction namin.

"Ahh wala naman. Bakit ang tagal mo, kanina ka pa namin inaantay" sabi ko para maiba ang topic. Pero totoo namang ang tagal niyang dumating.

"Ay nako sis napaka traffic kaya. Inabot ako ng 30 mins sa byahe" dahilan nito.

Buti na lang ay 8:30 am pa lang at may time pa kame para di malate sa mga subject. Pumasok na kame sa loob ng campus and as usual ay sabay na naman kame ni Christopher pumasok dahil mag ka same lang kame ng building.

Kinahapunan ay maaga kame natapos ni tintin sa mga class namin. Maaga din kase nag dismiss ang mga professor namin kaya naman ay nagsabi na kame kay christopher na mauuna na kame at pumayag na ito dahil 8pm pa daw ang tapos ng last subject niya.

Habang nag aantay kame ng masasakyan ni tintin ay nagtanong ito sakin.

"Sis matanong nga kita, may something ba sa inyo ni christopher. I mean madalas ko kase kayong makita na parang ang close niyo." Seryosong tanong ni tintin sakin.

Nako eto na naman tayo. Kinokorner na naman ako ng sisteret ko. Sa taranta ko sa kung paano siya sasagutin ay nadeny ko ang panliligaw ni Christopher.

"Huh? Kame? Wala sis. Jusme parang kapatid na ang tingin ko diyan kay christopher noh" maang maangan ko sa kanya.

Ngumiti lang ito na tila ba di kumbinsido sa sagot ko. Siguro dapat ko na talagang sabihin sa kanya. Kase parehas lang kame mahihirapan kung patuloy kong itatago to'

Pero hindi eh, masasaktan ko siya.

Pero what if mag friend ship over kame?

Pero diba kung kaibigan ko talaga siya maiintindihan niya ako at susuportahan niya ako.

Pero matagal na niyang gusto si christopher at sinabihan niya ako about duon.

What if?

What if?

Okay self kalma. Inhale, exhale. Isipin mo mabuti ang desisyon mo.

Okay fine eto na sasabihin ko na.

"Ahm sis tin, May-" naputol ang sasabihin ko ng huminto ang jeep na sasakyan namin pauwi.

"Ano yun?" Tanong nito.

"Ah eh may jeep na pala, tara na" pag suko kong sabi sa kanya.

Bakit ba everytime na aamin ako eh laging wrong timing.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon