CHAPTER 34 NATHAN VS. FIHUMA

4 1 1
                                    

NATHAN'S POV

Habang nag lalakad ako ay may nakita akong babaeng umiiyak. Akala ko nga ay isang batang nawawala pero dalagita na ito. Siguro sa itsura nito ay nasa 20s na.

Umiiyak ito sa tabi at walang kasama, nilapitan ko ito at inabutan ng panyo.

"Oh.. bakit ka umiiyak?" Tanong ko rito.

Nagulat ata ang babae sa pagdating ko medyo naging feeling close ata ako sa kanya.

Hindi ito sumagot at hindi rin niya tinanggap ang panyong inabot ko. Tumalikod na ako at mag lalakad na papalayo dahil patuloy lamang ito sa kakaiyak ng biglang nakarinig ako ng isang malakas na halakhak.

Lumingon ako at nakita ko na nakaharap na sa akin ang babae. Hindi na ito umiiyak pero nakangiti ito ng nakakaloko saka tumawa ng napalakas na parang wala ng bukas.

Nagpatanto kong isa itong villain, agad akong nag palit ng anyo at humanda sa anumang pag atake ang gagawin nito.

Unti unti namang nag palit ng anyo ang babae. Di ko pa nakikilala ang villain na ito at base sa anyo nito ay mukhang mataas ang antas ng villain na ito at di agad agad napapatumba.

Nag kulay asul ang buong katawan nito at may mga patulis ito sa katawan sa may bandang tagiliran.

Parang kalikis ang balat nito at may mahabang dila at matatalas na pangil.

Umilaw ang mga mata at nag lalabas ng mga laser na maaring humiwa sa isang bagay o nilalang.

Tumingin ito sa kinaroroonan ko dahilan na muntikan na akong tamaan ng laser niya.

Umatake na ako ngunit mabilis itong nakailag. Ng uundayan ko na ito ng suntok ay biglang naging tatlo ito. Nakakamangha dahil marami itong kapangyarihan higit sa inaasahan ko.

Pinag isipan ko mabuti at pinag aralan ang kilos nito. Inisip ko kung sino sa tatlo ang tunay kong kalaban.

"Sino ka?" Tanong ko rito habang umaatake

Hindi ito sumagot at tumawa lang ng malakas.

Ng marinig ko na ang pinanggalingan ng tunay na boses ay agad ko itong nasipa sa balikat at natumba ito dahilan para maging isa na lang ito.

Mabilis kong tinakbo ang kinakaroonan nito para sipain pero mabilis itong gumulong at tumayo. Sabay tumalon ng mataas.

Tumingin pa ito ulit sakin bago tuluyan ng tumalon paakyat sa abandonadong gusali.

Naiwan akong nagtataka at palaisipan sakin ang nilalang na iyon. Kakaiba ito sa mga villain na nakita ko.

Pwede kayang hindi ito basta basta na lamang na villain. Nakita na kaya siya ni Esmeralda?

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon