CHAPTER 13: KAREN AND GABRIEL'S LOVE QUARREL

14 1 1
                                    

Karen's POV 

On going ang class namin kay sir Pabs. From 9am to 12 nn kase ang class time niya sa amin. Siya pala ang first subject namin kaya naman ang iba kong mga kaklase ay medyo nag mumuni pa sa mga upuan nila. Pero ako kahit na first subject ay attentive ako sa klase. 

 "Okay Ms. Flores Can you answer the questions written on the board" sabi ni Sir Pabs na may malawak na ngiti. 

Tumayo ako agad dahil confident naman akong sagutin ang tanong sa board. Aba lagi kaya akong nag aadvance reading sa klase niya. 

Ng masagot ko na ang tanong niya ay umupo na rin ako agad sa upuan ko at patuloy na nakinig sa lecture niya. Kada may tanong si Sir Pabs ay napapansin ko na ako ata ang lagi niyang tinatawag. 

"Ms. Flores please answer the question on the board" sabi nito ulit sakin. 

Kahit naman alam ko ang sagot ay di ko na maiwasang di mag taka na ako ang palagi niyang tinatawag. Ng sumunod na question na ay nag volunteer na si Stephanie na sumagot ng question niya. 

 "Sir ako na lang po ang sasagot" pabebeng sabi ni Stephanie Tumayo ito at nag simula ng sumagot sa blackboard.

Pagkaharap nito ay confident itong bumalik sa upuan niya at tinaasan ako ng kilay ng mapadaan siya sa kinauupuan ko. 

"Hmmm...Muntik ng tumama ang sagot ni Stephanie, who else has a correct answer? How about you Ms. Flores?" Sabi ni Sir pabs at tumingin ito sa akin. 

Whattttt ako na naman... Nako sir Pabs ah. Kotang kota na ako sa recitation ah. Tumayo ako ulit at sumagot sa board at pagkatapos ay bumalik na sa upuan ko. 

"Nice one Ms. Flores. Okay everyone. That's all for now. Gayahin niyo si Ms. Flores always prepared sa class natin. I never doubt kung bakit siya ang top student sa klase niyo. Okay class dismissed see you next tuesday" anya ni Sir Pabs bago umalis ng room 

Lunch break na rin kaya naman ay nag ayos na ako ng gamit bago lumabas sina Zafra ng room ay nag parinig si Stephanie 

"Hay nako nag pa bibo na naman yung isa diyan." Parinig nito bago lumabas ng kwarto hindi ko na lamang ito pinansin dahil sanay naman na ako sa mga pasaring ni ng grupo nila Zafra. 

 Sinukbit ko na ang bag ko at patungo na ako sa pintuan ng tawagin ako ni Gabriel. Ano Gabriel kala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mong pantitrip sa akin? 

"Karen, mag lulunch ka na? Sabay tayo." Sabi nito sakin. 

"Ahm Gabriel Next time na lang kase nagsabi na si Tintin sakin na gusto niya akong makasabay sa lunch. Sige una na ako ah" sabi ko , di ko na siya inantay pa na sumagot pa dahil agad na akong lumabas ng classroom. 

Habang nag lalakad sa hallway ay nakasalubong ko si sir Pabs "Hi Karen, nag lunch ka na?" Bati nito sakin.

"Ahm sir mag lulunch pa lang po" sagot ko naman rito.

"Gusto mo ba sabay tayo mag lunch. Kung gusto mo lang, wala ka bang kasabay, nako baka meron ah." Sabi nito sakin. 

Teka bakit naman ako niyaya nito ni Sir Pabs kumain ng lunch? Kanina pa kame may interaction ah. Naglakad na kame ni sir Pabs sa hallway, pababa na kame sa canteen ng nakasalubong namin si Stephanie na nag papacute ka sir Pabs, binati niya ito at tinanong 

"Hi sir Pabs, nag lunch ka na? Do you mind mag lunch together?" Sabi ni Stephani habang iniipit ang buhok sa likod ng tenga. 

"Ayy sorry miss Stephanie but sasabay ako ng lunch kay karen dahil mag papag uusapan kame na importante related sa school" 

Agad namang napabusangot ng mukha si Stephanie sa sinabi ni Sir Pabs. Iniwan na namin si Stephanie sa hallway at patuloy na nag lakad papuntang canteen.

 Gabriel POV 

Galit pa rin ba sakin si Karen? Hayss di ko naman alam na nakakatampo yung biro ko. Baka kase maagawan namin ng eksena yung bride and groom kung hahalikan ko talaga siya sana pala ay tinuloy ko na lang. 

 Niyaya ko siya mag lunch kanina pero tinanggihan niya ako at sinabi niyang sasabayan niya si tintin kumain. Hinayaan ko na lang muna siya para naman lumamig ang ulo niya sakinSumabay na lang ako sa tropa na kumain ng lunch dahil matagal tagal na rin ng magkasabay sabay kame mag lunch. 

As usual ganun pa rin ang eksena sa canteen pag pasok namin ay tinitilian kame ng mga girls sa university pero isa ang agad na hinanap ng nga mata ko ng pumasok ako sa canteen... si Karen. 

Nakita ko siya nakaupo banda sa may dulong mga table pero teka bakit hindi si tintin ang kasama niya. Sabi niya sakin sasabayan niya si tintin. Ganun ba siya kagalit sakin para magsinungaling para lang di ako masabayang kumain.

Kailangan kong gumawa ng paraan para magkabati kame ni karen. 

 Ah alam ko na...... 

Karen's POV 

Uwian na at natapos na naman ang isang araw ng klase nag aabang ako sa waiting shed mag isa.. wala kase si tintin at busy na sa mga teaching demo nito at mga lesson plan kaya naman di ko na muna siya madalas nakakasama 

Oo nagsinungaling ako Gabriel para lang di ko makasabay kumain. Nagtatampo pa rin kase ako sa ginawa niya. Kaya naman ay gusto ko munang mag palamig at mag lie low sa ming dalawa. Tutal malabo pa rin naman ang usapan sa pagitan naming dalawa. 

Ni hindi ko nga malaman kung kami ba o hindi. Hindi naman niya inaamin kung gusto nga ba niya ako o hindi. 

Mag 5 mins na rin ako nag iintay dito sa waiting shed ng masasakyang jeep pauwi samin. Maya maya ay may humintong dalawang sasakyan sa harapan ko. 

Si Gabriel na nakamotor at si Sir Pabs na nakakotse. Naka baba ang bintana ni Sir Pabs 

"Karen Hatid na kita" sabi ni Gabriel 

"Karen Hatid na kita" sabi ni sir Pabs 

Aba sabay pa talaga sila. Nako karen ah. Medyo haba ng hair mo ah. Hindi mo naman pwedeng hatiin ang katawan mo para sumakay sa sasakyan nila pareho. Kailangan kong mamili sa dalawa, sabi nga ni mommy mahirap mamangka sa dalawang ilog in short hindi pwedeng dalawa dalawa kailangan isa lang 

So sino bang sasamahan ko si Gabriel or si Sir Pabs. Nako karen mamili ka...

Lumapit ako sa kotse ni sir Pabs at binuksan ang pintuan ng kotse nito. Ni hindi ko nilingon si Gabriel dahil ayokong makita ko ang reaction niya. 

Umalis na kame ni Sir Pabs at habang nasa bhaye ay makwento pala talaga siya pag sa labas ng classroom. Kapag kase nag tuturo siya ay napaka strict nito at professional. Pero pag nasa labas na ay napakulit at palatawa. 

Ng makarating na kame sa gate ng bahay ay nag paalam na ako kay sir Pabs. 

 "Sir thank youu ahh. Ingat po kayo sa byahe" Sabi ko kay sir pabs 

"Sure no worries, anytime karen." Sagot naman nito sakin. 

Hindi na kame masyado nagtagal pa sa paalamanan dahil mag gagabi na rin at gagabihin si sir Pabs sa byahe. 

Pag pasok ko sa gate ay nakita kong nakikimarites pala si Tita samin. 

"Karen sino yung nag hatid sayo?" Tanong ni tita na may pang iintriga. 

"Professor ko po tita sa isang subject naman si Sir Pabs po" sagot ko naman sa kanya. 

"Hmm bakit ka naman ihahatid ng Professor mo? Tsaka asan si Gabriel bakit di ka hinatid, LQ kayo? Haha" Tanong ulit nito sakin na may halong pang aasar na 

"Medyo tita, eh kase naman po si sir pabs ay kaibigan ko din po na professor" sagot ko naman sa kanya. 

Ng matapos na kame mag usap ni tita ay pumasok na ako sa loob para mag bihis. 

Aayusin ko na din ang mga gamit ko at mga assignments ko. Mga around 9pm ay natapos na ako sa mga assignments ko. 

Kaya naman ay nag asikaso na ako para matulog. Nag shower na ako at nag skin care. Nakaupo ako sa kama habang nag susuklay ng buhok ng makarinig ako ng ingay na nanggaling sa labas ng bintana ko. Agad ko itong sinilip at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon