CHAPTER 28: THE MASTERMIND

6 1 1
                                    

Nandito kame ngayon sa canteen, eto kasing si Christopher ay panay ang kwento tungkol sa nangyari sa kanya nung niligtas siya ni Esmeralda.

"Nako guyys, you will not believe it, akala ko talaga katapusan ko na ng mga oras na yun. Imagine those guys came out of nowhere tapos bigla akong kinidnap. Mabuti na lang nandyan si Esmeralda. Ang ganda talaga niya sa Personal." Banggit naman ni Christopher.

"Ayy totoo, nakita ko na din siya in person. Pero teka saan ka pala nakidnap?" Tanong naman ni tintin.

"Sa may waiting shed sa may Avida, susunduin ko kase si Karen nung time na yun" sagot nito.

Nako patay, nadulas si christopher halos maibuga ko naman ang iniinom kong lemonade.

Natigilan si tintin at napakunot ng noo.

"Bakit may sunduang nagaganap hah? Bakit ako di mo sinusundo? May favorite ka talaga samin" nagtatampong sabi ni tintin.

Ikaw talaga christopher sige paano mo ngayon lulusutan yan..

"Ah ehh. Napadaan lang kaya sinabay ko na si karen anyway alam niyo ba nagagandahan talaga ako kay Esmeralda. Para siyang celebrity sa states, madalas kase akong makakita ng celebrity nung nasa US pa ako. Pero mukha siyang pamilyar sakin, yung mga mata niya. Parang nakita ko na siya pero di ko matandaan kung saan" sabi nito.

Bumalik na naman tuloy ang kaba ko dahil baka naman mabuking ako ni Christopher. Ano ba, di ko na tuloy alam kung saan ko ilalagay lahat ng kaba ko sa dalawang toh. Kay tintin dahil sa panliligaw ni Christopher at kay Christopher dahil baka mabuking ako na ako si Esmeralda.

Maya maya pa ay tumitig sakin si Christopher na para bang inaanalyze ang mukha ko. Wag niyang sabihing namukhaan niya ako.

"Parang kamukha mo karen" sabi nito sakin.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at sa sobrang kaba ko ay napalakas ang pag deny ko.

"Hindi ah!!" Sigaw ko. Di naman halatang defensive noh slight lang.

Si tintin naman ay tumitig din sakin. At inanalyze din ang mukha ko.

"Parang di naman" sabi nito. Buti na lang at nag disagree si tintin kaya pwede ko siyang damayan.

"Oo tama si tintin tsaka isa pa noh ang layo ng ganda ni Esmeralda kumpara sakin. Sabi mo nga mukhang celebrity sa US eh ako simpleng babae lang naman ako" sagot ko rito.

"Pero maganda" pasimpleng banat ni Christopher

Tinago ko ang pagsilay ng ngiti ko para di mahalatang kinilig ako sa sinabi ni Christopher. May pabanat pa toh akala mo naman talaga.

"Sabagay, baka naiisip lang talaga kita kaya ko nasabi yun" tuloy ni Christopher sabay ngiti sa akin. Ginantihan ko naman ito ng ngiti.

"Eh ako di mo ba ako naisip nun? Mukhang kamukha ko din naman si Esmeralda ah"  sabay ni tintin sa amin.

Napatingin tuloy kameng dalawa sa kanya.

MR. J'S POV

Pinaghalo halo ko na ang mga chemical na gagamitin ko para sa panibago kong imbensyon.

Isang imbensyon na tiyak na mag papayaman sakin at tatangkilikin ng mga mayayaman. Sino ba naman ang di makakatanggi sa kapangyarihan bwahhahaha.

"Ito na ang mag papayaman sakin bwahahaha!"

"Humanda ka Esmeralda, magkikita din tayong dalawa"

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon