CHAPTER 35: MEAN GIRLS CRIED FOR HELP

6 1 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nasa loob ng mga cubicle ang mean girls na sila Zafra, Stepahine at francine.

"So girls anong balak niyo after class, let's go sa bahay nila Steph para mag swimming" sabi ni Francine na nasa unang cubicle.

"Hmmm pwede naman, nasa mood naman ako for swim ngayon. Steph ipaready mo na ang pool niyo. Let's go there after class" utos ni Zafra sa kaibigan na nasa katabing cubicle.

"Oh sure. I got it girls" sagot ni Stephanie.

Habang nasa loob ang tatlo ay pumasok si tintin sa loob. Magmula kase na nag friendship over sila ni Karen ay naging mailap na ito at parang may sarili ng mundo.

Narinig nito ang boses ng mga mean girls. Nagkaroon agad ito ng ideya. Pinakiramdaman niya kung silang apat lang ba ang nasa loob ng girl's comfort room.

Dahan dahan niyang isinara ang pintuan ng banyo para di siya mahalata na nasa loob din siya. Naisip niya na ito ang tamang oras para makaganti sa ginawang pambubully sa kanya ng mean girls.

Ng dahan dahan niyang nilock ang pinto ay agad itong nagpalit ng anyo. Si tintin ay si Fihuma naging kulay asul ito at naglabasan ang mga patusok nito sa tagiliran.

Humarap siya at inantay lumabas ang mga biktima niya. Narinig niyang nga sisibukasan na ang bawat lock ng mga cubicle, palabas na ang mean girls. Napangisi si tintin at sa wakas ay makakapag higanti na siya. Sila ang unang gagantihan ni fihuma at iisa iisahin niya ang mga taong nanakit sa kanya lalo na si karen.

Lumabas ang tatlo sa cubicle at si Francine ang unang nakapansin kay fihuma dahil siya ang nasa unang cubicle.

"Ahhhhhhh!!! Monster!!!" Sigaw ni Francine na halos mawalan na ng dugo sa putla dahil sa takot.

Napatingin ang dalawa sa direksyon ni Fihuma. At nanlaki ang mga mata nila at napasigaw.

Lalabas na ata ang mga lalamunan nila kakasigaw.

"HELPPPP!!! PLEASE WAG MO KAMENG SASAKTAN!!" sigaw ni Zafra.

Sa bawat hakbang papalapit ni Fihuma ay siyang atras ng tatlo.

"Please wag kang lalapit!!!" Sigaw naman ni Francine.

Hindi pinakinggan ni Fihuma ang pag mamakaawa ng tatlo at hindi bakas sa mukha nito ang awa. Lalo pa nga itong natutuwa dahil nakikita nitong umiiyak at nag sisigaw sa takot ang tatlo.

Parang musika sa tenga niya ang sigaw ng tatlong babae sa harapan niya.

Sa kabilang banda ay nasa pinakadulong cubicle pala si karen. Hindi ito napansin ng apat na nasa labas. Naririnig nito ang kaganapan sa labas at hiyawan ng tatlo. Malakas ang kutob nito na hindi maganda ang nang yayari sa labas.

Nag aalangan man siya ngunit wala siyang magagawa kundi ang mag transform sa loob ng cubicle.

Itinaas nito ang isang kamay
"Stars" bulong nito. Nakokontrol niya ang liwanag na nilalabas ng kasuotan ni Esmeralda.

Nagpalit na ito ng anyo nito at dali daling lumabas sa cubicle. Saktong paglabas nito ay agad nitong nakita ang isang villain na akmang sasaktan ang mean girls gamit ang kamay nito.

Kusang gumalaw ang kapa ni Esmeralda at pumaikot ito sa kamay ng villain. Nanlaki ang mga mata ng villain at natuon ang atensyon nito kay esmeralda.

Gumagalaw galaw pa ang ulo nito na parang kinikilala ang kaharap. Inihagis ng kapa ang villain at tumilapon ito sa nakasarang pintuan.

Nagkaroon si Esmeralda ng pagkakataon na talunan ito. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat

"Sino ka at saan ka nagmula?" Tanong ni Esmeralda sa kalaban.

Alam ni Esmeralda na halos kapantay nito ang lakas niya. Ngunit di siya nag papakita rito ng pagkasindak.

"Hinding hindi mo malalaman ang katauhan sa likod ni Fihuma" sabi nito sabay tawa ng may pang aasar.

"F-fihuma?" Takang sabi ni Esmeralda.

Pilit niyang inaalala ang pangalan ngunit hindi ito pamilyar sa kanya.

Nagkaroon si Fihuma ng pagkakataon na umatake at masipa siya palayo. Tumilapon si Esmeralda ngunit nakakuha agad ito ng balanse.

Agad na binuksan ni Fihuma ang pinto saka tumakas palabas. .

Tinulungan naman ni Esmeralda ang tatlo na makatayo dahil natulala na ang mga ito sa takot.

"Ligtas na kayo. Kailangan ko ng umalis para mahabol ko si Fihuma" anya ni Esmeralda sa tatlo.

Hindi na nito inintay pa makasagot ang tatlo at agad ng lumabas umaasang maabutan pa niya si Fihuma. Ngunit pag labas nito ay wala ng kahit anong bakas ni fihuma kaya nahirapan itong sundan ito. Kahit saang direksyon ay wala ni isang sensyales na dinaanan ni Fihuma para itong naglaho na parang bula.

Muling tumingin si Esmeralda sa dulong corridor nakita niya si tintin na dumaan.
Gusto niya itong lapitan ngunit naka anyong Esmeralda siya. Kaya umalis na lang siya agad para di mapansin ni tintin.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon