CHAPTER 27: CHRISTOPHER IS IN DANGER

7 1 1
                                    

CHRISTOPHER'S POV

Naglalakad ako ngayon papunta Avida settings, nag chat kase ako kay karen na susunduin ko siya. Isa kase yun sa mga gusto kong gawin ngayon na nanliligaw na ako sa kanya.

Sa totoo lang mga bata pa lang talaga kame ay may special feeling na ako kay karen. I just have to go sa states para mag migrate since duon na nagtatrabaho ang both parents ko.

Good thing na pinayagan nila ako mag aral dito sa Pilipinas, may chance na mag krus ulit ang landas namin ni Karen. Actually bumalik ako sa dati naming bahay sa camela pero napag alaman ko na lumipat na pala sila dito sa Cavite.

Dito ako tumambay sa may waiting shed, medyo may kalayuan pa ito sa guard house at nag chat si karen kanina na dito ko na lang siya antayin dahil malayo daw ang bahay pa nila sa loob. Paalis naman na daw siya sa kanila kaya nag agree na lang ako na dito siya sunduin.

Habang nag iintay ay may puting Van ang huminto sa harap ko. Napakunot ako ng noo, sobrang tinted ng mga bintana nito kaya di ko makita ang mga tao sa loob.

Naisip ko na baka pampasaherong van lang na mag bababa ng mga pasahero ngunit nabigla ako ng biglang bumukas ang pinto at naglabasan ang mga armadong lalake na nakabonnet. Tatlong lalakeng malalaki ang katawan na may hawak na mahahabang baril.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hinawakan ako ng dalawa sa braso at pilit akong sinasakay sa Van.

"Sumama ka na ng maayos kung ayaw mong masaktan!" Sigaw sakin ng isang lalake.

"Sino ba kayo? At saan niyo ko dadalhin?" Sabi ko rito. Halos kaladkarin na ako ng dalawang lalake.

Pinag papawisan na ako ng malamig, wag naman sana nila akong saktan.

"Wag ng maraming tanong! Sumakay ka na lang!" Sabi ng isang lalake sa kanan ko.

KAREN'S POV

Takbong lakad na ang ginagawa ko dahil nag chat na si christopher na nasa waiting shed na siya.

Naglakad lang kase ako dahil kung hihintayin ko pa ang shuttle ay mag iintay ng matagal si christopher sa waiting shed nakakahiya naman sa tao kung pag aantayin ko siya ng matagal.

Di naman porket na nililigawan niya ako at sinusundo niya ako palagi ay aabusuhin ko. Pagsusundo lang ang ginagawa ngayon ni Christopher dahil nga sa di pa kame nakakaamin kay tintin. Sa pag uwi kase ay si tintin ang madalas kong kasabay baka kase makahalata talaga siya kung ihahatid pa ako ni Christopher.

Papalapit ako sa waiting shed ng mamataan ko ang nangyayari kay Christopher.

Pinipilit siyang isakay ng mga lalaking may baril sa Van. Nako, baka kung anong gagawin nilang masama. Kailangan kong makapag transform bilang esmeralda para maligtas ko siya.

Nagtago ako likod ng isang malaking puno. Hinubad ko bag ko, at itinaas ko na ang kanang kamay ko.

"STARS!!!" Sigaw ko.

Unti unti akong nagliwanag kasabay ang pag ihip ng malakas na hangin hudyat na nasa akin ang kapangyarihan ng hangin.

Unti unting nagbago ang anyo ko. Natuwa ako dahil kulay pula na ang damit ni Esmeralda. Kasabay ng paglabas ng aking mahiwagang gintong kapa.

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtapak ng mga paa ko sa lupa.

Hinabol ko ang van na kumuha kay Christopher gamit ang bilis ko sa pagtakbo ay naunahan ko ito.

Umabante lang ako ng konti sa van at pumwesto sa harapan nito.

Pwinesto ko ang kamay ko sa paparating na sasakyan at lumabas ang kapangyarihan ng hangin, umihip ng malakas sapat para hindi makausad ang sasakyan hanggang sa mawalan ito ng buhay.

Lumbas roon ang mga armadong lalake at saka pinapatukan ako ng baril. Parang buhay na kusang gumalaw ang ginto kong kapa para protektahan ako sa mga bala. Nagtagal ng ilang minuto ang paputok ng mga lalake pero ni hindi man lang ako nahaggard sa kanila.

Hay nako wala pa tong mga baril nila, di man lang nabawasan ang ganda ko. Ng maubos na ang mga bala nila ay isa isa na silang nag si sugudan para umatake, agad ko itong na undayan ng sipa at suntok.

At kahit dalawa dalawa pa ang sumugod ay kaya ito ng powers ko. Isa isa kong napabagsak ang mga lalaking ito.

Yung isa ay nakatayo pa habang nakatalikod ako at mabuti na lang mabilis akong nakailag at nasipa ito kaya naman lagapak ito sa lupa.

Ng masiguro kong hindi na makatayo ang mga lalake dahil sa mga pasa nila ay mabilis kong pinuntahan si Christopher. Binuksan ko ang pinto ng van at nakita ko si christopher na nakatali.

"Esmeralda?" Manghang tanong nito sakin.

Mabilis kong tinanggal ang mga tali nito dahil hindi niya ako pwedeng makilala.

"Paparating na ang mga pulis, ligtas ka na. Sa susunod ay mag iingat ka" sabi ko rito at saka siya nginitian.

Walang kaabog abog akong umalis at hindi ako pwedeng dumugin ng mga reporters.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon