CHAPTER 40: ANGEL'S HELP

5 1 1
                                    

Nasa bahay ako ngayon kasalukuyan kameng nag hahapunan ni tita ella. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano ko mapaghihiwalay ang katauhan ni fihuma kay tintin.

"Karen, kamusta naman ang pag aaral mo?" Sabi naman ni tita. Bihira na kase kame mag kausap ni tita dahil nabusy ako netong mga nakaraang araw.

"Maayos naman po tita." Tipid kong sagot.

Maya maya ay napalingon ako sa binalita sa TV

"Sinasabi ng NASA na may mangyayaring Solar Eclipse sa susunod na linggo sa tapat na ala singko ng 5 ng hapon, ang eclipse ay nangyayari kapag ang buwan ay mapupunta sa pagitan ng araw at ng mundo dahilan para matakpan ang sinag ng araw papunta sa mundo." Sabi sa balita

Lalong lumakas ang kaba ko sa narinig kong balita, hindi talaga dapat ako nagsasayang ng oras. Dahil malapit na ang eclipse kung di ko maliligtas si tintin tuluyan siyang mawawala.

After maghapunan ay nag pasya akong lumabas muna ng bahay para mag pahangin.

"Tita, diyan lang po muna ako sa labas mag papahangin lang po ako." Paalam ko rito

"Wag ka masyado lumayo at mag pagabi ah. May pasok ka pa bukas" paalala naman ni tita sakin.

"Opo tita" sagot ko rito.

Sa mga panahong ito isa lang ang naiisip ko na makakatulong sakin at siya ang pakay ko kaya ko naisipan kong lumabas.

Pumunta ako sa medyo tagong lugar, hindi naman kalayuan sa bahay. Halos wala din namang dumadaan duon dahil bihira ang mga naglalakad sa subdivision namin dahil halos lahat ay may mga kotse..

Huminga muna ako ng malalim at dinama ang malamig na ihip ng hangin. Malamig ang pagdampi ng hangin sa balat ko dahil gabi na rin at gawa na rin na mapuno sa bandang lugar na ito.

"Melita, Melita asan ka?" Tawag ko sa anghel na si Melita. Sure ako na matutulungan niya ako. Desperada na talaga akong malaman ang solusyon.

"Melita alam kong naririnig mo ko mag pakita ka please" tawag ko ulit sa pangalan niya.

Pero parang hindi niya ata ako naririnig o sadyang ayaw niya lang magpakita. Siya na lng ang huling naiisip ko na makakatulong.

Nawawalan na ako ng pag asa, maglalakad na sana ako paalis dahil mukhang wala naman siya,  2 ng biglang nagliwanag ang paligid.

Nabuhay ang pag asang unti unting nawawala kanina. Nakakasilaw ang liwanag na parang araw kaya naman ay hindi ko maiwasang hindi mapatakip ng aking mga mata.

Nakita ko si melita, hindi nakatapak sa lupa ang mga paa nito at napakaputi ng malalaki nitong pakpak. Wala din itong saplot sa paa at nakaputi itong bestida.

"Ano ang dahilan kung bakit mo ako tinawag Esmeralda?" Tanong ng anghel.

Napabalik ako sa ulirat ng tanungin ako nito.

"Gusto ko sana manghingi ng tulong sayo. Sobrang desperada na ako at sa tingin ko ikaw lang ang makakatulong sakin" sagot ko rito.

"Ang best friend ko na si tintin nanganganib ang buhay niya. Naging villain siya at hindi lang ito basta pangkaraniwang villain. Pero may nakapag sabi sa akin na kapag hindi ko napaghiwalay ang katauhan ni tintin sa villain na ito ay hindi na makakabalik si tintin sa dati at, at.. maari siyang mawala" patuloy ko. Medyo humina ang boses ko sa dulong parte ng aking sinabi dahil hindi ko kayang banggitin parang nagbabara ang lalamunan ko sa tuwing mababanggit ko na maaring mawala si tintin.

"Kailangan manaig ang pagibig at pagmamahal niyo bilang mag kaibigan. Matutulungan mo siya kung gugustuhin din niyang makaalis kay fihuma." Sagot ni Melita.

Napayuko ako at nakaramdam ng lungkot. Ni ayaw nga niyang makipag usap sakin ayaw niyang maniwala sa kung anong pwedeng mangyari.

"Hindi ka dapat magpalinlang sa kung ano ang ipapakita sayo ni fihuma dahil maaari niyang lituhin ang puso at isipan mo. Kailangan na mabasag mo ang puso ni fihuma bago matakpan ng buwan ang araw. Sa ganitong paraan makakawala ang kaibigan mo kay fihuma." Patuloy nito.

Puso ni fihuma? Saang lupalop naman ng mundo ko mahahanap yun.

"Pero saan ko makikita ang puso ni fihuma?" Tanong ko rito.

Ngumiti ito at tumitig sakin, sinapo nito ang pisngi ko.

"Gagabayan ka ng kapangyarihan ng liwanag" sabi nito.

Lumabas sa palad nito ang tatlong maliliit na bituin na kasing liwanag niya.

"Ang mga bituin na iyan ang magdadala sayo sa puso ni fihuma" sabi nito ng nakangiti

Lumipad sa direksyon ko ang mga bituin para itong mga alitaptap na lumipad at nakikipag laro sakin.

Sinubukan ko itong hawakan at parang nag lalaro sila palad ko.

"Salamat sayo Meli-" sabi ko rito pero pag lingon ko ay naglaho na ito na parang bula naiwan ako at ang tatlong bituin na nasa palad ko.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon