CHAPTER 7: THE SAVIOR

19 1 1
                                    

Karens POV

It is a new day sa aking buhay. Nagising ako sa halik sakin ni mommy sa noo.

"Good morning baby ko. How was your sleep? I just got home last evening. Hindi na kita ginising kase ang sarap na ng tulog mo" sabi sakin ni mommy na nakangiti.

Every weekend lang kase umuuwi si mommy, may mga times din na minsan di talaga siya nakakauwi for the whole week dahil sa dami niyang inaasikaso sa bahay namin sa batanggas andun kase ang business ni mommy.

"Its alright mommy, namiss po kita ng sobra." Sabi ko rito sabay yakap at halik sa pisngi ni mommy. Hay grabe namiss ko talaga siya.

"Tara, i just made your favorite breakfast. Bangon na para sabay sabay tayo kumain ni tita mo" ani ni mommy sakin habang inaalalayan ako tumayo.

My mom always used to cook food whenever na nandito siya sa bahay. She make sure na lagi kameng nag kakaroon ng bonding time together.

"Good morning karen, tara almusal na" sabi sakin ni tita na kakatapos lang mag hain ng niluto na breakfast ni mommy. Umupo ako sa tabi ni mommy at nilagyan niya ako ng food sa plate ko.

"Mom ako na po." Sabi ko rito. Si mommy talaga baby pa rin ang turing sakin eh I am mature independent lady. May powers na nga ako noh. Hihihi.

"Ano ka ba anak, namiss lang kita. Anyway kamusta ang school mo? Are you doing great?" Tanong sakin ni mommy habang kumakain kame.

"Yes mommy, I am still on the top of my class." Sagot ko rito na nakangit kahit naman na super hero na ako sinisigurado ko na hindi ko napapabayaan ang pag aaral ko.

"Ano yung nakwento sakin ni tita na may naghatid sayo na lalake dito sa bahay? May boyfriend ka na ba?" Tanong sa akin ni mommy.

Halos maluwa ko ang kinakain ko sa tinanong sakin. Jusme, boyfriend agad di ba pwedeng MU muna kame ni Gabriel. Hoy karen ano ka ba ni MU nga wala pa kayo eh. Hinatid ka lang eh assumera ng taon.

"Nako mommy hindi po, si Gabriel po yun kaklase ko. Taga dito rin po kase siya sa Avida kaya po hinatid niya ako. Taga phase 2 siya" sabi ko kay mommy.

"Okay, pero wala naman akong tutol sa pag boboyfriend mo basta magiging open ka lang samin ni tita mo at wag mong pababayaan ang pag aaral mo." Sabi ni mommy sakin

"Ayun nga ang sabi ko sakanya ate na magpaalam sayo bago mag boyfriend wala din naman ako tutol dahil nasa tamang edad naman na siya" sabi naman ni tita.

Hayss sana nga maging kame ni Gabriel pero hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sakin.

"Anyway, karen lumabas tayo today since it's been a while nung huling labas natin. Let's go shopping at mamili na din tayo sa grocery ng mga stocks dito sa bahay." Sabi sakin ni mommy.

Nako naeexicte na ako, ngayon na lang kase ulit kame ni mommy magkakaroon ng bonding moments. Kaya after mag breakfast ay naligo na ako at nag ayos.

Simpleng damit lang ang isinuot ko hindi naman kase ako katulad ng mga ibang girls na grabe manamit. Sanay ako na simple lang ang pananamit ko. Naniniwala kase ako na simplicity is beauty.

Sumakay na ako sa Montero at nag drive na si mommy papuntang mall. Nag decide kame na mag punta muna sa department store. Ang dami din naming nabili at binilhan ako ni mommy ng bagong mga damit at sapatos.

After namin sa department store ay kumain muna kame sa restaurant. Medyo nagutom na kase kame at inabutan na kame ng lunch time sa pamimili.

After namin mamili ay nag punta na kame sa grocery store. Kumuha na din kame ng push cart para sa mga items na bibilhin namin. Pang maramihan na kase yung ginogrocery namin, mas nakaktipid kase pag ganun ang binibili namin. Hindi na kame pabalik balik sa store para bumili.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon