CHAPTER 6: LET THE LOVE BEGIN

23 1 1
                                    

Nandito pa kame ni Tintin sa may gate ng university. Nakaupo kame sa may waiting shed.

Hindi pa kame umuuwi ni tintin dahil inaantay ko pa siya makasakay. Nakasakay na din kase si Pao ng jeep pauwi.

Nadatnan kame ni Gabriel dun ng nakamotor sa una nga ay di namin siya nakilala dahil sa Helmet nito.

Huminto ito sa tapat namin at saka tinanggal ang itim nitong helmet.

"Ah-mm Karen, sabay ka na sakin. Ihahatid na kita tutal mag ka same lang naman tayo ng Village pwede naman ako dumaan ng phase 1 bago umuwi" sabi ni Gabriel habang nakatingin sakin

Nagkatinginan kame ni tintin na parehas di makapaniwala sa nangyayari sa mga oras na yun.

Si Gabriel na heartthrob at isa sa mga pinaka mayaman sa University ay ihahatid ako. Totoo ba toh? Hindi ba ako nanaginip.

"Okay lang ba Karen?" Tanong ulit nito sa akin. Napa awang ng kaunti ang labi ko at parang naubusan ako ng sasabihin. Natatameme ako sa kinikilos ni Gabriel ngayon.

"A-hh ah-mmm" mautal utal kong sabi. Eto na naman ang puso ko para na namang kabayo sa bilis. Huyy puso kumalma ka. Hindi ko na talaga maitatago ang pamumula ng mga pisngi ko.

"Ahh a-ano kase ah-mm si-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naunahn na ako ni tintin sumagot.

"Oo sasabay siya sayo... diba sis karen?" Tumingin siya sakin na nandidilat ang mata na nagpapahiwatig na sumangayon ako sa sinasabi niya.

Tumango ako ng dahan dahan at ngumiti. Ngumiti rin sa akin si Gabriel ng napakatamis. Paano ko naman mapipigilan ang nararamdaman ko kung ganito ang trato sayo.

Humakbang ako papalapit kay Gabriel pero natisod pa ako. Mabuti na lang at nasalo niya ako at nahawakan sa magkabilang braso ko. Napatingin ako sa kanya at konting espasyo na lang ay mag lalapit na ang mga labi namin.

"Ano sis napatid ka sa sarili mong hair? Haba kase ehh Hahah" natatawang sabi ni tintin. Eto talaga si tintin kahit kelan.

Sumakay na ako sa motor ni Gabriel at humawak sa damit nito.

Sakto namang dumating ang jeep na sasakyan ni tintin.

"Sis karen andyan na yung jeep. Oh paano mauuna na ako. Gabriel ingatan mo yang bestfriend ko ah. Ingat kayo babush " sabi nito bago sumakay ng jeep.

Nagulat ako sa ginawa ni Gabriel dahil hinawakan niya ang mga kamay ko at nilagay nito sa kanyang tyan dahilan para mapayakap ako sa kanya. Ramdam ko ang abs nito. Hoyy karen anong iniisip mo. Bad yan ahh.

Siguro ay nararamdaman din ni Gabriel ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nakakahiya naman baka isipin ni Gabriel sobra ko siyang gusto. Sabagay totoo naman hahaha.

"Kapit ka mabuti ah baka mahulog ka...papunta sakin" sabi nito. Ano daw? Papunta sa kanya. Aba at bumabanat pa ah. Hoy Gabriel para sabihin ko sayo matagal na akong nahulog sayo.

Pinatakbo na ni Gabriel ang motor. Hindi naman ganun kabilisan ang talbot namin. Actually medyo mabagal nga. Oo nga pansin ko medyo mabagal etong si Gabriel gusto lang ako makasama ng matagal eh.

"Karen okay lang ba na kumain muna tayo bago umuwi?" Tanong nito sakin. Kain talaga? Teka inaaya na ba niya ako mag date? Hay nako wag ka ngang assumera karen. Inaya ka lang kumain yun lang. Di naman siguro to date noh.

"Ah osige okay lang sakin?" Sagot ko rito. Tinitingnan ko siya sa side mirror ng motor pero di ko naman makita ang reaksyon ng mukha nito dahil nakahelmet ito.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon