CHAPTER 17: ESMERALDA MEETS DON FACUNDO

5 1 1
                                    

KAREN'S POV

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ko na ang tito ni Gabriel ay isang kilala na bilyonaryo dito sa Pilipinas.

Si Don Facundo, siya lang naman ang may ari ng halos lahat ng hotel dito sa Pilipinas. Kaya pala sobrang yaman ni Gabriel galing talaga siya sa isang mayaman na pamilya.

"Good to finally meet you iha" bati nito sakin at saka bineso ako.

Nakipag beso beso din ako as a sign of respect sa kanya. Medyo na starstruck pa nga ako dahil hindi ko akalain na kaharap ko siya.

May itsura din ito, may edad na pero di halata sa itsura nito. Ganito siguro ang mayayaman talaga.

"Come join us, let's have lunch together" aya nito sakin. Ningitian ako nito saka nauna nang pumunta ng dining area.

Tiningnan ko si Gabriel at ngumiti rito. Ngumiti rin ito pabalik sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Tara?" Sabi nito sakin. Tumango na lang ako bilang pag sagot ko.

Pumunta na kame sa dining area at pinaupo ako ni Gabriel sa dining chair. Malawak ito at kasya ata ang 20 na tao na uupo rito. Nasa dulong upuan nakaupo si Don Facundo, dalawang upuan ang layo nito samin.

"So Karen, same university ba kayo nitong pamangkin ko?" Tanong ni Don facundo sakin.

"Yes po sir" sagot ko rito.

"I guess same course din. Alam mo ikaw palang ang kauna unahang babaeng dinala dito ni Gabriel. So I assume you have something special kaya ka niya dinala dito" anya nito.

Na shock ako sa narinig ko sa tito ni Gabriel. Ako pala ang unang babaeng dinala niya dito, ang sweet talaga ni Gabriel.

Tiningnan ko si Gabriel at ngumiti hinawakan ko din ang kamay niya. Ngumiti ito sakin at pinagpatuloy namin ang pag kain namin.

"Karen may gusto akong itanong sayo" sabi ni Don Facundo. Tiningnan ko siya at seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin.

"Madami ng balita ang lumalabas tungkol sa isang superhero na si Esmeralda. Kilala mo ba siya?" Ani nito.

Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Bakit naman kaya siya interesado kay Esmeralda.

"Naririnig ko lang po siya dahil madami po siyang nililigtas na tao sabi sa balita" sagot ko rito. Ayokong ipahalata na kilala ko si Esmeralda kailangan kong protektahan ang katauhan ko.

"Ganun ba? Curious kase ako sa kanya at gusto ko siyang makilala ng personal. May mga bagay lang akong gustong malaman sa kanya." Anya nito.

Ano naman kaya yung gustong malaman ni Don Facundo kay Esmeralda. Malakas ang kutob ko na may masamang siyang binabalak pero hindi ko naman siya pwedeng husgahan ng ganun ganun na lang.

"Gagawin ko ang lahat para makilala ko si Esmeralda, pero di ko na kailangan paghirapan pa yun dahil kasama ko na siya ngayon. Diba karen?"

Kumunot ang noo ko at tumindig ang balahibo ko sa mga sinabi ni Don Facundo.
Agad akong tumayo sa kinuupuan ko para makaalis agad sa bahay na yun. Hindi ako pwedeng manatili dahil mapapahamak ako.

Pero bago ako makatayo ay agad akong nakaramdam ng sobrang hilo. Unti unting dumilim ang paligid ko at nararamdaman kong nanghihina ang tuhod ko at duon ay nawalan ako ng malay

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon