CHAPTER 10: LET THE SHOW BEGIN

15 1 1
                                    

Zafra's POV

Naisip ko na bago kame mag shopping ay gusto ko mapanuod ang performance ni Karen at Gabriel.

Sure naman ako na di makaka akyat ng stage yan si karen dahil sira sira na yung gown niya.

Kawawa naman siya. Oops sorry hahaha. Better luck next time. Wala talagang makakabangga sakin.

"Girls panuodin muna natin yung performance ni Karen. I wanna know paano siya mapapahiya." Sabi ko sa dalawa.

"Omg sige. Haha gusto ko din makita kung paano niya sinuot ang gown niya. Hahah" sambit ni Stephanie sakin.

Para kameng manunuod ng isang palabas na alam na namin ang ending. Kaya ng tinawag na ang Journalism department ay agad na kameng bumaba.

Let the show begin.

Pagtapak pa lang ni Karen sa stage ay nanlaki ang dalawang mata ko.

How can this be possible!!!! Paanong naayos niya ang gown at mas lalong gumanda pa ito. Grrrrr..

"Whatttt? Look at her. Paano napaganda ni karen yung gown niya eh sirang sira yan nung iniwan natin" sabi ni Francine na takang taka din sa suot ni karen.

"At mukhang mas gumanda pa yata. Halatang halata ang hubog ng katawan nito. I didn't know na may taste siya sa fashion ah" sabi ni Stephanie na parang namangha sa nakita niya.

"Shutt up!!. Sure naman akong walang ibubuga yan sa boses noh!" Sabi ko sa dalawa.

This is the second time na natalo ako ni Karen. Talagang ginagalit na ako ng babaeng yan.

Nag simula ng kumanta si karen and I was shocked to hear na meron siyang boses.

"Nako Zafra plus points na naman si karen kay Gabriel. Her voice is so lit..." Sabi ni Francine.

I can not take this anymore. I hate her.. I really hate her. Kailangan kong gumawa ng isang bagay para ayawan siya ni Gabriel at mapatalsik siya sa campus na to.

Hindi ko naman pwede siyang mapaalis for no reason. I have to make something na magiging dahilan ng pag alis niya. At pag paplanuhan ko yun. Humanda ka sa kin Karen. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin.

Karen's POV

Natapos na kameng kumanta ni Gabriel at grabe ang hiyawan ng mga student at iba pang mga prof.

Pag baba ko ng stage ay nakasalubong ko si sir Josh.

"Nice karen. Hindi ko alam na marunong ka pala kumanta. Now I know kung bakit ka pinili ni Gabriel bilang partner niya" sabi ni sir Josh sakin na nakangiti.

"Thank you po sir" sagot ko naman rito. Mag sasalita pa sana si sir Josh pero inunahan na agad siya ni Gabriel.

"Karen let's go. I know napagod ka kanina. Come on let's rest muna sa gilid. Ahm sir pabs excuse po muna ah" sabi ni Gabriel kay sir Josh

"Oh sure no problem" sagot naman nito.

Itong si Gabriel mawala lang ako saglit sa paningin niya ay agad naman akong hinahanap. At napapansin ko na sa tuwing may kakausapin akong ibang lalake ma pa prof man o kaklase ay agad naman niya itong sinisingitan. Grabe ka na Gabriel ah. Ayoko naman mag assume pero feeling boyfriend talaga siya sakin. Oh karen ang emotions pigilan. Wag kang assumera..

Natapos na ang huling contestant at maya maya ay mag aannounce na ang winner.

After ng 30 mins na intermission number ay tinawag na ang lahat ng contestan para umakyat sa stage.Umakyat na din kame sa stage.

"Okay guyss this is all you are waiting for the announcing of winners. We have 3 winners for this contest. Ang una ay ang third Placer, pangalawa ang 2nd Placer at syempre last is the 1st Placer or champion" sabi ng host. Halos lahat at pigil hininga at umaasa na ang department nila ang mananalo.

"For the 3rd place, we have........ chemistry department" sabi ng host.

Hiyawan naman ang mga estudyante ng chemistry department.

Nako lord sana man lang kahit 2nd Placer kame para naman worth it ang pag pili sakin ni Gabriel bilang partner niya.

"For the second place, we have....... Engineering department" announced ng host. Sabay hiyaw ng mga estudyante ng Engineering department. Isang department na lang ang hindi pa babanggitin.

Oh my!!! Sobrang lakas na ng tibok ng dibdib ko. Nako sana naman...

"And for the 1st place and Champion for this duet singing contest year 2022 is....." announced ng host. Kasabay ng pag tunog ng drum roll..

"Congratulations......Journalism department!!!!" Announced ng host.

Halos manlaki ang mata ko ng mabanggit ang Department namin. Nanalo kame.. OMG nanalo kame. Mga 3 seconds bago mag sink in sakin na kame ang nag champion.

Hinawakan ni Gabriel ang bewang ko at inaalayan papunta sa harapan. Inabutan naman ako ng bouquet of flowers at sash. Inabot din ang trophy.

Kita ko naman si tintin na patalon talon sa gilid at tinaas ko ang trophy ko para ipakita ito sa kanya habang nakangiti. After contest ay niyaya ako ng ibang kaklase kasama si sir Josh para sa isang simpleng celebration. Syempre kasama dun si Gabriel.

Habang kumakain ay medyo napalalim ang usapan at may isang kaming kaklase na biniro kame.

"Uyy Gabriel bakit si Karen ang napili mong partner. Siguro may something sa inyo ni Karen noh?" Asar ni Abby na kaklase namin.

"Well. Maybe there is , maybe there isn't " sagot ni Gabriel. Ano daw. Bakit ganun ang sagot ni Gabriel ayaw na lang sabihin kung oo o hindi.

"Wow Gabriel ah. Pang showbiz yang mga sagutan mo ah" kantyaw ni Nathan sabay tawanan ang lahat.

Hindi ko alam kay Gabriel kung ano ba kame. Parang kame na hindi. Parang andyan na pero wala pa pala. Oh diba ang gulo parang siya. Hindi ko tuloy alam kung may hinihintay ako o wala.

After ng kainan ay nag si uwian na kame at nag prisinta naman ulit si Gabriel na ihatid ako samin.

Gabriel's POV

Pagkahatid ko kay Karen ay umuwi na din ako samin.

Pag kabukas ko ng front Door ay nakita ko si tito na nakaupo sa Sala at nakaharap sa akin"How was your day Gabriel? Gusto lang kitang palalahanan tungkol sa pinapagawa ko sayo." Sabi nito sakin.

Eto na naman tayo. Nakokonsensya ako sa tuwing babanggitin niya ito sakin. Walang pinakitang di maganda sakin si Karen kaya hanggang ngayon ay nag dadalawang isip ako na ituloy ang plano namin. Medyo nahuhulog na rin ako kay karen dahil sobrang bait nito.

"Hindi ko alam kung gusto ko pang sumama sa plano. Mabait na tao si karen" sabi ko rito at agad itong napatayo sa kinakaupuan nito.

"What?!!!! Hindi pwedeng hindi mo ko susundin Gabriel. You know what I am capable of." Sabi nito sakin na nag titiim ang mga bagang.

"Pero tito-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad akong kwinelyuhan nito at matalim ang mga titig nito.

"Siguraduhin mong magagawa mo ang pinag gagawa ko sayo. Dahil kung hindi ako mismo ang gagawa nito and believe me hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa kanya sa mga kamay ko" sabi nito saakin habang hawak hawak parin niya ang kwelyu ko.

At pagkatapos ng mainit na sagutan namin ni tito facundo agad naman akong pumunta sa kwarto at nagisip ng mabuti kung ano ba ang dapat kung gawin.

Sa ilang minutong pag-iisip ay nakapagdesisyon na ako na suwayin si tito, dahilan na nakokonsensya na ako masyado dahil na rin siguro ito sa dating gawain namin noon.

At ayoko din saktan si karen dahil wala naman itong ginagawang masama at puro kabutihan lang ang ipinakikita nito saakin.





ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon