CHAPTER 47: MEASURING ESMERALDA'S POWER

6 1 1
                                    

Sa isang kwarto dito sa Yves ay kasama ko si Dr. Brown may kasama pa siyang isang doctor din dahil naka white coat ito.

Matangkad, mestizo medyo chinito at may mga dimple sa pisngi kapag ngumingiti.

"Esmeralda gusto ko ipakilala sayo si Dr. Carpio isa sa mga Doctor at scientist natin dito sa Yves hospital" pag papakilala nito sakin.

Ngumiti ito at tumango, inilahad din nito ang kamay niya para makipag shake hands at inabot ko naman yun. Sinuklian ko din ito ng ngiti.

Nandito kame ngayon sa isang specialize laboratory ng Yves para isagawa na ang unang araw ng pag aaral ng kapangyarihan ko

May kaba akong nararamdamn sa totoo lang hindi lang kaunting kaba kundi kabang kaba. Ito ang kauna unahan kong beses na pag aaralan ako hindi bilang karen kundi bilang si Esmeralda.

"Sige Esmeralda sisimulan na natin ang pag aaral, pwede ka bang humiga dito? Gusto ko munang kunin ang Vital signs mo bilang isang tao" sabi ni Dr. Carpio sakin na nakaturo sa isang metal na higaan.

Humiga ako at may tinapat silang mga makina at apparatus sakin parang infrared dahil nakikita ko ang enerhiya ko sa monitor sa katauhan kong si karen.

May mga kinabit din ito sa mga pulso ko sa kamay at hita. May mga sinusulat din sila at tinitignan sa computer. Medyo weird dahil hindi ako komportable

"Ngayon ay mag transform ka" utos ni Dr. Brown. Tumango ako bilang sagot.

Itinaas ko ang kanang kamay ko at sumigaw

"Stars"

Nag liwanag ako pati ang buong kwarto dahil sa pag tatransform ko. Umihip din malakas na hangin at napaangat ako ng kaunti sa ere para mag bigay ng onting espasyo sa kapa ko.

Sa sobrang lakas ng hangin ay nausog ang mga apparatus sa laboratory. Oopss medyo nakakahiya yun.

Tiningnan ko ang vitals ko sa monitor stable naman pwera lang sa infrared monitor dahil sa nakikita ko na nasa pula ang buo kong katawan na sensyales na mataas ang enerhiya ko sa katawan

"HIGH ENERGY ALERT! HIGH ENERGY ALERT! HIGH ENERGY ALERT! SHUT DOWN!" Pag tunog ng makina ng infrared

"Masyadong mataas ang enerhiya sa katawan mo Esmeralda, hindi kinakaya ng makina siguro ay kailangan ay mas mataas na infrared machine" sabi ni Dr. Brown

"Okay Dr. Brown, i papa assist ko na sa Technical management ang pag kuha ng latest infrared machine" Anya ni Dr. Carpio

Pagkatapos ng test na yun ang sunod naman na ginawa sakin ay sinukat ang kapangyarihan ng hangin na meron ako.

Inilagay ako sa isang cylinder na glass para duon ko ilabas ang kapangyarihan ko.

Sa una ay nag aalangan pa akong umapak dahil nag flash back sakin ang pag kuha ni Don facundo ng kapangyarihan ko. Mabuti na lang ay nandito na si Nathan ng mga oras na ito para palakasin ang loob ko.

Isinara na ni Dr. Carpio ang glass door at lumapit na sa computer na nakaconnect sa monitor.

"Esmeralda medyo madradrain ka ng konti sa test na ito dahil kailangan namin sukatin ang bilis ng kapangyarihan ng hangin na meron ko. We need to see ang km/h ng wind speed mo kaya kailangan ibuhos mo ang buong lakas mo okay? Ready ka na ba?" Tanong ni Dr. Carpio

"Oo handa na ako" sagot ko

"Okay sige whenever you're ready" signal niya sakin.

Kaya naman sinimulan ko na ilabas ang kapangyarihan ng hangin itinodo ko ang kapangyarihan ko at sa sobrang lakas ay nabasag ang cylinder glass na pinaglalagyan ko mabuti na lang ay malayo sila saakin at hindi sila natamaan.

"Esmeralda ayos ka lang?" Sabi ni Nathan halata sa boses niya ang pag alala

"Oo ayos lang ako pasensya na at nabasag ko" pag hingi ko ng tawad.

Kanina pa ako nakakasira ng machine hay nako.

"Medyo kakaiba ang kapangyarihan ni Esmeralda mukhang kailangan natin iimprove ang mga makina at apparatus natin. Akala ko dati si Nathan na ang may malakas na natural na kapangyarihan pero iba si Esmeralda" sabi ni Dr. Brown

Marami pang test ang ginawa sakin, at kung di ako nakakasira ng machine at nakakabasag ako ng gamit sa laboratory.

Halos buong araw ay nasa laboratory lang kame. Mag gagabi na rin ng pagpahingahin ako nila Dr. Brown.

Maganda ang kwarto na binigay nila sakin parang nasa bahay lang kaya di ako mamamahay.

Hindi naman ako napagod ngayong araw, kaya naman tinawagan ko muna si Christopher. Ilang ring lang ay sinagot na din niya.

"Hello Christopher?" Sabi ko

"Karen kamusta ka na? Miss na miss na kita. Kamusta ang inaasikaso mo okay naman ba?" Tanong nito sakin.

"Oo okay naman, miss na miss na din-" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang pamilyar na boses

"Ano ba bitawan niyo ko!! Sinabing bitawan niyo ko!!"

"Wait Christopher ah" paalam ko sakanya

"Sure sure" sabi nito.

Binaba ko muna ang tawag at lumabas ng kwarto para tignan kung kaninong boses yun.

Nakita ko si tintin na hawak hawak ng dalawang staff ng yves. May collar sa leeg nito, paanong di siya nakakapag transform bilang fihuma.

Tuwing magiging asul ito ay may kuryente na lumalabas sa collar nito kaya bumabalik ito sa pagiging si Tintin.

Tinupad nila ang kasunduan, may kirot man sakin dahil nakikita kong nahihirapan ang bestfriend ko sa kabilang banda ay masaya ako dahil madali ng makakabalik sa dati si Tintin

Di man nila hawak ang puso ni Fihuma hawak naman nila ang mortal na katauhan nito.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon