CHAPTER 21: FIGHTING FOR YOU

9 1 1
                                    

KAREN'S POV

Naghanda ako sa maaring pag atake ni Don Facundo. Tumalon ako mula sa pangalawang palapag pababa ng unang palapag ng laboratory.

Inundayan ko ng suntok si Don Facundo ngunit nakailag ito at agad na nasuntok ako sa tagiliran.

Malakas siya kesa sa karaniwang tao. Ng sisipain ko na siya ay nahawakan niya ang paa ko at naitulak ako dahilan para tumalsik ako sa gilid.

Binuhat ako nito at hinagis ulit. Nakaramdam ako ng sakit at halos di ko man lang mapuruhan si Don Facundo. Sa pangalawang pag hagis nito sakin ay bumagsak ako sa isang lamesa ng mga laboratory apparatus at nag kabasag basag ang mga ito.

"Humahanga talaga ako sa mga imbensyon ko. Biruin mo lumlakas ang isang karaniwang tao dahil sa brilyanteng ito na may laman ng mga pinagsama samang kapangyarihan ng mga superhero"

Matagal na palang kumukuha ng mga kapangyarihan ng mga superhero si Don Facundo. Napakasama talaga niya

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na talaga kaya pa na tumayo. Lumapit ito sakin at saka nilabas ang isang brilyante na kulay itim. Hindi ko alam na mayroon pa pala itong isa pang brilyante.

"Esmeralda katapusan mo na, ikaw kase masyado kang makulit. Binigyan na nga kita ng isa pang pagkakataon para mabuhay pero bumalik ka pa rito. Kaya mapipilitan akong tapusin ka ngayon."

Unti unti ng tinapat sakin ni Don Facundo ang brilyanteng itim. Pumikit ako at hinintay na tumama ang kapangyarihan nito sakin.

"WAGGGGGGGG!!!!!" Narinig ko ang sigaw ni Gabriel at ng makita ko ito ay patakbo ito sa gawi namin ni Don Facundo. Saktong lumabas ang kapangyarihan ng brilyante at niyakap ako ni Gabriel.

Si Gabriel ang tinamaan ng Kapangyarihan, nasalo ko ito bago ito tuluyang mawalan ng malay sa mga bisig ko.

"G-gabriel, gumising ka... Gabriel... please gising. Wag kang mawawala Gabriel" iyak ko habang tinatapik ang pisngi ni Gabriel..

Sinubukan ko pa ulit gisingin ito ngunit hindi ito magising sa lakas ng kapangyarihan na tumama sa kanya.

"G-gabriel??? H-hindi maaari" gulat na sabi ni Don Facundo. Hindi nito akalain na si Gabriel pala ang matatamaan nito. Napaatras ito sa ginawa niya at akmang tatakbo na palabas ng laboratory ngunit huli na nagsidatingan na ang mga pulis at ang ambulansya.

Dinakip ng mga pulis si Don Facundo at agad na pinusasan. 

"Don Facundo inaaresto ka namin sa salang pag gawa ng mga illegal na imbensiyon at pag bebenta nito sa mga sindikato.  Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan." Saad ng pulis na humuli sa kanya.

Patuloy pa rin ang agos ng mga luha ko habang pinipilit ko pa rin na gisingin si Gabriel pero wala na talaga itong malay. Gabriel please wag kang mamamatay. Please wag mo kong iwan.

Nadatnan kame ng mga nurse sa ganoong kalagayan. Nilagay nila si Gabriel sa stretcher at inilabas na ng laboratory.

"Kami na ang bahala sa kanya Esmeralda. Natutuwa kame at nakabalik ka na para iligtas ang mundo."

Bago pa dumating ang mga reporters ay agad na akong umalis at pumunta sa kakahuyan kong saan ko huling nakita ang Anghel na si Melita.

"Melita!! Lumabas ka!!! Mag pakita ka sakin!!! Lumabas ka!!!" Sigaw ko. Ayoko ng ganito. Puno ng sakit ang nararamdaman ko. Kung dahil sa pagiging esmeralda ko ay malalagay sa panganib ang mga mahal ko ayoko na lang.

Maya maya pa ay lumiwanag na ng sobra sa kakahuyan. Duon din ay nasilayan ko si Melita. Nakatitig ito sa akin at puno ng awa ang mata nito.

"Gusto ko ng ibalik ang kapangyarihan ko. Please lang iba na lang ang piliin niyo maging si Esmeralda. Ayokong madamay ang mga mahal ko sa buhay kaya sinosoli ko na ang kapangyarihan ko" sabi ko rito.

"Kaakibat ng kapangyarihan mo ay ang pagiging matatag. Karapat dapat kang maging si Esmeralda dahil may mabuti kang puso na handang tumulong sa iba." Sagot nito sakin.

"Dahil sakin kaya nasaktan si Gabriel ni hindi ko man lang siya napagtanggol. Napakalakas ni Don Facundo balewala ang kapangyarihan ko" malungkot kong sagot nito.

"Ngayon ay natutunan mo ng pahalagahan ang kapangyarihan mo ay ibibigay ko sayo ang kapangyarihan ng hangin. Ang lakas ng hangin ang isa sa magiging gabay mo at kapangyarihan mo para sa misyon mo" anya nito. Itinaas niya ang baston niya at itinapat ito sa akin. Kasabay ng malakas na pag ihip ng hangin ay nakaramdam ako ng lakas.

"Ang lakas ng hangin ay nasa iyong mga kamay na. Gamitin mo ito at pagkaingatan, Esmeralda" sagot nito sa akin.

Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan kong ito. Itinapat ko ang kamay ko sa isang direksyon at umihip ang malakas na hangin na para bang nakokontrol ko ito.

"Salamat sa binigay mong dagdag na kapangyarihan Meli-" sabi ko rito ngunit pag lingon ko sa kinaroonan niya ay wala na ang anghel sa likuran ko.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon