CHAPTER 29: BAD OR GOOD?

4 1 1
                                    

Today is Sunday at walang pasok, nasa kwarto ako at nanunuod ng netflix. Tapos na kase akong maglinis ng kwarto at tumawag naman si Christopher kanina at sinabing may family outing sila kaya magiging busy siya.

Okay lang naman yun sakin dahil lagi naman na kameng magkasama sa school kaya okay lang kung di kame makakapag usap ngayon.

Sa kalagitnaan ng panunuood ko ay nakarinig na naman ako ng isang matinis na tunog na tumagal ng ilang segundo pagkatapos ay wala akong narinig na kahit ano maski ang pinapanuood ko.

Maya maya ay unti unti akong nakarinig ng sigaw at mga taong animo'y nagkakagulo.
Hindi naman yun galing sa pinapanuod kong movie dahil love story ang pinapanuod ko.

Ng magets ko agad kung ano ang naririnig ko ay agad akong napabangon sa kama at lumabas ng bahay. May isang kaguluhan ang nangyayari at kailangan sumaklolo ni Esmeralda.

Nagtago ako sa mga malalaking halamanan malapit sa amin.

Itinaas ko ang kanang kamay ko.

"STARS!!" sigaw ko

Lumakas ang hangin at unti unti akong umangat sa ere. Kasabay ng pagliwanag ko ay ang unti unti kong pag papalit ng anyo. Lumitaw ang aking pulang suot at ang ginto kong kapa.

Kahit na maliwanag dahil umaga ay kitang kita pa rin ang pagliwanag ko. Pag kaapak ko sa lupa ay naging si Esmeralda na ako.

Agad kong tinakbo ang pinanggalingan ng ingay at nakarating ako dun ng wala pang limang minuto.
Narating ko ang palengke kung saan ay nakita ko ang tatlong villain na nanggugulo sa palengke.

Pero teka? Villain? Eto ay mga taong may superpowers din pero ginagamit nila sa kasamaan ang powers nila.

Saan kaya nila nakukuha ang nga powers nila, di bale na nga. Saka ko na iisipin yun ang importante ngayon ay matigil ang panggugulo nila.

Tinutumba nila nag mga tinda ng mga vendor sa palengke at halos lahat ng mga karne at isda ay nagkalat na sa daan.

Nadatnan ko ang isang villain na hawak ang isang babae na may edad na sa kwelyo nito.

"Akin na lahat ng kinita mo o kung hindi ay masasaktan ka!!" Bulyaw nito sa kawawang tindera.

"Maaawa na po kayo, wala pa po akong kinikita at para sa pamilya ko po ito" pag mamakaawa ng babae. 

Ang ginawa ng mga kasama niya ay pinag sisisira ang tindahan at pinag tatapon ang mga tinda nitong isda.

"Bitawan mo siya!" Sigaw ko sa isang villain.

Tinulak nito ang babae dahilan para sumubsub ito sa lapag. Hinarap ako nito at ngumisi.

"Oh! Ikaw pala esmeralda. Ang lakas naman ng loob mo para abalahin kame rito. Sa tingin mo ba uubra ka samin? HAHA akala mo lang yun" sabi nito sa akin. Tumakbo ito ng mabilis sa akin, mas mabilis kesa sa pang karaniwang tao.

Umatake ito ng suntok at agad ko itong nailagan, nasuntok ko ito at tumilapon ito sa mga tindang karne at isda.

Sumunod naman ang isa at di rin ito umubra sa akin. Ng sisipain niya ako ay kusang gumalaw ang aking kapa at pumulupot ito sa binti ng villain at inihagis ko siya sa kasama niya.

Kahit na may mga superpowers sila ay mas malakas pa rin ako sa kanila dahil natural ang mga powers ko.

Kapag kase ang isang karaniwang tao ay nag kasuperpowers ay hindi ganoong kalakas ang kapangyarihan nito kumpara sa mga superhero na talagang tinadhana o may misyon kaya sila nag kakaroon ng superpowers.

Habang busy ako makipag bugbugan sa isang villain ay tumayo ang isa pang villain at pumulot ng isang kahoy galing sa nasirang mesa at ipapalo na sakin.

Nakahanda na sana ako sa pagpalo nito ngunit ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi mo pa rin nararamdaman ang pag tama ng kahoy.

Nakita mo ang isang superhero na hinawakan ang kahoy, nakamaskara ito kaya hindi mo ito nakikilala.

Hindi mo tuloy alam kung kasamahan ba ito ng mga villain. Nakita mo na inatake niya ang villain na papalo sayo ng kahoy. Bumagsak ito sa lupa.

Dumating na naman na ang mga pulis at pinag dadampot ang mga villian. Unti unti naman silang dinumog na ng mga tao.

Habang busy ang lahat ay hinanap ng mga mata ko ang superhero na yun. Ngunit parang bula na mabilis itong naglaho.

Sino kaya siya?

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon