CHAPTER 12: SAVING TITA ELLA

23 1 1
                                    

THIRD PERSON POV

Nag lalakad si tita sa kahabaan ng kalsada papuntang Avida. Pauwi na ito ng bigla siyang harangin ng isang riding in tandem. Dalawang lalake ito at bukod sa helmet ay mga nakabonnet ito kaya di mamumukhaan kong sino ang dalawang lalake na ito.

Tinutukan ng baril si tita na agad naman niyang kinagulat. Namumutla na sa takot si tita ngunit hindi bakas sa holdaper ang kanilang ginagawang kasamaan.

"Holdap to akina na ang cellphone at wallet mo" sabi ng isang angkas na holdper habang nakatutok kay tita ang isang baril.

Ready na nga ba si tita na ibigay sa holdaper ang kanyang iphone na cellphone. Kahit na takot na tako ay nag makaawa pa rin ito sa mga holdper.

"Maawa po kayo, wag niyo po kunin ang gamit ko" pag mamakaawa ni Tita sa mga holdaper at parang hindi ito naririnig ang pag mamakaawa ni tita.

"Akina sabi eh gusto mo bang masaktan?!" Sabi naman ng driver ng motor.

Mukhang totohanin ng mga holdaper ang pagbaril kay tita kung hindi niya ibibigay ang gamit niya rito. Kaya naman ay wala na itong nagawa kundi iabot sa mga holdaper ang Anello bag nito na may lamang pera at ang kanyang iphone.

Nag aalangan pa siya itong ibigay sa mga holdaper dahil nanghihinayang siya rito at may mga importante kasi itong mga dokumento sa bag.

"Bilisan mo ang tagal mo naman ibigay" sabi ng driver ng motor na naiinip na kay Tita.

Karen's POV

Walang pasok ngayong araw kaya naman ay nag decide ako na mag linis ng kwarto ko. Ganun kase ako pag wala naman ako ginawagawa or natapos ko na ang mga assignments ko ay naglilinis ako ng kwarto.

Habang nag lilinis ay nakarinig na naman ako ng ring. Isang matining na tunog na tumatagal ng limang segundo. Pagkatapos ng limang segundo ay tumahimik sa paligid ko. Sobrang tahimik na wala akong naririnig para akong nabingi. At ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga boses. Boses ng isang babae na pamilyar. Boses ni tita at boses ng mga lalakeng hindi naman pamilyar.

'Maawa po kayo, wag niyo po kunin ang gamit ko'

'Akina sabi eh gusto mo bang masaktan?!'

Boses yun ni tita ah.  At mukhang nasa panganib ito. Rinig ko din ang pag kasa ng baril. Agad akong kinabahan nako hindi ako pwedeng mag sayang ng oras dahil buhay ni tita ang nakasalalay.

Agad akong lumabas ng bahay para sundan ang pinanggalingan ng boses. Bumilis ang pagtakbo ko na mas mabilis sa takbo ng karaniwang tao.

Naghanap ako ng matataguan kung saan ako pwedeng magtransform bilang Esmeralda.

Mapuno dito sa Avida kaya naman ay madali lang akong nakahanap ng matataguan ko.

Pinili ko ang isang malapad na puno. Duon ako nag tago ay luminga linga muna sa paligid. Ng masiguro ko munang walang tao ay itinaas ko na ang aking kanang kamay at sumigaw

"STARS!!!"

Unti unti naman akong nagliwanag at umangat ng kaunti sa ere. Lumabas ang mga bituin kasabay ng pag papalit ko ng anyo. Unti unti na ring lumabas ang mahiwaga kong kapa.

Wala pang ilang minuto ay naging si Esmeralda na ako. Hindi ako pwedeng mag sayang ng oras kaya naman ay pag ka transform na pag katransform ko ay tumakbo na ako agad ng mabilis sa kinaroroonan nila tita at ng mga holdaper.

Natuntun ko si tita at akmang ipupukpok na sana ng angkas na holdaper ang baril nito kay tita para mawalan ito ng malay ngunit agad ko itong nasipa dahilan para tumalsik din ang ang holdaper sa semento.

Dali dali itong tumayo at itinutok ang baril sa amin ni tita at pinaputukan kame. Kusa namang gumalaw ang aking mahiwang kapa at nag silbing takip samin para protektahan kame sa bala ng holdaper.

Sinubukan pa nito kameng barilin ulit ngunit hindi na pumutok ang baril dahil wala na itong bala. Nag karoon naman ako ng pagkakataon para makatalon sa holdaper at undayan ito ng suntok.

Bumaba na rin ang driver ng motor at akmang babarilin kame ngunit nasipa ko agad ang kamay nito at tumilapon ang baril. Kaya naman wala itong nagawa kundi sumuntok pero nakailag ako sa mga suntok nito.

Nasipa ko ito sa kanyang tagiliran kaya naman ay natumba dito. Bumangon ito ulit at umatake ng suntok pero naunahan ko na siya at bumagsak ito sa lupa at mawalan ng malay.

Tatayo pa sana ang mga holdaper ngunit hindi na nila nagawa dahil sa mga pasa at sakit na natamo nila sa sipa at suntok ko.

Ilang sandali lamang ay nagdatingan na ang mga pulis at isa isa ng pinag dadampot ang mga holdaper. Pinosasan nila ito at isinakay na sa Police mobil

Kita sa mukha ni tita ang inis nito sa mga mga holdper dahil habang ipapasok sila sa sasakyan ay pinaghahampas ito ni tita gamit ang bag niya.

"Sige mamang pulis ikulong niyo yang mga yan ng hindi na makabiktima pa. Mga walanghiyang ito ako pa hoholdapin niyo" sabi ni tita habang hinahampas ang mga holdaper.

Binaling naman ni tita ang atensyon nito sakin.

"Nako esmeralda maraming salamat sa pag ligtas sa akin. Grabe nakita na kita sa personal. Ang ganda ganda mo naman at ang sexy sexy pa." Puri naman sakin ni tita.

Nag paalam na ako rito at inabot ang bag nito. Kailangan ko na rin kase umalis at paparating na ang mga reporters baka dumugin pa ako.

"Ah ate ito na po ang mga gamit niyo. Mag iingat po kayo at mauna na po ako" sambit ko

Mag sasalita pa lamang si tita ay hindi na nito nagawa dahil tumakbo na agad ako ng mabilis, nag dadatingan na rin kase ang mga reporters. 

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon