CHAPTER 33 TIN TIN GETS BULLIED

4 1 1
                                    

KAREN'S POV

3 days after kami mahuli ni tintin ay di na niya ako cinocontact. I keep on messaging her, tinatawagan ko rin siya pero ayaw niyang sagutin.

Hindi ko kayang tanggapin na galit sakin ang bestfriend ko. Di ko dapat ginawa ito. Kasalanan ko lahat. At ngayon galit na sakin si tintin at di na niya ako tinuturing na kaibigan.

Hindi ko akalain na ganun ang magiging reaksyon ni tintin pero naiintindihan ko. Naiintindihan ko ang galit niya. At kahit kanino man mangyari yun malamang ay magagalit din.

Maniwala man siya or hindi, di ko sinasadyang saktan siya. God knows how much I tried para umamin at sabihan siya tungkol samin ni Christopher pero every time kase na sasabihin ko ay lagi na lang nauudlot.

Nandito ako sa canteen at tinintingnan ang bawat estudyante na papasok umaasang makikita ko si tintin. Kanina pa ako dito mag 30 minutes na pero di ko pa rin nakikita si tintin. Hindi ko alam kung dumaan na ba siya ng canteen or hindi pa. Nag babakasakali lang ako na maabutan siya.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng isang kaguluhan sa may bandang dulo ng canteen. Narinig ko si Zafra na may binubully na naman na estudyante.

"Serves you right! Paharang harang ka kase sa dinadaan ko. Dapat lang yan. Sa susunod tumabi tabi ka" sabi nito.

Nag pasya akong tignan ang nangyayari. Sumuot ako sa mga nag kukumpulang estudyante.

Nakita ko si tintin na nakasamlpak sa sahig at punong puno ng spaghetti sa ulo nito. Umiiyak rin ito.

"Steph paabot ng coke please" sabi ni Zafra sa malanding boses nito.

Sinunod naman ni Stephanie ang utos ng kaibigan at inabot ang baso ng coke kay Zafra.

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari. Ibinuhos ni Zafra ang coke sa ulo ni tintin. Tinaktak taktak pa niya ito na sinusigurado niyang walang laman.

"Perfect! Ayan complete na ah. May drinks ka na din" tuwang tuwang sambit ni Zafra.

Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng to. Di porket kamag anak siya ng may ari ng university ay may karapatan na siyang ibully ang mga estudyante dito.

"Next time, know your place okay?" Sabi nito habang dinuduro duro si tintin sa noo. Lalo tuloy umiyak si tintin.

Tumingin ako sa paligid. Paanong tinotolerate ng mga estudyanteng ito ang bullying na harap harapan nila mismong nasasaksihan.

Alam kong lahat sila ay takot kay Zafra pero nagagawa pa nilang videohan at iupload sa social media ang pang bubully kay tintin.

Hindi ko na matiis ang ginagawa ni Zafra, lumapit ako sa mga ito at isa isang tinanggal ang mga pagkaing tinapon ni Zafra kay tintin. Pupunasan ko din sana ang mukha ni tintin pero tinaboy niya ang kamay ko. Nalungkot ako sa ginawa niya pero naiintindihan ko.

Tutulungan ko na din sana siyang tumayo pero mas lalo akong tinaboy ni tintin kaya napaatras ako.

"Ano ba karen! Hindi ko kailangan ng tulong mo! Umalis ka na lang. Kaya ko tong mag isa!" Bulyaw sakin ni tintin.

"Oopss!! Mukhang may nag friendship over dito haha asan na ang friends forever ng university natin? Hahah. Let me guess dahil sa guy?" Parinig ni Zafra. Sinamaan ko lang siya ng tingin at taas ng kilay lang ang binalik niya sakin.

"Pero tin?" Sabi ko ng may pag alala

"Bingi ka ba?! Sinabi kong hayaan mo na ako!! Ano masaya ka na ba na ito ang nangyayari sa kin?!" Galit na sabi ni tintin sabay tayo at takbo palabas ng canteen.

Saktong namang sabay kumpulan ng mga estudyante na vinivideohan ang mukha ko. Umalingawngaw ang bulungan ng mga ito sa loob ng canteen.

Nahirapan akong makalabas sa kumpul ng estudyante pero sinubukan ko pa ring habulin si tintin pero di ko na sya naabutan.

Tintin's POV

Napadpad ako sa likod ng isang lumang building malapit sa laboratory ng school.

Di ko namalayan na malayo na pala ang natakbo ko paalis ng canteen.

Ano bang nagawa ko sa mga taong yun para gantuhin nila ako. Wala akong pinakitang masama kay karen para pasinungalingan niya ako. Patagal ng patagal ay patindi ng patindi lang ang nararamdaman kong inis sa kanya.

Hindi ko siya kayang patawarin dahil di lang ako ang trinaydor niya pati na rin ang pagkakaibigan namin ng ilang taon. Nangako kame sa isat isa na walang magtataguan ng sikreto pero ano, wala pala siyang kwentang kaibigan.

Binasura niya lang ang friendship namin. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong halaga sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha ko pati na rin ang mga sauce ng spaghetti na nasa mukha ko.

Hindi ako papayag na gagantuhin lang ako ng mga tao sa paligid ko. Hindi ako mahina para apak apakan lang nila.

Nakarinig ako ng yabag, may paparating. Natanaw ko ang isang lalake na naka white coat, I assume na isa itong professor pero hindi ko ito kilala. Bata pa ang itsura nito siguro mga nasa 30 plus na ang edad nito.

Pinunasan ko ang mga natirang sauce sa mukha ko at saka tumayo.

"Sa itsura mo ay parang napagtripan ka ng estyudante ah. May solusyon ako sa problema mo. Gusto mo ba malaman?" Sabi ng lalake sa harapan ko.

Solusyon? Kung ang sinasabi niya ay paraan para mawala ang sakit na naramdaman ko.
Bakit di ko kaya subukan.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon