Chapter 20: I WILL PROTECT YOU

9 1 1
                                    

TV NEWS REPORTER: TUMATAAS NA PO ANG DAMI NG KRIMEN NGAYON SA BANSA. LAGANAP PA RIN ANG MGA HOLDPAN, KIDNAPPAN AT IBANG MGA KRIMEN. MARAMING NAG TATANONG NGAYON KUNG NASAN NA NGA BA ANG ATING TAGAPAGLIGTAS NA SI ESMERALDA.

"Nako tumataas na talaga ang bilang ng mga gumagawa ng masama. Ang masama pa dito hindi nagpapakita si Esmeralda. Ano kayang nangyari sa kanya?" saad ni tita na hawak ang remote control at nakatuon ang mata sa TV.

Hindi ko maiwasang malungkot sa mga naririnig ko sa balita at mga kumakalat sa social media. Hindi ko alam kung paano kk matutulungan ang mga tao lalo na ngayong wala akong kapangyarihan.

Kung hindi lang sana ako nagpabulag sa pinapakita ni Gabriel hindi ko sana maiawawala ang kapangyarihan ko.

"Tita sa kwarto lang po ako ah" sabi ko rito. Lumakad na ako pabalik sa kwarto at binigay ko na lang ang katawan ko sa kama ko.

GABRIEL'S POV

TV NEWS REPORTER: TUMATAAS NA PO ANG DAMI NG KRIMEN NGAYON SA BANSA. LAGANAP PA RIN ANG MGA HOLDPAN, KIDNAPPAN AT IBANG MGA KRIMEN. MARAMING NAG TATANONG NGAYON KUNG NASAN NA NGA BA ANG ATING TAGAPAGLIGTAS NA SI ESMERALDA

Sobra na akong nilalamon ng konsensya ko sa ginawa ko kay Karen. Napakabuti nito sakin pero ang kapalit ay sinaktan ko lang siya. Kung alam lang niya ang totoo.

Hindi ko na kaya na marami pang madamay sa kasamaan ng tito Facundo kailangan ng makabalik ni Esmeralda.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Karen, isa lang ang kailangan kong gawin para makabawi sa kanya yun ay ibalik ang kapangyarihan na dapat sakanya.

Ilang saglit lang na nag ring ang cellphone ko at nakarinig ko na ang boses niya sa kabilang linya.

"Hello karen" sabi ko. Nag aalangan akong makausap siya dahil napakasakit ng ginawa ko sa kanya.

"G-gabriel?" Sagot ng boses sa kabilang linya.

"Karen pwede ba tayong magkita, kailangan kitang makausap" sabi ko kay karen bakas sa boses niya ang gulat hindi ko rin naman inaasahan na sasagutin niya ang tawag ko sa kabila ng ginawa ko sa kanya.

"Para saan pa Gabriel? Pagkatapos ng ginawa mo sa tingin mo makikipag kita pa ako sayo. Ano pa bang kailangan mo sakin hah? Nakuha mo na ang pakay mo sakin wala na akong maibibigay pa sayo. Dahil ang pag mamahal at kapangyarihan ko ay nakuha mo na!" Madiin na sagot ni karen. Ramdam ko sa boses niya ang galit. Hindi ko siya masisisi.

"Karen please. Please naman pakinggan mo ko. Hindi ko kagustuhan lahat yun. Natakot ako na baka pag di ko sinunod ang tito ko ay siya mismo ang kumuha nito sayo ng sapilitan. Ayokong lalo kang masaktan. Kaya nakipag kasundo ako na dadalhin kita sa kanya pero hindi ka niya sasaktan at kukunin lang niya ang gusto niya sayo." Paliwanag ko rito.

"At sa tingin mo maniniwala pa ako sayo? Marunong ako madala Gabriel. At hindi na ako papayag na mabola mo ulit ako sa mga salita mo. Ano na namang pakulo toh. Please lang tigilan mo na ako." Sabi ni karen. Napakasakit marinig sa kanya na pinagtatabuyan niya ako.

"Patawarin mo ko karen, sorry talaga" sabi ko rito.

"Huli na gabriel, marami ng nasaktan na mga inosenteng tao at wala ako roon para iligtas sila. Hindi maayos ng sorry mo ang kaguluhan ito, bye-" sabi ni karen.

"Karen sandali wag mo muna ibaba, gusto kong tulungan kang mabawi ang kapangyarihan mo" mabilis konh sinabi sa kanya dahilan para mapahinto siya.

"T-talaga? Pero paano? Delikado kung makakaharap natin ang tito mo na wala akong kapangyarihan" sagot ni karen.

Alam kong bukas ay may pupuntahan si tito na meeting kaya matagal na oras din itong mawawala. Kailangan lang namin magmadali ni Karen na makapunta sa lab niya.

"Bukas ala siyete ng gabi, magkita tayo sa bakanteng lote sa di kalayuan sa mansyon. May meeting si tito facundo kaya ilang oras itong mawawala. Pero hindi ko sigurado ang pag balik nito kaya kailangan nating magmadali"

"Sige, magkita na lang tayo bukas" sabi nito at saka pinatay ang tawag. Alam kong pwede akong mayari sa tito ko dahil tatraydurin ko siya pero hindi ko kayang makakita ng mga inosenteng tao na nasasaktan.

KINABUKASAN

Saktong ala siyete ay lumabas ako ng mansyon at kinita si karen sa bakanteng lote malapit sa amin. 20 minutes ng nakakaalis si tito at malamang ay nasa byahe na ito.

Nakita ko si karen na nag aantay sakin

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko rito.

"Hindi naman, halos kakarating ko lang din. Ano tara na?" Sagot nito.

Hindi kame pwedeng magsayang ng oras kaya naman ay dali dali na kameng pumasok sa mansyon. At dumiretso sa laboratory room sa may basement.

May passcode ang pinto kaya hindi kame agad agad makakapasok. Alam ko naman ang passcode kaya di kame mahihirapan pumasok.

Tinype ko na ang 6 na numero sa touchscreen pad mg pinto.

(Wrong Passcode, Please try again)

Huh? Hindi ako pwedeng magkamali. Teka pinalitan niya ang passcode? Shemay..

Pumindot ulit ako ng pattern ng passcode na pwede niyang ipalit

(Wrong Passcode, Please try again)

Teka? Mali pa din. Tsk. Isang try na lang at mag nonotification ito kay tito at malalaman niya na may gustong pumasok sa laboratory.

"Gabriel matagal pa ba yan? Baka dumating na ang tito mo" aligagang tanong ni karen sakin.

"Saglit, pinalitan ni tito ang passcode" sagot ko sa dalaga.

"Nako paano yan?" Tarantang tanong ni karen.

"Sandali, isang try na lang" sagot ko rito.

Please sana gumana ang passcode na toh. Please gumana ka. Sinubukan ko na ulit pindutin ang passcode na pwede niyang ipalit. 

(ACCESS GRANTED!!)

Yes!!! Unti unti ng nagbukas ang pintuan ng laboratory. Nakapasok kame ni karen at sa may bandang itaas na cabinet ay nandun ang brilyante na naglalaman ng kapangyarihan ni karen.

Pagbukas ko sa cabinet ay wala ito duon.  Nako ano ba yan saan naman kaya niya iyon itatago.

"Karen tulungan mo ko maghanap alam kong nandito lang yun. " sabi ko karen. Tumango lang ito at patuloy na naghanap sa brilyante.

Ilang minuto din kamenv naghanap, gusto ko ng sumuko sa pag hahanap pero maya maya sa may dulong parte ng isa pang cabinet ay natagpuan ko ang brilyante.

Tinitigan ko ito ng ilang segundo. Ito na ang paraan para matulungan ko si karen mailigtas ang mga inosenteng tao.

"Karen nandito!!" Sigaw ko kay karen na naghahanap sa baba ng laboratory
Umakyat ito at lumapit sakin

Kinuha ko ang brilyante at inabot sa kanya.
Ngumiti ito sakin at nagpasalamat.

"Salamat Gabriel kung di dahil sayo ay di ko mababawi ito." Sabi ni karen sakin

Binasag niya ang brilyante at tinaas niya ang kanan niyang kamay.

"STARS!!" sigaw nito.

Lumiwanag ito na parang ginto dahilan para mapaatras ako sa liwanag niya. Nag iba ang kasuotan nito at lumabas din ang magandang kapa nito.

Napakaganda talaga ni Esmeralda. Tiningnan ko ito at di ko maiwasan mabighani sa kagandahan nito.

"Mahusay ka talaga pamangkin" isang boses ang narinig namin galing sa ibaba. At nanlaki ang mga mata ko sa dumating..

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon