CHAPTER 48: FRIENDSHIP OVER

5 1 1
                                    

Kasama ko si Nathan dito sa isang room sa Yves, kakatapos lang ng pag aaral sakin. At hanggang ngayon ay di pa rin nila nasusukat ang kapangyarihan ko. Buong araw ay di mawala sa isipan ko si Tintin.

Kamusta na kaya siya? Sana ay nasa maayos siya pero sa tingin ko naman ay di siya pababayaan or sasaktan dito. Gusto ko siya dalawin pero di ko alam kung saan dito sa Yves siya dinala.

Ahhh alam ko na. Nilapitan ko si Nathan na busyng busy na nag aayos ng mga machine na ginamit namin kanina.

"Nathan, gusto ko puntahan si tintin. Gusto kong alamin kung nasaan siya." Paalam ko rito.

Ilang segundo pa bago sumagot si Nathan at parang nag aalala ito na sumagot

"Pero Esmeralda delikado na lapitan mo siya ngayon, masyado siyang mapanganib at baka masaktan ka niya" halata sa boses nito na concern lamang ito sakin

"Nathan sige na please... Kilala ko si tintin di niya yun magagawa sakin" pag mamakaawa ko.

"Kilala? Naririnig mo ba ang sinasabi mo. Ilang beses ka na niyang muntik mapatay eh diba? Ni hindi ka nga niya makilala pag nagiging Fihuma siya" sabi nito sa akin. Natamaan ako sa sinabi niya. Totoo nga, parang hindi ako kilala ni Tintin.

"Please Nathan kahit ngayon lang. Pangako mag iingat ako" maluha luha kong pag mamakaawa sa kanya. Lumambot ang expression ng mukha nito.

"Sige pero sasamahan kita kahit na nasa malayo ako. Mas okay ng sigurado" sabi ni Nathan at ngumiti

Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa kanya, ilang segundo bago ko narealize at mabilis akong bumitaw sa pag kakayakap. Nakakahiya anubayan. Nagbaba ako ng tingin para di makita ang pamumula ng pisngi ko.

Pagkalabas namin ay dinala ako ni Nathan sa kinaroonan ni Tintin sa Cell of Villains

"Cell of Villains? Ano ito?" Tanong ko kay Nathan habang tinatahak namin ang papasok sa lugar.

" Isang facility ito kung saan ang mga nahuhuling villain ay kinukulong at ibabalik sa mortal nitong katauhan." Sagot naman ni Nathan.

Ahh kaya pala dito nilagay si Tintin dahil kailangan namin siyang ibalik sa mortal nitong katauhan.

Pagpasok namin ay may mga kwarto ito sa loob na ang mga pader ay mga glass at may apat na rehas na pintuan.

Maliit lang ang kwarto hindi kalakihan pero hindi rin sobrang maliit. Sapat lang para sa isang tao may higaan ito at kumpleto ang gamit.

"Palabasin niyo ko!!! Palabasin niyo ko!!!" Malayo pa lang ay naririnig ko na ang pagtangis ni Tintin. Masakit na naririnig ko siyang ganito.

Nakaupo ito sa may pintuan at nakahawak sa mga rehas na parang isang preso. May collar pa rin ito sa leeg upang mapiligan ito sa pag tatransform bilang si fihuma.

Binigyan ako ng isang nagbabantay ng upuan katapat ni tintin. Tanging rehas lang ang pagitan naming dalawa.

"Para sa iyong kaligtasan ay di ka maaaring pumasok sa loob ng kwarto ni Fihuma, maaari lang kayong mag usap sa ganitong kalagayan. Sana ay naiintindihan mo" sabi ng nagbabantay sa Cell of Villains

"Oo salamat" tumango ako bilang pag sang ayon.

Umagos na ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Tin, okay ka lang ba diyan? Sinaktan ka ba nila?" Tanong ko kay tintin

"Sa tingin mo ba karen okay ako?? Sa nakikita mo may lakas ka pa ng loob magtanong niyan!! Kasalanan mo toh!! Kasalanan mo lahat toh!! Ikaw ang sumira ng buhay ko!" Galit na sabi nito habang umiiyak.

"Gusto lang naman kita tulungan tintin, ayoko kitang mawala, ayokong tuluyan sakupin ni fihuma ang katawan mo. Okay lang na di na bumalik ang dati nating pagkakaibigan pero wag lang ikaw ang mawala. Hindi ko kaya" hindi ko na napigilan ang emosyon ko bumuhos na ang mga luha.

Tumingin ako kay tintin na luhaan na rin, parehas naming pinagluluksa ang unti unti namamatay naming pag kakaibigan. Tumingin ito sa akin ng matalim.

"Alam mo bang simula bata pa lang tayo ay pakiramdam ko nakatago ako sa anino mo. Ikaw ang maganda, ikaw ang matalino. Lahat ikaw na. At ako eto lang ako oh! Si Christopher lang ang lalaking minahal ko ng ganito pero ikaw pa ang nagustuhan niya" luhaang sabi nito

Natameme ako sa mga sinasabi ni tintin sa akin. Hindi ko alam na bitbit pala niya ito simula bata pa lang kame.

"Pakiramdam ko hindi ako pumantay sa lebel mo. At alam mo pinakamasakit nalaman ko pa sa iba na ikaw pala si Esmeralda. Nung nalaman ko yun, kwinestyon ko na ang pag kakaibigan natin. Kaibigan ba talaga ang tingin mo sakin? Bakit ang dami dami mong tinatago at pag sisinungaling sakin. Sa tingin mo ba di ako worth it pagkatiwalaan hah karen??" Pagpapatuloy niyo

"Tin..." Yan lamang ang nabanggit ko sa lahat ng mga sinabi niya. Hindi ko idedeny ang mga sinabi niya. Sa totoo lang hindi ako makasagot. Parang binusalan ng mga katotohanang iyon ang bibig ko.

"Totoo ang pinakita ko sayo karen, mula umpisa wala akong tinago sayo. Lahat ng nangyayari sakin ay sinasabi ko sayo kase Best friend kita eh. Para na tayong magkapatid. Pero hindi pala yun ang tingin mo sakin. Kaya ako pumayag na maging si Fihuma lalo na at nalaman ko na ikaw si Esmeralda. Dahil gusto kita talunin, gusto kong ipakita sayo na kaya kitang higitian" sabi nito na nagtitiim ang bagang sa galit.

Sinusubukan nitong magtransform dahil sa galit na nararamdamn nito pero pinigilan ito ng kuryente na nasa leeg niya.

Hinawakan ko ang kamay ni tintin na nakahawak sa mga rehas.

"Patawarin mo ako tin, patawarin mo ko sa lahat lahat ng mga hindi magandang naiparamdam ko sayo. Pero isa lang ang totoo at maniwala ka man sa hindi tinuturing kitang kaibigan, ikaw nag isang Best friend ko at walang makakahigit dun. Sana mapatawad mo pa ako. Tulungan mo lang ako na mahanap ang puso ni fihuma pangako ko sayo hindi na kita guguluhin. Ibibigay ko na sayo ang hiling mong kalimutan ko na ang pagkakaibigan natin. Basta sabihin mo lang kung nasaan ang puso ni fihuma" pag mamakaawa ko rito.

Ngumisi lang ito at nakatingin sa akin na para bang sinasabi niyang wala akong mapapala sa kanya. Ilang segundo din kameng nag titigan, inintay ko na magsalita siya tungkol sa kinaroonan ng puso ni Fihuma.

Pero hindi pa rin talaga ito nag sasalita. Bumuntong hininga na lang ako bilang pagsuko. I guess di talaga siya tutulong samin. Ibang iba na talaga siya.

Patayo na ako sa kinauupuan ko ng hawakan niya ang kamay ko na siyang kinagulat ko. Sa dating matigas na expression ng mukha nito ay naging malambot. Inilagay niya ang napigtal naming friendship bracelet sa kamay ko.

Ngumiti ako ng mapait, akala ko tuluyan ng nilamon ni Fihuma ang tintin na kilala ko pero nasa kanya pa rin ang bracelet namin.

"Nasa loob ng University laboratory ang puso ni Fihuma. May fingerprint scanner ito na tanging si Mr. J lang ang may access. Nasa may pinaka basement ang laboratory niya pero mag iingatan kayo dahil nakokontrol niya ang mga statue ng villains" walang emosyon nitong sinabi sa akin.

Ngumiti ako rito at tumango. Unti unti na namang tumulo ang mga luha nito na kanina ay natuyo na sa mga pisngi nito

"Patawad sa lahat sorry talaga. Sana mapatawad mo ko pero patawarin mo rin ako kung ayoko na ibalik sa dati ang friendship natin" anya nito

Ngumiti ako ng pilit sa kanya at lumabas ako ng cell of Villains na dala dala ang nagpigtal na bracelet at ang pigtal na pag kakaibigan namin ni tintin.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon