CHAPTER 36: FRIENDSHIP VS LOVE

4 1 1
                                    

After class napagdesisyunan kong makipag kita kay Christopher ilang araw na akong di mapakali sa sitwasyon namin ni tintin.

I really have to fix this, hindi ako sanay na di kame magkaayos. Simula bata palang kame siya lang ang tinuring ko na kaibigan. Magkapatid na nga ang turingan namin.

At mas nasaktan pa ako sa Frienship over namin ni tintin kaysa sa pag alis ni Gabriel. Hindi ko na alam paanong way ang gagawin ko para magkaayos kame kaya nanghihingi na ako ng tulong kay Christopher. Hindi ko na din alam kung patitigilin ko siyang manligaw if it's the only way para magkabati kame ni tintin.

Inantay ko si Christopher sa waiting shed sa labas ng university. It's been 30 minutes ay wala pa rin si Christopher.

Nagchat ako sa kanya and he said na papunta na siya. Ayoko na din ipostpone pa ito dahil gusto ko ng maayos ang lahat. Na bumalik sa normal ang lahat.

"Karen" tawag sakin ni Christopher. Mabuti naman at dumating na siya. Niyakap niya ako pero agad rin naman akong bumitaw sa pagkakayap.

"Christopher, hindi ko kayang ganito kame ni tintin. I don't want to lose my bestfriend" nangigilid na naman ang luha sa mga mata ko. Nagiging emosyonal talaga ako pag dating samin ni tintin.

"Hey hey, hush down. Maayos niyo din yan ni tintin. You just need to give her time and space para maaccept niya paunti onti" sabi nito. Sinalop niya ang pisngi ko para pakalmahin at binigyan ako ng maliliit na halik sa noo.

I don't want to lose Christopher either. I don't want to lose them both.

"Mag kakaayos pa kaya kami ni tintin? Paano kung di na niya ako mapatawad?" Tanong ko rito.

"Wag mong masyadong ioverthink ang nangyayari sa inyo. Fresh pa kay tintin ang nangyari. Pag lumamig na si tintin. I'm sure makikipag usap ulit siya satin. For now just let her" sabi nito sakin. Pilit akong pinapakalma ni Christopher. Maswerte ako at nandyan siya sa tabi ko to comfort me.

Humarap sakin si Christopher at hinawakan ako sa kamay.

"Karen I think there is only one way para magkaayos kayo ni tintin" sabi nito na seryosong nakatingin sa akin.

"Ano yun?" sagot ko. In this moment, desparada na akong magkaayos kame ni tintin.

"Ang naiisip kong paraan para magkaayos kayo ni tintin ay dapat isa sa inyo ang magparaya" sabi nito.

Tiningnan ko lang siya. Paano at sino?

"Isa sa inyo ang mag give way at mag baba ng pride to make things right. Either you or tintin. Dahil di maayos to kung parehas kayong hindi mag bibigay. Kailangan ay magparaya at kasama dun ang pagpapatawad" patuloy ni Christopher.

Ngunit paano at sino sa amin ang mag paparaya. Does it mean na igigive up ko si Christopher to save our frienship. Kailangan ko ba talgang mamili sa kanilang dalawa?

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon