CHAPTER 46: SAYING GOODBYE IS NEVER AN EASY THING

4 1 1
                                    

Nandito ako ngayon sa Yves Hospital, okay na si Nathan at bukas ay pwede na siya makalabas.

Tahimik lang itong nakatingin sa akin habang pinagbabalat ko siya ng apple. Since the day na dalhin ko siya dito ay medyo naging close na kame. I don't know parang medyo weird lang ang feeling ko pag kasama ko si Nathan but I tried to ignore it. I know we're just friends dahil si Christopher ang gusto ko.

"Nathan may sasabihin ako sayo" sabi ko rito at luminngon ako sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin at nag intay na ituloy ko ang sasabihin ko

"Pumapayag na ako na pag aralan ako dito, gusto ko na din mawala sa katawan ni tintin si fihuma pakiramdam ko nauubusan na ako ng oras" pag pagpapatuloy ko.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Nathan ginantihan ko din naman ito ng ngiti.

"Pero may kondisyon ako" dagdag ko

Napakunot naman ang noo nito.

"Ano yun?" Tanong niya sakin.

"Okay lang ba na kausapin ko muna si Christopher, gusto ko mag paalam sa kanya pero di ko sasabihin ang tungkol dito. Mahalaga sakin si Christopher at sa tingin ko na may karapatan siyang malaman ang pag alis ko" sagot ko.

Tumango si Nathan bilang pag sang ayon. Ayokong iwanan si Christopher sa ere. Ayoko na mag alala siya at isipin niya ang pag alis ko.

Tinawagan ko si Christopher pagkatapos naming mag usap ni Nathan. Sinabi ko sa kanya na dito kame mag kita sa loob ng University sa may park.

Nakaupo ako sa isang bench at inaantay ko siya, maya maya ay nandito na iyon dahil kakatapos lang ng klase niya. Kasama ko si Nathan pero nasa malayong parte siya ng park gusto ko kaseng maging private ang pag uusap naming dalawa ni Christopher. Ayoko na nga sana siyang pasamahin dahil kaya ko naman mag isa pero mapilit talaga siya.

Wala pang ilang minuto ay namataan ko na si Christopher na papalapit sakin. Sinalubong ko ito ng isang malapad na ngiti at mahigpit na yakap. Yumakap din ito pabalik at hinalikan ako sa noo.

Sweet na talaga kame sa isa't isa ni Christopher kahit parang wala kameng label. Masaya ako sa kanya at masaya ako na matyaga siyang nag iintay sa matamis kong oo.

"Kamusta ka na karen? Namiss kita, bihira na lang tayo magkita ah. Pinupuntahan kita sa room niyo pero palagi ka namang wala" bungad nito sakin.

"May inaasikaso kase ako na importante Christopher" sabi ko sabay ngumiti ng alanganin.

"About school?" Tanong nito.

"Ahm no. More on personal matters. Iyon din ang dahilan kung bakit nakipag kita ako sayo. Hindi ko masasabi sa ngayon sayo yung inaasikaso. But for now, gusto ko kase mag paalam sayo personally na matagal akong mawawala because of that" sagot ko.

"Oh I see, so Can I see you after a week? We can have some nice dinner after ng inaasikaso mo" he cheerfully said.

" I don't think na kaya ng weeks yun eh. Actually it will take months" sabi ko.

"Oh, bakit naman masyadong matagal. How about your studies?" Nag aalalang tanong sakin nito at hinawakan ako sa balikat.

"I'll talk with the Deans regarding that, pero di ko pa talaga masasabi sayo Christopher but one thing is for sure para sa nakakabuti to" pag kasabi kong yun ay parang may lungkot akong nakita sa mukha ni Christopher, I know he'll gonna miss me. At mamimiss ko rin, hindi madali ang gagawin kong ito pero I have no choice. Ito ang kaakibat ng responsibilidad na meron ako.

"Christopher habang wala ako, ayokong ikulong mo ang sarili mo sakin. Malaya kang magmahal o manligaw ng ibang babae. Hindi ko pipigilan yun okay? At magiging masaya ako para sayo at sa babaeng mamahalin mo" seryosong kong sabi rito. Masyadong matagal ako mawawala at maiintindihan ko kung makakahanap siya ng iba.

Hinawakan ni Christopher ang pisngi ko at tiningnan ako sa mga mata

"Hindi ko gagawin yun karen, alam kong paulit ulit ko na itong sinabi at sasabihin ko ulit. Mga bata pa lang tayo ikaw na ang gusto ko at mahal ko. Aantayin kita sa pag babalik mo at di ako susuko. Wag mo isipin na maghahanap ako ng iba." Sabi nito.

At sa pag kakataong ito ay di ko na napigilan ang sarili ko. Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko kay Christopher at binigyan ito ng isang matagal at mainit na halik.

Hindi pa ito ang huli Christopher panghahawakan ko ang sinabi mo.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon