CHAPTER 25: THE RIVALRY

7 1 1
                                    

Naging smooth ang getting to know each other namin nila Christopher, si sis tintin naman ang madalas dumadaldal kay Christopher dahil nga super crush niya ito. Ako naman ang madalas kausapin ni Christopher at di naman sa pagiging assuming ah parang mas interesado si Christopher sakin.

Dati dalawa lang kame ni tintin ang kumakain sa canteen ngayon ay trio na kame with our childhood friend na si Christopher.

After namin kumain ay hinahatid ako ni Christopher sa room dahil same lang kame ng building, si tintin kase ay iba ang building niya.

Madalas din namin nakakasabay si Christopher sa uwian kung wala na siyang class.

Nasa waiting shed kame ngayon at kasama ko si Christopher. Inaantay kase namin si Sis tintin. Nag chat kase ito kay Christopher na malalate daw siya pero antayin daw namin siya dito sa waiting shed sa labas ng university.

Oh diba itong sisteret ko mula ng mameet namin ulit si Christopher ay dito na siya nag uupdate
nakalimutan na atang may isa pa siyang bestfriend.

"Karen?" Tawag sakin ni Christopher para basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Hmm?" Sagot ko naman rito.

"What if ligawan kita?" Out of the blue na tanong ni Christopher sakin.

WHATTTT?? ANO DAW??? tama ba ako ng pag kakarinig na liligawan ako??? Seryoso ba tong lalakeng toh? Nako baka pinagtitripan ako neto ah.

"Seryoso ka ba? It's a prank ba yan?" Nagtataka kong tanong dito.

I can say na nasa stage pa rin ako ng pag momove on kay Gabriel pero hindi ko naman na siya masyadong naiisip. Maybe dating someone else will help me para totally na madivert ko ang atensyon ko.

Maybe pwede ko yung subukan.

"Hmm sige okay lang" sagot ko rito sabay ngumiti ng tipid.

KINABUKASAN...

Magkasama kame ni sis tintin na kumakain sa canteen. It's 8 am in the morning and 1 hour pa bago mag simula ang mga class namin.

"Sis karen? Diba may gusto ako kay Christopher?" Seryosong sabi nito.

Tumingin lang ako sa kanya ng diretso at inantay siya na ituloy ang sasabihin niya.

"Sana hindi si Christopher ang maging cause ng away natin. Promise mo sana sakin yan sis karen ah?" Sabi nito na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Nako... sabihin ko na kayang balak akong ligawan ni Christopher. At least mas maaga kong sabihin mas madaling matatanggap ni sis tintin ayoko din naman na yun ang makasira ng friendship namin.

"Oo naman, ahmm sis may sasabihin din ako sayo. Ano kase. May-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla namang sumulpot na si Christopher sa harap namin

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon