CHAPTER 30: THE ANONYMOUS GUY

3 1 1
                                    

"Karen baka pwede tayong mamasyal after class? Tutal maaga naman uuwi si tintin" offer ni christopher sakin. Nag aayos ako ng gamit ko, nandito kame ngayon sa canteen dahil kakatapos lang namin mag lunch.

Inaantay lang namin si tintin na bumalik dahil may binibili pa ito at aakyat na rin kame sa kanya kanyang klase.

Since Friday naman at walang pasok bukas ay pumayag ako.

"Sige dito na lang din sa park ng university, okay lang?" Tanong ko rito.

Ayoko kaseng sa labas pa ng university kame mag dadate Christopher.

Maya maya pa ay bumalik na sis tintin. Inabot niya sakin ang isang libro.

"Sis karen ikaw na nga muna mag hawak nito. Kunin ko sayo after class di na kase kasya sa bag ko at maliit lang na bag ang hawak ko."

Tinanggap ko iyon at isinilid na sa bag ko.

Umakyat na kame sa klase namin. Mamaya na kame magkikita ni Christopher. Baka sunduin na lang niya ako sa room.

Pag ka dismissed ng class ko ay natanaw ko na agad si Christopher na nag aantay sa di kalayuan ng room ko.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko rito.

"Di naman nag early dismissal kase kame kaya nauna ako. Mga 5 mins pa lang naman ako dito." Sabi nito ng nakangiti.

"Ano tara na?" Tanong ko.

Tumango ito at kinuha ang mga bitbit kong libro.

Ang sweet naman ni Christopher. Nag tungo kame sa university park at umupo sa bench na di masyadong tanaw ng mga tao.

Nag chat na kase si tintin na pauwi na siya kaya naman malaya ng maging sweet sakin si Christopher.

"Christopher, hindi pwedeng lagi na lang tayong nag tatago ng ganito. The more na pinapatagal natin toh. Mas masasaktan natin si Tintin" sabi ko ng may malungkot na boses.

Unti unti namang nangingilid ang mga luha sa mga mata ko.

"Alam ko. Ikaw lang naman ang inaantay ko na magsabi eh. Pwede nating kausapin siya sa paraang maiintindihan niya." Saad nito habang sakop ng mga kamay niya ang pisngi ko.

"Iniisip ko lang mararamdaman niya. Ayoko siyang masaktan at the same time ayokong mag sinungaling" sabi ko di ko na mapigilan ang emosyon ko kaya napaluha na ako.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Masasaktan ko ang bestfriend ko.

"Ano ba ang nararamdaman mo ngayon? Ayaw mo pa bang umamin?" Seryosong tanong ni Christopher.

"Nahihirapan lang ako mag desisyon. Hindi ko alam kung paano, saan at kelan ko naman aaminin sa kanya" sabi ko rito.

Niyakap ako ni Christopher at naramdaman kong hinagkan niya ang ulo ko.

Nanatili kame sa ganoong posisyon ng makarinig kame ng isang pamilyar na boses.

Parang napako kame sa posisyon namin at di agad nakagalaw.

"A-anong ginagawa niyo?" Tanong ni sis tintin na nakanuot ang noo at diretsong nakatingin samin.

Napaawang ang labi ko dahil di ko inaasahan na makikita namin si tintin. Agad namang tumayo si Christopher at nagpaliwanag.

"Tin kase malungkot si karen ngayon. Nag decide kame na pumunta muna dito para makapag vent out siya, bakit ka nga pala bumalik. Akala namin umuwi ka na kaya di ka na namin niyaya dito sa park" sabi ni christopher kay tintin.

Agad namang lumambot ang reaksyon nito.

"Naiwan ko kase yung libro na pinatago ko kay sis karen kaya binalikan ko." Sabi nito.

Kinuha ko ang libro na pinatago sakin ni tintin.

"Kayo ah. May tinatago ba kayong dalawa sakin?" Biglang tanong ni tintin

Nagulat ako sa direktang tanong ni tintin. Hindi na siya nag paligoy ligoy pa. Kung sabagay, sino ba naman ang di magtataka kung pakiramdam mo ay may umaagaw sa taong gusto mo.

Pero pang aagaw din bang matatawag kapag mas ginusto ka ng lalakeng gusto ng bestfriend mo?

Hindi ko nasagot agad ang tanong ni tintin dahil may lalakeng nakamotor ang huminto sa harapan naming tatlo na siyang kinabigla namin.

Nakaitim ito at naka helmet din ng itim. Nakakababa ang visor nito kaya hindi ko makilala kung sino ito.

Pero pamilyar ang pangangatawan nito at parang nakita ko na siya pero di ko lang matandaan kung saan.

Inabot niya ang bag na nahulog ko, walang salita ko itong tinanggap at agad naman itong umalis pag ka abot sakin ng bag.

"Sino yun?" Halos sabay na sabi ni sis tintin at ni Christopher.

"Kilala mo?" Muling tanong ni christopher.

Umiling iling ako. Saan ko ba yun nakita? Napaka pamilyar niya sakin.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon