CHAPTER 39: FIHUMA'S MORTAL CHARACTER

7 1 1
                                    

Ongoing ang class ngayon, It's past 11 am kaya medyo gutom na rin ang iba kong kaklase. Habang nag didiscuss ang professor namin ay nakaramdam kami ng onting pagyanig.

Medyo nahihilo nga ako, akala ko ay ako lang yun ng unti unting lumalakas ang pagyanig. Nasa 4th floor kase kame kaya siguro hindi namin agad naramdaman ang pag shake.

5 seconds ng mag sink in samin na merong earthquake.

"Ahhhhh OH NO! what are we gonna do!!"

"Kailangan na nating makababa ng building na toh!!!"

"Ayoko pang mamatay"

Hiyawan ng ilan kong kaklase, may mga iba kase na nag papanic na dahil masyado ng malakas ang pag yanig. Ang iba naman ay medyo relax pa sila at di sila masyado nag papanic.

Nanatili akong kalmado sa gitna ng kaba.

"Everyone stay calm. Duck cover and hold. We will leave as soon as possible" sabi naman ng professor namin na bakas na rin ang kaba sa kanyang mukha.

Lalo pang lumakas ang pagyanig at this time nag babagsakan na ang nga debris ng ceiling ng room namin.

Sa mga oras na ito nag sisikatakbuhan palabas ng room ang mga kaklase ko. Hindi ko na inintindi ang mga gamit ko sa halip ay tumakbo na rin ako palabas.

Paglabas na paglabas ko ay namataan ko si Christopher na papalapit sa room namin. Agad na nag tama ang mga mata namin, tumakbo ako sa direksyon at mag kaakay kaming bumababa ng gusali.

Maraming estudyante ang bumababa ng hagdan at muntik na ngang magka stampede. Nagkaroon din ng ipitan dahil lahat sila ay nag mamadaling bumaba mabuti na lang ay nakaakay sakin si Christopher kaya di ako masyado nasaktan sa mga nag iipitang estyudante.

Nakakababa na kame sa groundfloor at padiretso na kame ng open area ng maalala ko si tintin. May kung anong nag uudyok sakin na akyatin siya pakiramdam ko ay di pa siya nakakababa ng building nila. Magkatabi lang ang building namin at marami ring mga estudyante ang nag bababaan palabas ng building nila.

Bumitaw ako sa pag kaka akay ni Christopher.

"Christopher si tintin baka di pa siya nakakababa ng building. Kailangan ko siyang puntahan baka kung anong mangyari sa kanya" sabi ko rito.

"Pero karen delikado kung aakyatin mo pa siya sa building nila at sa mga ganitong panahon mas kailangan mong unahin ang sarili mo kesa ibang tao" sagot naman nito.

Pero di ko pwedeng hayaan na lang si tintin at isa pa hindi siya ibang tao sakin.

"Hindi ibang tao si tintin, kaibigan ko siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kanya.  Sorry pero kailangan ko siyang puntahan" walang kaabog abog kong sagot, agad akong tumako paakyat ng building nila tintin at ni hindi ko nilingon si Christopher.

Pagdating ko sa ikatlong palapag ay agad kong tinakbo ang ikatlo sa dulong kwarto. Nakita ko si tintin na pilit inaalis ang paa niya dahil naipit ito sa mga nagtumbahang mesa at upuan.

Dali dali ko siyang tinakbo at tinulungan. Ngunit pilit pa rin talaga akong tinataboy ni tintin. Hanggang ngayon ba naman kahit nanganganib na ang buhay niya ay inuuna pa rin niya ang galit niya sakin.

"Sis tintin hayaan mo na akong tulungan ka please. Kahit ngayon lang isantabi mo muna ang galit mo. Kailangan nating makaalis agad bago gumuho ang building na ito" mariin kong sabi sa kanya.

"Pwede ba hindi ko hinihingi ang tulong mo. Hindi ko sinabing tulungan mo ko kaya umalis ka na!!!" Sabi nito sabay taboy sa kamay ko na nakahawak sa binti niya.

"Pero sis tintin please.. hayaan mo kong tulungan ka" pag mamakaawa ko rito. Naiiyak na ako sa kaba pero ayaw pa rin niyang tanggapin ang tulong ko.

"Alis sabi eh!! Umalis ka!!! Ahhh!!!" Sabi nito na pilit hinahatak ang naiipit niyang paa.

Hinawakan ko ito sa magkabilang balikat at tiningan ng seryoso

"Sis tin makinig ka nga sakin kahit ngayon lang.. kailangan kitang tulungan dahil konting oras na lang maaring gumuho ang building na toh!! Kaya wag ka ng pasaway at makipag cooperate ka" naiinis kong sabi.

Naiinis na ako dahil ang tigas ng ulo ni tintin iniintindi pa niya ang pride niya kesa ang buhay niya.

Humawak din ito sa magkabilang balikat ko na para bang nag aapoy sa galit. Matalim ang mga titig nito sa akin. At medyo masakit ang pakakahawak nito sa balikat ko.

Sa sobrang galit niya ay nag iba ang anyo nito. Naging kulay asul ito at tumalas ang mga ipin nagkaroon din ito ng mga patusok sa tagiliran.

Na froze ako sa kinauupuan ko sa nakita ko. Siya... siya si....fihuma. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako sa gulat. All this time tama pala si Nathan. Si tintin ang mortal na katauhan ni fihuma.

Napatulala na lamang ako habang kaharap ko ngayon si fihuma na nanlilisik ang mga mata at hawak hawak pa rin ako sa magkabilang balikat ko.

Naririnig ko namam ang boses ni Christopher na papalapit samin.

"Karen...karen" sigaw nito. Sinundan pala ako nito paakyat sa building.

Ng makalapit ito ay maski siya natakot sa nilalang na nasa harap ko.

"Aahhhhhh halimaw!!!" Sigaw ni christopher. Dali dali akong hinatak nito..

Mabilis kaming tumakbo sa open area at naiwan si tintin sa building na mag isa

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon