CHAPTER 41: THE UNEXPECTED DREAM

6 1 1
                                    

Nandito ako ngayon sa building nila tintin. Di na talaga ako mapakali kaya kahit alam kong galit siya sakin ay pinuntahan ko siya.

Kahit walang kasiguraduhan na kakausapin niya ako. Nag skip ako ng class dahil madalas nauuna ng isang oras matapos ang class ni tintin at kung mamaya pa ako lalabas ng room ay di ko siya maaabutan.

Narinig ko na nag dismissed na ang professor na nagtuturo sa kanila. Nauna itong lumabas at dumaan sa harap ko at ngumiti.

"Good afternoon po" bati ko.

"Good afternoon" bati rin nito at saka lumakad na at nilagpasan ako.

Nagsisilabasan naman na ang mga kaklase ni tintin at maya maya pa ay nakita ko na rin itong palabas. Masaya itong nakangiti habang nakikipag usap sa mga kaklase nito. I guess nakahanap na si tintin ng new set of friends. Parang may kirot akong nararamdaman tuwing naiisip ko na di na niya ako tinuturing na kaibigan.

Nawala ang ngiti nito ng makita ako. Lumapit ako sa kanya.

"Tintin pwede ba tayo mag usap?" Tanong ko rito.

Tiningnan nito ang mga kaklase niya na kasabay niyang lumabas.

"Tin bukas na lang ah. See youu" sabi ng kaklase niya at naiwan kameng dalawa.

Lumakad papalayo si tintin pero hinawakan ko siya sa braso.

"Please tin, mag usap tayo may kailangan kang malaman na importante" sabi ko rito, hinawakan ko ang braso niya at bakas sa boses ko ang pag mamakaawa pero hindi nagpatinag si tintin. Marahas niyang binawi ang braso niya.

"Sige na tin kahit saglit lang" sabi ko ulit sa kanya.

Tumaas ang kilay nito at ngumisi.

"Ano pa bang kailangan mo sakin karen?! Layo na nga ako ng layo, lapit ka pa rin ng lapit. Kahit anong gawin mo, kahit ilang sorry ang sabihin mo di na mababalik sa dati ang pag kakaibigan natin" galit na sabi nito.

"Sige na naman oh. Makinig ka sakin please. Sandaling oras lang ang hinihingi ko. Kausapin mo lang ako kahit sandali" pag mamakaawa ko.

"Do me a favor, please lang. Wag mo na akong lalapitan o kakausapin. Isipin mo na lang na hindi tayo naging magkaibigan." Mariin na sabi nito at humakbang na palayo.

Wala na rin namang tao at kami na lang ang naiwan sa palapag na iyon. Wala na akong nagawa kundi direktang sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin dahil alam kong wala na talagang pag asa na makikipag usap pa siya sa akin. Mabuti na lang at kaming dalawa na lang ang natitira sa floor na iyon.

"Kailangan mo itigil ang pagiging fihuma dahil pwede kang mapahamak sa bandang huli." Sabi ko rito.

Natigilan ito sa pag hakbang kaya nilapitan ko na siya

"Kaya nakikiusap ako sayo. Mag usap tayo kahit saglit." Pagpapatuloy ko.

"Fine, pero huli na toh" sabi niya bago tuluyang nag lakad. Sumunod ako sa kanya at nagpunta kame sa park ng university.

Ng makarating na kame ay humarap ito sa kin.

"Bibigyan lang kita ng ilang minuto para mag salita" sabi nito.

Kaya naman hindi na ako nag paligoy ligoy pa.

"Kailangan mong itigil ang pagiging si fihuma at bago ang eclipse ay dapat mawala na siya sa katawan mo dahil kung hindi, hindi ka na makakabalik sa katawan mo. Sasakupin ni fihuma ang katauhan mo at di ka na makakabalik sa dati. At nandito ako para tulungan ka kung papayag ka." Sabi ko rito na seryosong nakatingin sa mga mata nito. Hinawakan ko ang kamay nito pero agad din niyang inagaw.

"At saan naman nanggaling yang kasinungalingan na yan. Sa tingin mo maniniwala ako sayo?" Sagot nito sabay ngisi.

Napakunot ako ng noo, bakit parang wala lang sa kanya ang sinasabi ko. Porket ba may galit ito sa akin.

"Ano na naman bang kasinungalingan yan karen? Pang ilang beses mo ng nagsisinungaling?" Patuloy nito.

Hindi ko naman maiwasan na di mapaluha.

"Sis tin ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ko? Para maging magkaibigan ulit tayo?" Tanong ko rito.

"Kaya mo bang igive up si Christopher?" Matapang na hamon nito.

Natigilan ako. Isusuko ko si Christopher? Pero hindi ko kaya.

"Sis tin alam mong hindi ko kaya yan. Ang gusto ko lang mailigtas ka kay fihuma" sabi ko rito.

"Bakit?? Dahil ba hindi na ako basta ordinaryong tao ngayon? Natatakot ka bang masapawan ka dahil pwede na akong makilala ng iba?? Gusto mo ba malaman kung bakit mas pinili ko maging si Fihuma??" Sabi nito na matalim ang titig sa mga mata ko.

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ng bigla itong magtransform bilang si fihuma. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at may isang malakas na pwersa ang umatake sakin dahilan para tumilapon ako at mawalan ng malay.

Agad na napamulat ako ng mata, nagising ako na nakahiga sa kama, nasa kwarto ako. Walang bakas ng kahit anong sugat o gasgas, may araw na pagtingin ko sa bintana. Nagising ako sa bangungot at napahawak sa noo, dahan dahan akong bumangon. Panaginip lang pala, pero parang totoo.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon