CHAPTER 45: DEALING WITH YVES HOSPITAL

6 1 1
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto kung saan naka admit si Nathan. After the medical treatment na ginawa sa kanya ay di pa siya nagigising.

I know na di ko naman responsibility na bantayan siya but after he saved me it is the least that I can do and besides I just have a feeling na ayoko pang umalis at iwanan siya.

Pinag mamasdan ko lang ang mukha niya na para bang minememorize ko ang bawat detalye nito. Maya maya pa ay nag bukas ang mga mata nito.

Napatuwid ako ng upo at ngumiti sa kanya.

"Bakit andito ka pa?" Tanong nito sa akin.

"Ayoko pa kase kitang iwanan gusto ko masure na okay ka talaga" sagot ko rito.

Walang nag salita sa aming dalawa, binalot ng katahimikan ang kwarto. Tanging tunog lang ng mga equipment at vital signs monitor ang maririnig.

Gusto ko iopen up sa kanya ang tungkol sa misyon niya. Gusto ko din maliwanagan sa lahat kaya naman ako na ang bumasag sa katahimakan.

"Dito mo ba ako dadalhin, tungkol sa sinabi mo na ako yung misyon mo.?" Tanong ko rito. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya at naghihintay ng kasagutan.

Bumuntong hininga ito bago sumagot.

"Oo, di kita agad nadala dito dahil ayokong matakot ka o pag isipan ako ng masama kaya inunti unti ko. Sa totoo lang isa lang yun sa misyon ko. Misyon ko rin ang tulungan ka dahil katulad mo natural din ang kapangyarihan ko, hindi ako gawa sa laboratory na pareho ng iniisip mo" sagot nito.

Ibig sabihin may nag bigay din ng kapangyarihan niya katulad ng sa akin?

"Galing ako sa isang planeta na may natural na kapangyarihan ang mga superheroes, intensyon ng planeta ko na ipadala ako dito sa Yves hospital para pag aralan at mag karoon ng ideya ang mga taga dito tungkol sa mundo namin kaya ng nalaman nila ang tungkol sayo binigay nila ang misyon na yun sakin para dalhin ka dito upang masukat ang kapangyarihan mo" patuloy nito.

Mas malalim pa pala ang explanation niya kesa sa inaasahan ko. Naputol ang usapan namin ng pumasok si Dr. Brown sa kwarto ni Nathan.

"Nathan kamusta na ang kalagayan mo?" Tanong nito.

"Maayos na, salamat" sagot naman ni Nathan

"Salamat din at dinala mo si Esmeralda dito" anya nito at tumingin sa akin ng may ngiti sa labi.

"Nga pala Esmeralda, ito si Dr. Brown. Wag mo sana siyang paghinalaan dahil kakampi siya. Isa siyang doctor at scientist na gumagamot sa mga superheroes. Isa siya sa mga doctor na tumutulong at gumagamot sa mga katulad natin kapag nasusugatan sila. Matagal na siya dito sa Yves Hospital at marami ding mga katulad niya na doctor at scientist dito" saad ni Nathan.

Nakita ko na before si Dr. Brown nung mga panahon na ginagamot si Nathan.

"Nabanggit sa akin ni Nathan na ang mortal na katauhan ni Fihuma ay nasa katawan ng kaibigan mo" banggit ni Dr. Brown. Nagulat ako ng banggitin niya ang tungkol kay Tintin.

"Paano niyo po nakilala si Fihuma?" Hindi ko na maiwasan na di magtanong.

"Ang kapangyarihan ni fihuma ay gawa ni Jackson Anderson o mas Kilalang Mr. J dati siyang doctor din at isang scientist dito sa Yves pero hindi sa kabutihan ang gusto niya. Isang araw nahuli siya ng isang doctor na gumagawa ng formula para sa mga villain para ibenta sa mga mayayaman. Agad din naman siyang pinatanggal at pinaalis dito. Hindi ko aakalain na nakagawa siya ng paraan para isagawa ang masasama niyang plano" pag kekwento nito.

That's explains everything! Now it all make sense kung bakit may ganung laboratory sa school.

"Kayo ni Nathan ang pwedeng makatalo kay Jackson at sa mga ginawa nitong Villain at pwede kita matulungan sa pagbawi sa kaibigan mo kung papayag ka na pag aralan ka dito at masukat namin kung gaano kalakas ang kapangyarihan mo" offer sa akin ni Dr. Brown.

Ito na ang pagkakataon ko para matulungan ko si tintin pero nag dadalawang isip pa rin ako kung papayag ako sa sinasabi nila. Paano kung isa na naman itong bitag at makuha ulit ang kapangyarihan ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang mga taong nakapaligid sa akin ngayon.

ANG DYOSA NG BUWAN AT MGA BITUIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon