"AREN'T you really going to tell me something about yourself, Ella?" tanong ni Lex.
Habang nagsasayaw kami sa garden ay nag-usap kami tungkol sa Sollera, sa budget nila sa party na iyon, sa gumawa ng prince costume niya, sa maasim na punch na naibuga ko kanina at maging ang tungkol doon sa nag-iisang langaw na nakita ko sa loob ng event hall na hindi naman invited pero nakiki-party sa loob. Kanina pa nga naman siya nagtatanong tungkol sa akin pero deadma lang ako.
"Trip ko lang maging mysterious tonight just like Cinderella."
Ngumisi si Lex. "Right. Ganito pala sila ni Prince Charming noong gabing iyon. Ang tagal nilang nag-usap pero wala man lang nalaman ang prinsipe tungkol sa kanya. Ni pangalan ni Cinderella, hindi man lang niya nalaman."
"At least, sinabi ko sa 'yo ang pangalan ko."
"Thank you, ha."
"You're welcome. Siya nga pala, may gift ako for you."
"Gift?" Halatang nasiyahan siya. "Really? Pero hindi ko naman birthday, ah."
"Congratulatory gift ko sa 'yo for becoming this successful. Iniabot ko sa assistant mo kanina. Nakabalot 'yon sa blue gift wrap na may blue flower sa ribbon."
Halatang na-excite si Lex. "Hmmm... I'm curious. What could it be?"
"Briefs."
Napatanga si Lex. Halatang hindi niya inasahan na ire-reveal ko. "Wow, so much for being mysterious. 'Yong dapat na surprise, sinabi mo." Nagbuga siya ng pagtawa. "Briefs talaga?"
Sumingasing ako. "Kasi puro bra at panties ang nasa isip mo. Baka nakakalimutan mo nang mag-briefs."
Tumawa siya. "Funny." Natigil sa pagtawa ang lalaki at kumunot ang noo. "'You serious?"
Tumango ako. "I want you to remember me. Kaya gusto kong memorable ang gift ko sa 'yo."
Mukhang hulog na hulog na sa akin si Lex na nagningning ang mga matang nakatutok sa akin. Ngayon lang yata may babaeng nagregalo sa kanya ng briefs kaya lalo siyang na-fall sa akin. "Give me your contact number, Ella. I will call you tomorrow."
"Bakit? Aalukin mo ba akong maging isa sa models ng Sollera?" Siguradong ini-imagine na ni Lex ang hitsura ko habang suot ang creations niya.
"No."
"No?" kunot-noong gagad ko. Naliliitan pa ba siya sa dibdib ko?
"Ayokong makita ka ng ibang lalaki na underwear lang ang suot."
Namilog ang mga mata ko. Ano'ng pinagsasabi ni Lex? Bakit kung makatitig siya sa akin, parang gusto niya akong ingatan?
"Ella... will you...?"
Sadyang tumigil si Lex sa pagsasalita dahil tumunog ang cellphone ko. Alarm ang tunog na iyon. Ibig sabihin ay five minutes before twelve in the midnight na! Ibig sabihin ay tapos na ang maliligayang sandali ko kasama si Lex. Kailangan ko nang umalis doon dahil mawawalan na ng bisa ang magical push-up bra!
Pero wait lang! Hindi pa ako nakakaiskor kay Lex! Oo, masarap ang makulong sa mga bisig niya. Masarap ang maka-holding hands siya pero mas masarap sana kung matitikman ko ang halik niya.
Pagkatapos kong patayin ang tunog ng alarma ay mabilis kong ipinasok ang cellphone sa loob ng bag. Nang ibalik ko ang tingin kay Lex ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Hindi ako papayag na hindi ko matikman ang mga labing ilang taon ko nang pinagpapantasyahan.
"Gusto mo ba akong halikan?" diretsahang tanong ko na halatang ikinasorpesa niya.
"Huh?"
"I'm a damsel in distress. A kiss from a prince can save me."
Unti-unting umangat ang sulok ng mga labi ni Lex. "Actually..." Tinapunan niya ng umaasam na tingin ang mga labi ko, "kanina pa kita gustung-gustong 'i-save.'"
Hindi ko napigilan ang mapahagikgik sa kilig sabay hampas sa dibdib niya. "Kung gano'n, ano pa'ng hinihintay mo? Save me! Liberate me from an evil spell!"
Kinabig ako ni Lex at inangkin ang mga labi ko. Nagkikikisay yata lahat ng cells ko sa katawan nang sa wakas ay maramdaman ko ang mga labi niya. Noong una ay mabini lang ang halik ng lalaki pero lumalim iyon at naging mapang-angkin. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang intense ng kissing scene namin.
Napakasarap. Ganito pala ang mahalikan. Ganito pala ang pakiramdam. Parang sasabog ang cup D ko sa sobrang saya.
Pagkaisip sa dibdib ko ay mabilis akong bumitiw kay Lex na mukhang nabigla at nabitin sa ginawa kong pag-awat sa kanya.
"Kailangan ko nang umalis," habol ang paghingang sabi ko.
Napanganga si Lex. "Huh? Why?"
Umatras na ako mula sa kanya. "May curfew ako. Strict kasi ang parents ko. 'Bye!" Tumalikod na ako at nagmadali sa paglalakad.
"Teka, Ella!" habol ng lalaki sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Napasinghap ako nang hagipin ni Lex ang braso ko. Nang harapin ko siya ay nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya.
"Bakit bigla ka na lang aalis?"
"Kasi hanggang twelve midnight lang ako gaya ni Cinderella." Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hindi iyon binitiwan ng lalaki. "Please, Lex... let me go. Kailangan ko na talagang umalis."
"Come on, Ella. It's not like magta-transform ka after midnight."
Nag-panic na ako nang ayaw talagang bitiwan ng lalaki ang braso ko. Hindi niya puwedeng masaksihan kung paano liliit ang dibdib ko na parang inflatable na inalisan ng takip ang butas at lumabas ang hangin.
"Magta-transform ako. Mahahati ang katawan ko sa dalawa. Kaya bitiwan mo na ako kung ayaw mong malapa kita at gawin kitang midnight snack."
Narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Mukhang tinatawagan na ako ni Bambs para sabihing umalis na ako dahil malapit nang mag-twelve o' clock. Wala na akong choice kundi ang kagatin ang kamay ni Lex. Sa wakas ay bumitiw siya sa braso ko. Manghang-mangha siya sa ginawa ko.
"Sorry," nasabi ko na lang.
Tumakbo na ako palayo. Habang tumatakbo palayo ay naramdaman kong unti-unti nang lumuluwang ang brang suot ko. Binilisan ko pa ang pagtakbo nang marinig ang pagtawag ni Lex sa akin.
Nang makalabas ako sa venue ay natanaw ko si Bambs na nakatayo sa harap ng isang nakaparadang kotse. Nakasuot ito ng bandana sa ulo para siguro takpan ang may kulay na buhok. Mabilis nitong binuksan ang passenger seat at umikot papunta sa driver's seat.
Bago ako makarating kay Bambs ay kinapa ko ang dibdib ko. Flat na uli ako! Pero hindi ko nakapa ang bra. Nawawala ang magical push-up bra! Hawak ang aking cup AA ay nilingon ko ang dinaanan ko at ganoon na lang ang pagkamangha ko nang matanaw si Lex na nakatayo sa entrada ng event hall, hawak ang brang nahulog mula sa akin!
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.