PAGMULAT ko ng mga mata ay nabungaran ko ang mukha ni Lex na nakatunghay sa akin. Nakaupo siya sa edge ng kama at ako naman ay nakahiga sa isang mattress na nasa sahig. Nakakunot ang noo ng lalaki. Kumurap-kurap pa ako sa kanya.
Napabalikwas ako ng bangon nang maalala kung nasaan kami ni Lex. Nasa Rosario, Batangas kami. Pagkagaling sa ospital ay dinala ko siya sa isang inn. Noong una ay dalawang kuwarto sana ang kukunin ko pero nag-decide akong isa na lang. Nag-avail na lang ako ng extra bed. Kailangan kasing naroon ako kapag nagising si Lex dahil baka magtaka siya kung paano napunta roon.
"Gising ka na!" bulalas ko.
"Kanina pa. Ano'ng nangyari, Sachia? How did I end up here... with you?"
"Hindi mo naaalala 'yong huling eksena bago ka nakatulog?"
"I remember. Nasa isang coffee shop kami ni Ella."
"Hindi siya si Ella! Hindi gagawin ng tunay na Ella ang ginawa niya sa 'yo. Nilagyan niya ng pampatulog ang iniinom mo kahapon. Mabuti na lang, nandoon kami nina Bambs at Lolly kundi napikot ka na talagang mokong ka."
Lumarawan ang munting galit sa mukha ni Lex na iglap ring nawala. "Pero paano ako napunta rito sa Batangas?"
"Paano mo nalaman na nasa Batangas ka?"
"Lumabas ako kanina para alamin kung nasaan tayo. Ang sabi sa akin ng napagtanungan ko sa labas, nasa Rosario, Batangas daw ako. Bakit mo ako dinala rito habang tulog? Was I in danger at gusto mo akong itago?"
"Hindi. Ipina-blotter na nina Bambs at Lolly 'yong bruhang babaeng 'yon. Kung gusto mong magsampa ng kaso sa kanya, asikasuhin mo pag-uwi mo. Hindi ko sinasadyang dalhin ka rito." Ikinuwento ko ang nangyari kay Kuya Gerry at ang pagdiretso ko sa ospital sa Batangas mula sa coffee shop.
Nabigla si Lex. "Naaksidente si Gerry?"
"Hindi pala niya sinabi sa 'yo? Naaksidente siya kahapon ng umaga. Malamang, ayaw niyang makita mo siyang mukhang mummy sa ospital. Sa akin niya lang sinabi para makapagsinungaling ako sa parents niya. Ayaw kasi niyang ipaalam. Pero wala naman daw siyang serious damages. Kinausap ko 'yong doktor niya bago ako umalis sa ospital. Naoperahan siya pero minor lang.'Yong mga bali niya, makukuha sa cast. Matatagalan nga lang bago maalis ang cast niya."
"Nasaang ospital siya?"
"'Wag kang pupunta! Hindi niya sinabi sa 'yo kaya 'wag kang pupunta. Baka malaman niyang isinama kita rito o kaya sinabi ko sa 'yo 'yong nangyari sa kanya. Sabi niya, 'wag daw akong maingay. Ayaw kasi siguro niyang kumalat ang katangahan niya sa nalalaman niyang car racing. Pumunta ka na lang kapag sinabi na niya sa 'yo. Sa ngayon, okay naman siya. Hindi naman daw siya mababalda. Kaya 'wag kang mag-alala."
Bumuntunghininga si Lex.
"Mas mag-alala ka para sa sarili mo kasi madali kang mapikot. God knows kung ano talaga'ng plano ng babaeng 'yon sa 'yo. 'Sabi ni Bambs, ang sabi raw ng impostor na 'yon sa police station, gusto ka raw pikutin. Pero paano kung alibi niya lang 'yon? Paano kung may iba siyang balak sa 'yo?"
"She tried to seduce me but I refused. Kaya siguro ginawa niya 'yon."
Napabangon ako sa pagkamangha. Tinanggihan ni Lex si fake Ella? Nagdiwang ang loob ko. "Talaga? Ang laki-laki ng boobs no'n, ah. Hindi ka naakit?" Umupo ako sa tabi niya sa kama.
Nagbuga ng hangin si Lex. Mukhang naaliw siya sa reaksiyon ko. "Sa tingin mo ba gano'n ako ka-manyakis?"
"Pero, 'di ba, gustung-gusto mo siya? Bakit mo siya tinanggihan kung siya na ang nag-offer ng sarili niya?"
"Hindi ko siya gusto. Hindi ko naramdaman sa kanya 'yong mga naramdaman ko no'ng gabing iyon sa tunay na Ella."
"Sa... tunay na Ella?" natitigilang gagad ko.
BINABASA MO ANG
Dederella And The Magical Push-up Bra
RomanceA modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.
