Part 14

781 37 2
                                    

ANG SARAP ng tawa ni Lex habang nagkukuwentuhan kami tungkol sa fairy tales. Nang dalhin niya ako sa garden ng events place ay naupo kami sa isang roofed bench na may katapat na fountain at doon ay nagkuwentuhan. Kailan ba ang huling beses na nag-usap kami nang ganito kasaya at kahaba? Two years ago pa yata iyon. Noong sumama ako sa family outing nina Kuya Gerry at pagdating namin sa resort ay nandoon si Lex.

Naalala ko noong nagkuwentuhan kami habang nakaupo sa dalampasigan. Enjoy na enjoy kami noon hanggang sa dumating at nakisali sa usapan sina Kuya Gerry at ang girlfriend nito noong time na iyon. Ganoon din kasaya ang usapan namin ngayon ni Lex. Kinakausap niya ako na para bang hindi lang kami ngayong gabi unang nagkakilala. Palagay na kaagad ang loob niya kay "Ella."

Ang bilin ni Bambs ay umakto raw akong classy at seductive. Magpanggap raw akong ibang babae na may charming personality. Kailangan ko raw munang alisin ang luka-lukang si Sachia sa katawang lupa ko. Iyon naman talaga ang plano ko pero hindi ko nagawa iyon. Nahirapan akong magpanggap na ibang tao. Hindi ko alam kung dahil nakainom ako o sadya lang hindi ko kayang ibahin ang sarili ko. Mukhang hindi ko naman pala kailangang baguhin ang personality ko dahil halatang nagustuhan ni Lex ang pagkaluka-luka ko.

"Hindi ko pa rin ma-figure out hanggang ngayon," naaaliw na sabi ni Lex, "kung bakit sa dinami-rami ng mga babae sa buong kaharian, wala ni isa ang kasing-sukat ng paa ni Cinderella. Ridiculous."

"Eh, mas ridiculous kaya 'yong ginamit ni Prince Charming 'yong sapatos na naiwan ni Cinderella para hanapin siya? Ipinasukat 'ka mo sa lahat ng babae. Puwede namang ipahanap niya sa mga kawal niya gamit 'yong description ng physical appearance ni Cinderella."

"Exactly, right?" tumatawang pag-agree ni Lex. "And what's with the princes' kiss? Bakit 'yong halik nila ang nakapagpagising kay Sleeping Beauty at nakapagpabuhay kay Snow White?"

"Siguro kasi parehong tigang ang dalawang prinsesa. Wala kasing mga dyowa. Kaya noong nahalikan, tumibok ang puso. Nagising at nabuhay ang katawang lupa. At saka ang guwapo kaya ni Prince Charming. Babangon talaga ang bangkay kapag hinalikan niya."

Halatang libang na libang ang lalaki. "'Yang Prince Charming na sinasabi mo, he's no saint after all. Isinayaw at pinaibig niya si Cinderella. Hinalikan niya sina Sleeping Beauty at Snow White. At marami pang ibang prinsesa ang sinamantala niya ang pagka-damsel in distress."

Nagtawanan kami. Bakit nga kasi parang hindi naman nababanggit ang pangalan ng prinsipe sa ilang fairy tales kaya by default ay "Prince Charming" ang tawag sa kanila?

"But seriously..." Tumingin sa tubig na bumababa mula sa fountain. "A true love's kiss is indeed magical."

Sadly, hindi ko pa iyon nararanasan. Kahit fake love's kiss, wala. Iyon talaga ang pangarap ko noong bata ako bukod sa pagkakaroon ng malaking dibdib. Isang halik mula sa tunay na pag-ibig.

"You said it like you've been longing for it," puna ni Lex.

Napabaling ako sa kanya. Ganoon ba ako ka-obvious? "Lahat halos ng babae, 'yon ang pangarap."

"I mean, you sounded as if hindi mo pa nakakamit 'yong true love's kiss." Halatang naiintriga siya sa akin.

"May pagkatsismoso ka rin, eh, 'no?"

Ngumiti si Lex. "Well, gusto ko lang talagang malaman kung single ka."

Natitigilang napatitig ako kay Lex. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso. Kitang-kita ko ang pag-asam sa mga mata niya na maririnig mula sa akin na wala akong boyfriend. Gusto ba niya akong dyowain?

"Beket nemen?" maang-maangang pag-iinarte ko sabay kipit ng buhok sa likod ng tainga.

Nagbuka ng bibig si Lex para sumagot pero hindi niya naituloy dahil tumunog ang phone ko. Bigla kong naalala si Bambs na pinapunta ko roon para sunduin ako. Binuksan ko ang hand purse para dukutin ang phone.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon