Part 36

237 15 2
                                    


NANG marating namin ni Lex ang tuktok ng Tombol Hill ay sabay naming tinanaw ang magandang overlooking ng lalawigan ng Rosario.

"Nice view!" komento ni Lex. "So peaceful-looking."

"Ibang-iba sa city lights na tanaw mo mula sa glass wall ng penthouse mo."

"I like the city lights. Pero alam mo kung ano'ng gustung-gusto kong pagmasdan mula sa penthouse ko? The sky. I like staring at the sky. The closer I am to it, the better I feel. Tulad ngayon, ang ganda ng langit."

Naalala ko na nahilig sila ni Kuya Gerry sa mountain climbing noon. "Bakit?"

"Dahil nandoon ang mommy ko. Feeling ko, nakatingin siya sa akin mula sa langit. That's why I'm staring back at her."

Hindi ugali ni Lex ang magpakita ng vulnerability pero pagdating sa mommy niya ay palagi iyong lumalabas. Ganunpaman ay ganoon lang siya sa piling tao. Masaya ako na kasama ako sa mga taong iyon.

"Ibig sabihin..." Tumanaw ako sa langit. "Nakatingin din sa akin ngayon ang mama at papa ko?" Ngumiti ako nang ibalik ang tingin sa lalaki.

Nakita ko ang paglarawan ng simpatya sa mga mata ni Lex habang nakatitig sa akin. "Is it hard? Being an orphan?"

Ibinalik ko sa view ang tingin. "Mahirap. Noong nawala si Mama, ipinagdasal ko na sana, mahaba ang buhay ng papa ko... pero gano'n talaga. Hanggang doon lang ang buhay ng parents ko. Alam ko namang masaya na sila roon." Itinuro ko ang langit. "Pero nakakalungkot pa rin na wala na sila sa tabi ko, na hindi ko na sila nakikita, nakakasama. Hindi na nila ako makikitang ikasal. Kahit nga magka-boyfriend, hindi, eh. Hindi na sila makikilala ng mga apo nila. Alam mo 'yon... ni kapatid, wala ako. Mag-isa na lang talaga ako sa buhay."

Bumakas ang awa sa mga mata ni Lex.

"Pero buti na lang, nandiyan sina Tita Mercy. Hindi naman nila ako pinababayaan. Lalo na, nando'n lang sila sa kabilang bahay. Kaya masuwerte pa rin kahit papa'no. Maayos naman ang buhay ko. May negosyo. Love life na lang ang kulang pero siguro naman, hindi ako tatandang dalaga, 'di ba? Nawala man sila, kaya ko naman nang buhayin ang sarili ko. At alam ko, proud sila sa akin ngayon kasi nagtayo na ako ng sarili kong negosyo. Assured na silang kaya ko na ang sarili ko kahit wala na sila."

Ngumiti ako kaya umangat na rin ang sulok ng mga labi ni Lex kahit napansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam kong hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang katotohanang hindi niya nakita ang ina at iniisip niyang siya pa ang may kasalanan sa pagkawala nito.

"I never met my mom," sabi niya matapos bumuntunghininga. Nag-angat siya ng tingin sa langit. "But somehow, masuwerte pa rin ako dahil nand'yan pa si Daddy. May magulang pa ako kahit papa'no. And my stepmom, mabait naman siya. Hindi siya katulad ng stepmom mo. At saka may kapatid ako sa ama kaya kahit mawala na rin si Daddy, may pamilya pa rin ako. I am established and I've already reached my dreams."

"That's right," pagsang-ayon ko. "And despite not having a mother, you grew into a good person. Sobrang proud siguro sa 'yo ang mommy mo. Siguro, sinasabi niya, 'I made the right decision. Kung hindi ko pinili na mabuhay si Lex, walang Sollera. Hindi mararanasan ng mga kababaihan ang makapagsuot ng bra at panties na gawa niya.'"

Nagbuga ng tawa si Lex.

"You were really bound to live, Lex." Tinapik-tapik ko ang balikat niya.

Matagal siyang tumitig sa langit at nang bumaling sa akin ay wala na ang lungkot sa mga mata niya. Sa halip ay enlightenment at relief na ang naroon. Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Thank you, Sachia. In an instant, you made me realize a few things that I failed to see. I've often tried to look at the bright side of things but I always ended up going back to hurting my own feelings. Whenever I think of my mom, I always felt pain. Pero nang dahil sa mga sinabi mo ngayon tungkol sa sitwasyon mo, nakita ko 'yong mga bagay na meron ako o meron pa ako pero hindi ko masyadong binigyang-pansin at ina-appreciate. Oo nga pala, I still have my dad. I still have a family, a sibling. Other people don't have anyone anymore. I must have lost my mom before I even met her but she'd given me a precious gift. The gift of life. Ibinigay niya ang buhay niya sa akin. Kaya parang nabubuhay siya ngayon through me. That's why I think I must live my life happily so she'd be happy, as well."

Namasa ng luha ang mga mata ko. Sa sobrang pagka-touch ko sa mga sinabi ni Lex ay napakayakap ako sa kanya nang wala sa loob. Nang maramdaman ko ang pagganti niya ng yakap ay saka ko lang na-realize ang ginawa ko. Niyakap ko si Lex!

Dapat ay bumitiw na ako sa kanya nang ma-realize kong hindi dapat kami nagyayakapan pero masyadong masarap ang makulong sa mga bisig niya. Parang ayoko nang umalis pa sa loob ng mga iyon.

"Ang sweet naman nila. Sana all."

Pagkarinig niyon ay mabilis akong bumitiw kay Lex. Pinawi ko ng mga daliri ang namuong luha at tumingin sa nagdaang dalawang babaeng nakalingon pa rin sa amin kahit nakaraan na.

"Friends lang kami," pahabol ko para hindi isipin ni Lex na may malisya ang pagyakap ko sa kanya. Noong una naman talaga ay wala pero nagkaroon unti-unti.

"Char?" sagot ng babae na mukhang hindi naniniwala.

"Eh, di 'wag kang maniwala! Hindi ka namin pinipilit!" sabi ko sa babae na dineadma na ako.

Nang ibalik ko ang tingin kay Lex ay natagpuan ko siyang nakatitig sa akin. May fondness sa mga mata niya na para bang nagkakagusto na siya sa akin. Bigla kong naalala ang sinabi ni Lola Remy.

"Kapag may problema siya ay palagi akong nakahandang tumulong at makinig. Kung ipapakita mo sa isang lalaki ang damdamin mo at mahalaga sa iyo na masaya siya at maayos ang kanyang kalagayan, unti-unti ay mapapaibig siya sa iyo."

Unti-unti na bang napapaibig sa akin si Lex dahil nandito ako para sa kanya? Posible kaya talagang tingnan niya ang puso ko at hindi ang suso kong flat? Ayokong mag-assume. Masasaktan lang ako kapag umasa ako.

Dederella And The Magical Push-up BraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon